Chapter 09

62 1 0
                                    

Paghinto ni Saxon ng bisekleta niya sa tapat ng burol papunta na sa bahay namin ay nakahinga ako ng maluwag pero may kunting pagkadismaya akong naramdaman dahil parang ang iksi lang ng nangyari. Binawi ko ang bag ko mula kay Saxon na hinawakan niya nang makababa na ako mula sa bisekleta niya.

"Salamat sa paghatid. Ingat ka pag-uwi mo." Panimula ko na hindi nakatingin sa kanyang mga mata.

Tumango siya na may tipid na ngiti sa labi. "Sure. Sa susunod huwag kang magpapagabi." bilin niya.

"Sure." sagot ko.

Nakatayo lang ako ng dalawang metro mula sa kanya, hinihintay na makaalis na siya pero hindi pa siya nakakaalis, nakaupo lang siya sa bisekleta niya at panay ang tingin niya sakin. Nag-iwas ako ng tingin nang magtama ang aming mga mata. Ang awkward. Hindi ako sanay na kausapin siya. Hindi gaya noon na ako pa mismo ang nangungunang magsalita kaysa sa kanya.

"Uh, hindi ka pa ba... uuwi?" tanong ko dahil wala pa yata siyang balak na umalis.

Nagkamot siya sa buhok niya. "Hihintayin sana kitang makaakyat bago ako umalis." Maiksing tono niyang menor.

Tumalikod ako ng tingin sa mga kabahayan sa taas para itago ang ngiting pinigilan ko. Para akong tanga na kinikilig sa sinabi niya. I chewed my lips. "Okay na dito. Mas lalo kang gagabihin kung hindi ka makauwi agad. Huwag mo na akong hintayin dahil maraming kabahayan dito sa amin at walang may magtatangkang humugot sakin mula sa madilim na parte. Sanay narin akong umuwi ng ganitong oras kaya pwede ka ng umalis." saad ko.

Humugot siya ng malalim na hininga para iwala ang lumubong bigat na nakadagan sa dibdib niya. Tipid siyang ngumiti at tinanguan ako. "Fine. Sana sa susunod hindi ka na umuwi ng ganitong oras ng gabi. Marami pa namang nanggugulo dito sa bayan natin." sagot niya.

Isang tango na nakataas ang kilay kong sagot sa kanya saka tipid na ngiti. Alam kong hindi na mapagkakatiwalaan ang panahon ngayon dahil maraming mga taong hindi mapagkakatiwalaan. Ano pa nga ba ang magagawa ko sa kagaya nilang hindi takot humarap sa batas. Bago pa man umalis si Saxon ay kumaway ako sa kanya pero hindi masyadong nakataas ang kamay ko.

Pag-alis niya ay saka ako tumalikod para umakyat na sa taas ng burol at makauwi. Maraming kabahayan dito sa lugar namin kaya nakakapanlubag loob ang pagdaan pauwi sa bahay dahil maraming ilaw at aso na mag-iingay. Kahit naiinis ako sa mga aso dahil hinabol ako noon, nagsisilbing bantay din sila ng mga tao.

Ang inalala ko ay si Saxon dahil hindi maraming kabahayan ang madadaanan niya pauwi sa bahay ng grandparents niya. Kusang huminto ang mga paa ko at lumingon sa kalsada kung saan papunta si Saxon.

"Sana ligtas kang makauwi." bulong ko sa hangin na para kay Saxon.

Mula sa burol ay kita ko ang tanawin, mga ilaw ng streetlights na pawang mga alitaptap na pinapalibutan ang buong Casagrande. I smirked at the horizon shimmering from below. The whole Casagrande was breathtakingly glorious. I hoped nothing would ever change. I sighed the heaviness of my chest and started to walk again.

"Ginabi ka na naman ng uwi. Anong ginawa mo sa eskwelahan niyo? Gabi na ah."

Pagdating ko sa bahay ay bumungad agad sakin ang nanay kong mahilig umusisa. I loved my mother but sometimes she's overly nagging. Ganiyan din siya noon sa ate ko pero mahal namin si Mama pero ganun lang siya samin.

My face was already soured-looking and I readied the deep frown I composed earlier before going entering our house. I used that kind of tactic since entering highschool. Mama ko kasi mahilig mag-intriga at minsan hindi siya nakakaintindi sa mga ginawa ko sa school pero mahal ako ng nanay ko, nakakainis lang minsan sa pagiging over-protective.

Since Then Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon