Girls were cheering the boys who're playing the basketball. Ang sakit sa tenga ang kanilang tilian kahit nasa labas ako ng covered court. Binaba ko ang libro na binabasa, humiram ako kay Pen ng bagong pocket book kasi naumayan na ako sa ibang istorya sa ebook. Paulit-ulit nalang kasi.
"Pen hindi pa ba tayo babalik sa classroom? Nakakainis na dito, ang lakas makatili ng mga babae dito."
"Sandali nalang at matatapos na itong dinadownload ko." sagot ni Pen.
Nakisagap siya ng wifi sa library dahil may bago siyang cellphone na binigay sa kanya ng kanyang Auntie na galing Saudi. Smart phone kung tawagin, marami na ang bumibili niyan ngayon dahil nakikinabang din naman ito kagaya ng computer pero madali parin kapag computer ang ginamit.
"Tara na, Nan." Mabilis niyang sabi.
"Tapos na?" Nakataas kilay kong tanong.
Tumango siya saka inilingkis ang braso sa braso ko. Pareho kaming naglakad papunta sa classroom namin at doon nalang tumambay. Sinamahan ko lang siya para makisagap ng wifi dahil wala siyang ibang kasama. Si Ching at Shella ay magkasama sa covered court dahil nanunuod ng basketball game. Grade ten at eleven ang naglalaban sa laro.
Huling linggo na ng Abril at malapit na ang Mayo. Second week of May would be our examination week for finals. Marami kaming upcoming projects na kailangang tapusin at mabuti nalang ay tapos na ako sa reporting dahil may points din ang reporting, nitong March lang ay nagreport ako at mabuti nalang ay nakaya ko.
Pagdating namin sa classroom ay prente akong umupo sa silya ko at binuksan ko na ulit ang pocket book para magbasa. Grade seven akong unang nagbasa ng pocket book nandun pa nga sa bahay ang pocket book na yun dahil tinago ko lang para kapag gustuhin kong magbasa ay pwede ko siyang kunin anytime.
Nasa pito lang yata ang nasa classroom, kaming dalawa ni Pen at yung lima pa naming kaklase. Yung dalawa ay natutulog, may isa na nagbabasa yata ng ebook at yung dalawa ay nasa gilid at nakaharap sa pader, pareho ding natutulog. Nakapatong ang katawan ng lalaki sa nobya niya, magnobyo kasi ang nasa kanto. Si Pen ay nanunod ng dinownload niyang movie sa cellphone niya.
Kinuha ko ang cellphone ko nang tumunog ito. Nagmensahe lang ang sim card na binalewala ko rin kasi hindi na kailangan pa yung basahin.
Wala kaming regular classes dahil may palaro sa eskwelahan para may ilalaban sa ibang school, tapos na yun eh pero para daw yun sa championship. Ewan ko at hindi ko masyadong naintindihan pero karamihan sa mga teachers namin ay puro naka-assign sa mga palaro kaya hindi na pumasok. Yung ibang teachers namin ay pumasok naman pero iisa lang ang nagseryoso na magturo, yung isa naming teacher ay nagtalambuhay lang hanggang sa magbell.
Si Mrs. Apilado as usual dahil isa siyang coach sa sipa takraw ay maraming projects na iniwan, yung scrapbook ko ay kunti nalang ang pages ay makakabili na ako ng bago, drawing book ang ginamit namin sa scrapbook kasi perpekto yun sa paggawa ng scrapbook at hindi na kami magdidikit pa ng bond paper o construction paper, ang kailangan nalang namin gawin ay idesign yun.
At marami ding pinakopya si Mrs. Apilado, yung chalkboard namin ay puno ng manila paper at sumakit ang kamay ko sa kakakopya, para daw sa susunod na lesson namin.
"Magsisimula ka na ba sa output ni Apilado?" tanong ni Pen, siniko niya ako para makuha ang atensyon ko.
Nag-isip muna ako saka sinagot ang tanong niya. "Hindi muna mamayang gabi dahil alam mo naman na mayroon ako nito." Nginuso ko ang pocket book na binabasa.
Tumawa siya. "Bukas na rin siguro ako pagkatapos kong maglaba, wala naman tayong pasok sa Lunes hanggang Martes diba?"
"Wala, pero bukas baka dahan-dahanin ko ang paggawa para makatapos agad ako. Alam mo naman na malapit na ang exam natin at magiging popular na naman ang paggawa ng outputs, si Mrs. Uychengco sigurado akong magpapagawa din ng output yan kasi ano bang ilalagay sa class record yan ay hindi naman siya mahilig magpa-quiz."
BINABASA MO ANG
Since Then
Teen FictionDiary is where we set our feelings, where we situated our frustrations, happy moments, and all different emotions we feel. It also serves as our marker to be able to regain our memories from the past. A memories from the past that sometimes we shoul...