Naglakad kami ni Saxon paalis ng park na busog. Hindi kami masyadong tumambay sa park dahil hindi maganda ang panahon saka gusto ko ring umuwi kahit labag sa loob kong umuwi. Hindi ko pa talaga gustong umuwi kaya lang ay magtataka si Mama kung bakit hindi pa ako umuuwi gayung walang pasok ng hapon na yun. Marami siyang estudyante na makikita na nasa bahay nila.
Inakay ni Saxon ang bisekleta niya dahil napagod siya sa kakabisekleta niya kaya gusto niyang ipahinga ang binti sa kakapedal.
"Sigurado kang hindi ka magpapahatid sakin sa sakayan? Libre na yung ten pesos mo papunta doon."
"Okay na yun. Nakabudget ang pamasahe ko sa araw na'to." sabi ko, pangalawang beses na siya sakin nagtanong kung magpapahatid ako sa kanya sa sakayan pauwi pero tinanggihan ko siya dahil sobra na yung kabaitan niya sakin.
"Eh paano kung... hindi ka makauwi agad? Maghihintay ka pa doon hindi pa naman lumalarga kapag hindi puno ang sasakyan." sagot niya, still so thoughtful.
"Saxon isang angal pa bubutasin ko yung gulong ng bisekleta mo para tanggapin mo ang bayad ko para sa gulong ng bisekleta ko na pinalitan mo, ang kulit mo talaga."
Humampas ang dibdib niya sa pagtawa niya. Pati pagtawa ay nakakadistract. "Okay hindi na ako mangngungulit sayo. Gusto ko lang na bawasan ang problema mo dahil niyaya kitang pumunta sa boulevard kaya gusto ko ay ihatid kita kahit sa sakayan lang."
"Okay na po ako. Atsaka diba sabi mo may pupuntahan ka pa sa green house apartment? Sino nga ba ang pupuntahan mo?"
"Yung kapatid ko, ibibigay ko sa kanya ang allowance niya."
"Kapatid? Yung mayabang na lalaki na naabutan ko noon sa bahay niyo?" Malalim ang pagkakunot noo ko.
Sa bahay ng grandparents niya ay naabutan ko doon ang isang lalaki na kagaya niyang matangkad. Walang saplot sa taas kasi naglalaro yun ng basketball sa likod ng bahay nila. Parang hari ang isang yun.
Mas matanda ng isang taon kay Saxon ang isang yun pero ang yabang, hindi ko alam kung bakit naging kapatid pa yun ni Saxon. Akala ko only child lang si Saxon dati at yun ang alam ng karamihan. Pero sekreto lang yun. Ayaw kasing pinag-uusapan ni Saxon ang family niya.
"Oo, ganun lang ang ugali nun sa iba kapag nagbibiro pero mabait yun." Pagtatanggol sa kapatid.
I scoffed. Defensive Saxon.
Pagdating namin sa harap ng green house apartment ay tumawag ako ng tricycle driver para makaalis na ako. Hindi pa pumasok si Saxon sa loob ng apartment na yun, hinintay niya akong makasakay. May nakita kaming papalapit na tricycle kaya tinawag ko yun. Humarap ako kay Saxon bago pa lumapit at huminto ang tricycle driver sa harap namin.
"Salamat sa paglibre kanina. At salamat sa chocolate na bigay mo. Oo na at ikaw ang maraming allowance." biro ko at mahina ko siyang sinuntok sa braso.
Ngumiti siya, hinaplos ang braso niya na natamaan ng suntok ko. Mahina lang yun. Overacting lang talaga si Saxon Azzaro. "Mabuting partner ang chocolates habang nag-aaral, antukin ka pa naman kaya sakto lang yun sayo."
"Grabe ka sakin, Azzaro. Kapag ako ang tumalino, gagawa ako ng spaceship para ipatapon ka sa Jupiter."
"Edi mamimiss mo ako kapag ipatapon mo ako sa Jupiter, it takes many years pa naman bago makarating doon, edi kalansay na ako pagdating sa Jupiter at hindi na ako makakabalik pa."
"You're thinking ahead, Saxon. At hindi na kita pababalikin dito no." sabi ko sabay ngisi.
Ngumisi din siya at pinitik ang buhok ko. He nodded the tricycle who's almost coming over. "Nandyan na ang tricycle driver. Ingat ka pag-uwi mo." Tumango ako at hinintay na lumapit ang tricycle. Paghinto ng tricycle ay sumakay agad ako. Inayos ko ang bag ko sa harap ko sa tabi ko. "Manong ito po ang bayad niya."
BINABASA MO ANG
Since Then
Teen FictionDiary is where we set our feelings, where we situated our frustrations, happy moments, and all different emotions we feel. It also serves as our marker to be able to regain our memories from the past. A memories from the past that sometimes we shoul...