Nakakunot ang noo ko at halos mabali na ang takip ng ballpen ko sa kakakagat habang nakatingin sa test paper ko. Pangalawang araw na ng exam namin pero may dalawang subject pa kaming kailangan itake sa mga susunod na araw kasi hindi pa naihanda ng ibang teachers ang kanilang test papers.
Nasa harap ang teacher namin at may tinitipa sa kanyang laptop. Lumingon ako kay Pen na seryoso din sa pagsulat ng sagot kanyang test paper. Malapit na akong matapos pero nahihirapan akong isagot ang ika-thirty two na question kasi hindi ko yun nabasa.
Kumunot ulit ang noo ko at umayos ng upo, nagdekwatro ako sa pag-upo. Okay lang naman na magtaas ng paa kasi malapad ang palda namin. Binasa ko ulit ang tanong. First ten ng sagot ay puro true or false, hindi naman ako zero doon kasi may naaral ako kahit papaano.
I was stocked in question number thirty two, I slowly turned my head to Pen. "Pen." I whispered.
Hindi kami magkatabi kasi may isang metro ang layo kada upuan namin. Yung iba nga ay nasa labas at dahil busy si teacher ay siguradong may sharing answers na nagaganap. Kapag sharing answers ay hindi na yun cheating kasi syempre nagbibigay ka ng answer o nagpapakopya, yung cheating ay tumitingin ka sa papel ng iba na hindi alam nung owner.
She raised her brows and gaped her lips.
"Thirty two." sagot ko, alam na niya yun.
Tumingin siya sa kanyang test paper at pinakli yun kasi nasa likod yun. Dalawang daliri ang pinakita niya ibig sabihin ay letrang B ang sagot niya. Binilugan ko ang letrang B at umusad na ako sa sunod na tanong.
"Nan." bulong naman ni Pen.
"Mr. Ringo, stop chatting to your classmate!" Our teacher shouted.
Tumingin muna ako sa harap, yung teacher namin ay tumayo na at lumabas para tignan ang mga estudyante na nasa labas. Mabilis akong lumingon kay Pen.
"Yung number twenty six." she whispered.
"D." I whispered back then I focused on my paper.
Tinapos ko ang pagsagot sa exam. Yung isang sagot ay any minnie nalang ako kasi wala na akong matandaan.
Pagkatapos ng aming exam ay nagcheck agad kami para hindi na daw mamroblema sa susunod at diretso nalang irecord ang score sa class record. Hindi naman bumaba sa bente ang score. I got twenty three over fourty and it's fine than nineteen below or worse, zero.
Hindi mababa ang mga score ko kasi nakapag-aral naman ako, dalawa nalang na subject ang aaralin ko at hindi na yun masama kasi dalawa nalang. Gusto kong sumikap na makakuha ng score na hindi bababa sa kalahati ng pinakamataas na numero. Wala kasi akong ibang magawa kaya sa pag-aaral ko nalang itinuon ang lahat.
"Kahapon ilang score ang nakuha mo sa math?" tanong ni Pen.
"Naka twenty six ako syempre, mabuti nalang at may mga multiple choice kasi baka zero ako. Alam mo naman na mahina ako sa math." sagot ko habang kumakain.
Tumambay muna kami sa isang pinto ng classroom. Dalawang pinto sa classroom namin, yung isang pinto ay nakatambay doon sina Sophia. Umupo kami ni Pen sa upuan na nasa gilid. Parang mga hilain sina Sophia sa kabilang pinto, mga babaeng nasa club ba kasi parang naghihintay sila na mahila.
"Next week wala na tayong regular classes ano. Siguro ay clearance na next week at wala ng pasok." It's Pen.
"Mabuti nga at wala ng regular classes next week para hindi na ako araw-araw pumunta dito sa eskwelahan. Nakakatamad na kayang pumasok." I said.
"Oo tapos pamasahe pa. Minsan nalang akong sunduin ni Papa kasi hindi na siya nagtratrabaho sa San Carlo, nasa El Paso na siya." sagot nito.
Construction worker din ang trabaho ng Papa ni Pen pero hindi kagaya ng Papa ko na hawak ng Engineer, yung Papa niya ay solo lang pero araw-araw ay may trabaho kasi marami ng nagpapagawa ng bahay.
BINABASA MO ANG
Since Then
Teen FictionDiary is where we set our feelings, where we situated our frustrations, happy moments, and all different emotions we feel. It also serves as our marker to be able to regain our memories from the past. A memories from the past that sometimes we shoul...