Chapter 10

55 1 0
                                    

Pagsiuwian namin ay tsismis agad ang nangyari sa pagkapiyok ni teacher Apilado. Mga walang magawa talaga ang mga kaklase ko. Si Pen ay nakitawa sa kwento ni Jessa na halos mamatay na sa pagpigil sa pagtawa sa pagkapiyok ni teacher.

Ganun ang buhay ng isang teacher, kailangan ay may sense of humor para hindi awkward ang ganung eksena gaya ng pagpiyok para gawing katawa-tawa nalang ang pagpiyok.

Si teacher Apilado kasi ay pinanganak na seryosong tao kaya ang nangyari ay awkward para sa kanya. Pinagtawanan tuloy siya nang tumalikod na siya.

"Pen sa Megmart ako, sure ka na hindi ka sasama?" tanong ko kay Pen.

Umiling siya at liningkis ang braso sa braso ko. "Hindi, makikisabay ako kina Judie para malibre ako ng pamasahe."

"Okay. Ako naman ay diretso din ako uwi pagkatapos ko sa Megmart kasi alam mo na. Manunuod ako ng Kdrama sa bahay."

"Sus ayan ka na naman sa ilusyon mo. Ang hilig mo talaga sa Kpop."

"Hindi Kpop si Kim Soo Hyun. Actor lang siya."

"Eh ganun na yun kasi kamukha sila ng pinapanood mong video sa cellphone mo." sabi niya.

I twisted my lips. "EXO? Hindi naman sila magkamukha. Si D.O ibang-iba kay Kim Soo Hyun."

"Ah basta, yun na yon."

Hanggang sa labas ng campus ay Kpop at Kdrama ang pinag-usapan namin ni Pen. Iniwan niya ako sa labas ng gate dahil nakisakay siya sa sidecar nina Judie para libre ang pamasahe. Ako naman ay sumakay ng tricycle, yung dipadyak na sakayan sa bayan para madali lang akong makapunta sa Megmart. Construction paper lang ang bibilhin ko kasi para sa scrapbook ko yun.

"Bayad po." Binigay ko ang bayad sa tricycle driver at diretso na akong pumasok sa Megmart. Agad akong dumiretso sa school supplies section at hinanap ang construction paper. Nang makapili ako ay agad akong naglakad sa counter para bayaran.

It wasn't a long queue in the counter but there was a student who bought almost all the school supplies, she bought a lot. She might be a rich kid based on her school uniform.

She came from Casagrande University. That navy blue uniform of that school was famous because only families who had money could afford to make their children study there.

Yung uniporme ng mga taga-high school department ng Casagrande University ay navy blue ang pants o skirt ng mga estudyante tapos yung blouse ay puti. Yung mga babae ay may ribbon sa ilalim ng collarbone na parang lantang bulaklak kasi nakalaylay, yung mga lalaki naman ay wala. Tanging logo lang ng school nila.

Nang ako na ang magbabayad sa counter ay may kumalabit sa akin. Mabuti nalang at may edad yung sumunod sakin kasi kung estudyante ay agaw pansin ang paglapit ni Saxon sa isang tulad kong galing sa public school. My eyes widened and my lips were parted in two.

He just smiled like it's nothing when he approached me. May isang cellophane siyang binigay sakin at umalis agad nang maibigay sakin. Hindi siya humarap agad sakin.

"Neng, magbabayad ka ba?" tanong ng kahera nang matagalan akong makabawi mula sa gulat nang lumapit si Saxon sakin.

"Sorry po. Magkano ho ba?" Magalang kong tanong nang makaahon ako mula sa gulat.

"Thirty-two pesos." sagot niya.

Humugot ako ng kuwarenta pesos mula sa bag ko. Pagkabayad ay kinuha ko ang binili ko at linagay sa bag ko saka lumabas ng Megmart. Hinanap ko si Saxon sa labas pero hindi ko siya mahanap. "Anak ng nanay niya." Maliit lang ang boses ko nang sambitin ko yun.

Isang supot ng Snickers chocolate ang binigay niya sakin. Alam niya na paborito ko yun. He remembered my favorite snack. Palagi niya akong binibilhan noon sa Megmart ng ganitong karaming Snickers dahil ito ang nagpapasaya sakin.

Since Then Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon