Chapter 30

53 2 0
                                    

The Valentine's day happened so fast. Our campus was screaming in joy and excitement. Maraming estudyante ang excited sa programa na ginawa ng mga officers ng SSG sa eskwelahan pero para sakin ay normal lang na araw . Thursday kasi ang Valentine's day at kinabukasan ay may pasok na naman at balik sa normal.

May hiniram akong pocket book kay Pen na kinuha niya sa tiya niya. Marami kasing pocket books ang tiya niya kaya nagdala siya para may mabasa at natapos niya yun kaya pinahiram lang sakin. May humihiram nga pero tumanggi siya dahil isasauli niya dahil daw baka hanapin.

"Nan may ipapabili ka ba?" tanong ni Pen dahil pupunta siya sa labas para bumili.

"Mint candy nalang. Tatlo lang." sagot ko at binigyan siya ng tatlong peso coins.

"Oh sige. Alis muna ako."

"Okay."

I resumed on reading the pocket book I got while my classmates were so busy chatting about their crushes, yung iba ay nagkukutuan, pero yung iba ay hawak ang cellphone nila at nakangiti pa habang may binabasa sa cellphone nila.

Pagpasok ko sa classroom ng umaga ay may grade twelve na naghatid ng isang plastic na roses at may regalo pang binigay sa kaklase namin. Yung ibang kaklase ko na maaga ding pumasok ay nagsihiyawan dahil may nagbigay ng roses at regalo kay Sophia.

Yung ibang single ay taga-hiyaw at katyawan nalang dahil wala naman kaming boyfriend. Sa hapon ay walang regular classes dahil may program pero yung dalawang teachers namin sa umaga ay hindi nagklase samin kasi Valentine's day daw at yun nalang ang ibibigay nila samin so parang okay lang sakin kasi nagpatuloy lang ako sa pagbabasa.

It's okay that I didn't have boyfriend but at least I was dating a fictional character in my dream. Mabuti nalang at saktong Valentine's day ay may binabasa akong story kasi kapag may pocket book akong binabasa ay hindi ako nakakapagfocus sa klase. Madali lang naman matapos kapag pocket book lang kasi kunti lang ang chapters hindi kagaya sa ebook.

Yung tatlong stories na natapos ko ay inilipat ko sa ibang application na para sa mga writers. Free reading lang doon at marami na akong mambabasa pero nakakatamad paring gumawa ng bago. Recently, I just posted all of my stories on a said platform because I wanted a safe haven for my stories.

Tatlo palang yun pero kapag may naisip na naman akong istorya ay isusulat ko talaga. Ang problema ko lang ay wala akong laptop at wifi sa bahay kaya sa notebook ko lang muna inilalagay pero matatapos ko rin ang problema na yun kapag magtiyaga ako.

Pagbalik ni Pen ay nagsumbong siya sakin na may design na daw ang stage para sa program. Ala una ang start ng program. Nasa chapter five palang ako ng nobela at hanggang ten chapters yun.

"Si Ching ay may nagbigay sa kanya kanina ng chocolates. Yung may crush sa kanya." banggit ni Pen.

"Talaga? Kasama mo ba si Ching kanina?" tanong ko.

Kumagat si Pen sa kinakain na turon saka tumango. "Hmm, binigyan niya nga ako ng isa."

Pinakita niya sakin ang cloud nine chocolate na binigay ni Shella sa kanya. Napailing ako at napangisi. Babalik na ulit ako sa pagbabasa nang biglang magkagulo ang mga tao sa labas.

"Ano yun?" Nagtataka kong tanong.

Humaba ang leeg ni Pen para makita kung anong nangyari, nakaupo palang siya sa upuan niya at nang mas dumami pa ang mga tao ay tumayo siya mula sa kinauupuan at pumunta sa labas. Naiwan akong nagtataka sa silya ko. Hawak ko parin ang pocket book kasi hindi ko yun matanggalan ng atensyon. Ang ganda kasi ng binabasa ko tapos nakisabay pa ang gulo sa labas.

Ang lakas ng hiyawan sa labas. Mga babaeng estudyante ang parehong nasa labas at ang mga lalaki naman ay walang mga pake. Pagbalik ni Pen sa tabi ko ay parang okay lang siya at hindi siya kagaya ng iba na kinikilig. Parang may artistang pumunta sa school namin dahil sobra silang kinikilig.

Since Then Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon