Balik eskwela na naman ang mga estudyante sa Casagrande National High School. Pinasa ko ang mga proyekto kong ginawa at ganun din ang iilan sa mga kaklase ko na gumawa. Yung iba ay naggugunting palang ng prinint nilang images.
Nakakapanlibot ng mata talaga ang iba kong kaklase dahil hindi agad gumagawa proyekto kung hindi pa nakita yung iba na may ginawa na. Hindi ko alam kung umunlad ang mga kaklase ko na yun pero bahala sila sa buhay nila. Basta ako, kaya ko ang sarili ko at gusto kong umasenso.
"Mabuti nalang at nakatapos tayo kasi deadline na pala ngayon kay Mrs. Villa. Akala ko sa Wednesday na." bulong ko kay Pen.
"Oo nga. Yun ang inuna kong gawin kaysa kay Mrs. Apilado kasi madali lang gawin."
"Yun ang inuna ko kasi marami at parang nalulunod ako sa dami ng kanyang pinagawa satin." sagot ko at kinuha ko ang kanyang notebook.
Nagnotes lang muna ako during recess time. Hindi ako lumabas para bumili ng pagkain sa canteen kasi may waffle biscuits akong pinabili kay Mama para baonin ko kapag recess at para hindi narin ako bumili pa dahil nagsimula na akong mag-ipon. May five hundred na akong naipon. Wala naman akong kailangan pang bilhin. Kapag may naisip akong bilhin ako bibili ako.
Mahirap mag-ipon sa allowance na palaging fifty pesos lang ang binibigay ni Mama.
Napatigil ako sa pagsulat dahil nagpuputol-putol ang tinta kapag pinapahid sa notebook. Tinanggal ko ang takip sa dulo at kinuha ang stick na may lamang ink, inipit ko sa pagitan ng aking labi para iusog ang ink at para hindi rin magputol-putol. Pero ganun parin kaya humiram muna ako sa extrang ballpen ni Pen.
Tatlong linggo na pumasok ang lahat ng teacher namin at walang may program sa school kundi puro regular classes lang. Pinalitan na kasi ng principal na bago ang dati naming principal at priority nito ang regular classes kaysa sa mga events sa school.
Pagdating ng Pebrero ay mayroong plinano ang SSG officers na magkaroon ng program para sa Valentine's Day. Yung mga classroom ay puno na ng mga heart shapes. Yung sa classroom namin ay sa bulletin board lang mayroong hearts at yung kisame ng classroom ay hindi na pinalagyan pa ni Mr. Pie kasi matrabaho daw yun.
Unang week palang ng February pero malamig ang simoy ng hangin parang December. Naghintay ako sa sakayan ng masasakyan pauwi. Dati kasama ko si Pen na maglakad papunta sa sakayan pero dahil nagkaroon na ng motorsiklo ang Papa niya ay solo na akong sumasakay ng tricycle papuntang sakayan.
Nagkita kami ni Saxon doon pero hindi na naman siya makikisabay sakin sa pag-uwi kasi marami siyang dala at hindi kaya sa habal-habal lalo na kapag punuan ang gusto ng driver.
"Magdedesign na kami sa classroom namin para sa school festival. Foundation day din namin sa twenty one at kailangan ay magdesinyo kami sa classroom namin."
Napangiwi ako.
"Subagay, class president ka pa naman at responsibilidad mo yan."
"Oo. Pumunta ka ha. Bibili ako ng entrance ticket para pumunta ka."
I gasped. Agad akong umiling. "Huwag na. Wala akong kasama at masyadong nakakahiya kapag tayong dalawa ang magkasama. Baka ano pa ang isipin ng iba."
Kumunot ang kanyang noo ng malalim. "Wala namang masama yun dahil kaibigan kita."
"Pero kahit na. Ibili mo lang ako ng pagkain sasaya pa ako."
He tsk-tsked. "Tsk. Bahala ka hindi na ako magsasabi sayo na kukumbidahin kita sa school festival namin." he said, rolling his eyes.
I rolled my eyes too. "Bahala ka rin."
"Bakit ka ba nahihiya na kasama mo ako? Kinakahiya mo ba ako?"
BINABASA MO ANG
Since Then
Teen FictionDiary is where we set our feelings, where we situated our frustrations, happy moments, and all different emotions we feel. It also serves as our marker to be able to regain our memories from the past. A memories from the past that sometimes we shoul...