Chapter 19

47 3 0
                                    

Araw ng Christmas party at hindi ako bumangon agad sa higaan ko. Usually, four o'clock palang ay gising na ako dahil marami pa akong gagawin pero dahil wala namang regular classes ay nagising ako ng lagpas alas kwatro at bumangon ng five-thirty na. Una kong ginawa ng umaga ay nagkape at nag-igib ako para may stock ng tubig sa banyo at sa kusina. Nagwalis din ako sa bakuran namin at yun naligo narin pagkatapos kong gawin ang gawaing bahay.

Alas onse na ako pupunta sa school kahit pa man magstart ang program. Hindi naman ako manunuod. Nagtext si Pen sakin ng alas otso ng umaga na pinapalamig na ang mga puto na ginawa nila. At nakasafe na raw ang sobrang puto para sa aming tatlo. Napangiti ako saka kinuha ang hinanger kong susuotin. Yung boots ko na parang boots ng sundalo ay kinuha ko mula sa ilalim ng higaan ko. Isang inch lang yung heels niya kaya mabuti nalang at hindi ako titingkayad.

Yung shirt at skirt ko ay linagay ko sa ibabaw ng kama. Mabuti nalang at plinatsa ko yun noong nakaraang gabi, ayoko pa naman magsuot ng gusot na damit. Bumaba ako papunta sa kusina para uminom ng tubig nang makasalubong ko si Mama.

"Hindi ka pa ba aalis? Anong oras ang party niyo?" tanong niya na may dalang labahan, mga damit nila ni Papa. Yung sakin ay ako ang naglalaba.

"Mamayang alas onse pa ako aalis Ma."

"Oh anong oras na ba?"

"Alas otso palang."

"Magbihis ka na, sakto lang yan dahil ang tagal mong magbihis. May nilalagay ka pa sa mukha mo mga isang oras yan." sabi niya. Geez mothers of the world.

Kumuha ako ng baso. "Oo magbibihis na ako Ma kapag matapos na ako dito sa baba."

"Ihanda mo ang mga gamit mo, diyan ka na maghahanap kung paalis ka na." tugon niya at napakibit lang ako ng balikat.

Yung mga gamit ko ang inuna kong ayusin. Yung maliit na fashion bagpack ang dala ko. Kasya ang tumbler ko sa loob ng bag kaya nagdala ako. At yung lunch box ko, maglalagay ako ng spaghetti at etcetera. Pagkain ang rason kung bakit ako aattend ng Christmas party kaya dapat may dalhin ako pag-uwi ko sa bahay.

Linagay ko ang cellphone ko at pamasahe sa maliit na pocket sa harap ng bag. Pero yung wallet ko at yung lipstick at pulbo ko ay nasa malaking pocket. Alas nuebe ay nagbihis ako para hindi ako magmadali kapag pumatak na ang alas dyes. I tucked my shirt under my skirt. Yung belt ay hindi ko na kailangan pa. Nagsuot ako ng medyas na puti at yung sapatos. Naisip kong magpabraid ng buhok, yung dalawang parte hindi isahan lang para maganda ang buhok ko.

Nagwisik ako ng Aficionado perfume sa damit ko. Binili ni ate yung pabango para sakin at mabuti nalang at marami pang laman. Hindi ko dinala ang pabango na yun dahil kapag may makakita ay sure ako na maraming hihingi. Long lasting naman ang perfume na yun at hindi ako nag-aalala na mawala ang bango ko.

Umikot ako sa harap ng human size na salamin sa labas ng kwarto nina Mama. Ang ganda ng itsura ko. Para akong nasa ibang bansa dahil sa suot ko. This was fashion. I didn't care what the people thought about me because this was me. This was who I was.

Bumalik ako sa kwarto ko at naglagay ng pulbo sa mukha at kunting lipstick sa labi para hindi namumutla. Kunti lang linalagay ko dahil hindi ako mahilig sa lipstick. Para lang moist tignan ang labi ko at hindi magdry. Wala akong linagay na ibang kulurete sa mukha at yun lang. Sinukbit ko ang bag ko at linagay sa binili kong paper gift bag ang regalo ko. Hindi naman malaki yun. Tinignan ko muna ang sarili sa salamin bago lumabas ng bahay.

"Ma aalis na ako." Pagpaalan ko kay Mama, nasa bakuran siya at may dalang balde.

"Hala, ingat ka. Huwag ka na namang magpapagabi ha." Tugon niya.

"Oho." sagot ko at tumalon-talon ako na parang bata pababa ng kalsada.

Nakangiti akong naglakad papunta sa may poste ng ilaw para maghintay ng masasakyan. May mga dumaan at may nakita akong mga nakapula at nakagreen na suot ng mga estudyante.  Mga schoolmates ko sila dahil may mga pamilyar na mukha akong nakita.

Since Then Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon