Chapter 15

54 2 0
                                    

Hindi pa kami umalis sa may bangin hanggang sa hindi buong umangat ang araw. Napangiti ako dahil sa gitna ng lamig ng hangin ay nagbigay init ang sikat ng araw. Hindi ako gininaw kahit pa umihip yung malakas na hangin. I remembered the old good times with Saxon. It's the best golden memories we had. As long as we stayed like this, like we're just the same three years ago, we'd be okay.

Inayos ni Saxon ang kanyang bisekleta at pinaharap na papunta sa daan pabalik sa may kalsada. "Hindi ka pa ba uuwi?"

Naglakad ako papunta sa may bato kung saan isinandal ko ang aking bisekleta. "Uuwi na ako. Babalik ka na ba sa bahay niyo?"

He thinned his lips and nodded. "May idedeliver pa ako. Sabay na tayong umalis." he said.

"Saglit lang." sabi ko sabay talikod ulit. May sumilay na munting ngiti sa labi ko.

Pagharap ko kay Saxon ay sumakay ako sa bisekleta ko. We peddled through the street. It was a golden day as the sun had finally soared up and it's brighter than the other day. I loved to see sunrise like that for the rest of my life. I would chase everything if it's meant to see as beautiful as that sunrise again.

May mga tao ng nagsitrahaho ng ganun kaaga. Yung mga magsasaka ay nagsimula ng magtrabaho sa palayan at sa bukid. Nakita ko yung isang magsasaka na nagtratrabaho sa mga Estevez na may dalang araro na nakasabit sa balikat at yung isang kamay ay may hawak ng tali ng kalabaw. May ibang magsasaka na naghaharvest na rin ng repolyo at kamote at may mga bata na naglalaro sa damuhan sa may bandang burol. Nasa daan na ako sa zone namin ng huminto kami ni Saxon.

"Uwi na ako, kita nalang tayo mamaya."

I tilted my head in confusion. "Anong gagawin mamaya?"

He just shrugged his shoulders and smirked. "You'll see. See you later, Nan!"

At nagpedal na siya paalis. Nagtaas lang ako ng kilay sa bulto ng lalaking yun. That guy had intention to tell me what we'd do. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung nasa tabi ko lang siya pero ang maganda ay kalmado lang ako. Pagbalik ko sa bahay ay agad akong nagtrabaho, naglinis ako ng kwarto ko at nag-igib, naglaba ng damit ko, at nagwalis sa labas dahil marami ng dahon. Kami ni Mama ang nagwawalis dahil maluwag ang bakuran namin.

Naligo narin ako at naglaba ulit. Pagkatapos kong maglaba ay nanatili lang ako sa loob ng kwarto ko. Hindi ko alam kung anong oras magpapakita si Saxon. Ang alam ko lang ay pupuntahan niya ako pero wala siyang binanggit kung anong oras. Naalala ko ang diary ko. Kinuha ko yun mula sa lalagyan at kumuha ako ng pen. Sinulat ko muna ang petsa sa itaas bago ako nagsimulang ilahad sa diary ko ang nangyari ng umaga na yun kasama si Saxon.

Hello Diary,

Kanina ay nagkita kami ni Saxon sa bangin kung saan kami naging close sa isa't-isa tatlong taon na ang nakalipas. Hindi ko inaasahan na dinadalaw niya ang lugar na yun sa anumang kadahilanan. Hindi ako palaging dumadalaw sa lugar na yun pero mahal ko ang lugar na yun kahit pa man gumuho man ang lupa doon ay hindi ko yun kakalimutan.

Pareho kaming nakatanaw sa napakagandang tanawin kanina, yung nagtataasang bundok na parang layer ng cake na maraming puno ang siyang nagpagaan ng loob ko. Saksi kami ni Saxon nang balutin ng liwanag ng araw ang bundok na kaharap ng bangin. Pareho naming nasaksihan kung gaano kaganda ang mundo dahil dun.

Kanina lang bago ako puntahan ang bangin na yun gamit ang bisekleta ko ay may nakita akong paper airplane sa daan kaya pinulot ko. Tinago ko sa bulsa. Kinuha ko yun mula sa bulsa ko nang makapa ko yun at nakita ni Saxon na hawak ko yun kaya siya ang nagrequest na magpalipad ng eroplanong papel na laruan. Hindi ko alam kung saan nilipad ng hangin ang  laruan na yun pero sana ay malayo ang lipad nun ganun din ang kahilingan namin ni Saxon.

Since Then Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon