"And that's how I got 54 as the answer."
The four corners of the room were filled with claps, and praises. It sounds so irritating. I rolled my eyes, and continued playing with my pen.
Two short clicks.
"Good work, Mr. Ismael," Mrs. Pacheco complimented him with a sweet smile. "That's plus twenty points sa index card mo."
"Thank you, ma'am." The devil smiled.
Four short clicks. One long click, short click followed by two long clicks.
Bumalik siya sa kaniyang upuan, grinning like a cheshire cat.
I bit the insides of my left cheek nang bumaling siya sa gawi ko na tila ba nang-aasar, tila pinamumukha sa akin na nakalamang na siya sa usapang scores sa index card.
I raised my brow. Ang yabang ng lalaking 'to.
Nakuha ko rin naman yung sagot, naunahan niya lang akong magtaas ng kamay by a nanosecond. Akala mo kung sino na.
"Now, I'll get your scores. Make sure na tama yung pagkaka-check n'yo sa papel ng mga kaklase n'yo. Kung may maling check, sa score n'yo ibabawas 'yan."
Nagpatuloy si Mrs. Pacheco sa pagkolekta ng scores. Hindi ko maiwasang mapangiwi nang marinig ang scores ng ibang kaklase. 45 items lang ang quiz, naituro naman ang lahat, pero wala pa akong naririnig na umabot man lang kahit sa 75%.
"Hernanez?"
"26."
It's finally his turn. Let's see kung mayayabangan mo pa ako ngayon.
"Ismael?"
"42 po, ma'am." Kitang-kita ko sa aking peripheral vision ang pagdaan ng gulat, at confusion sa sistema niya. Hah! Got you. "No corrections po 'di ba?"
"Mhm, okay." Nagkibit-balikat na lang si Ma'am saka ni-record ang score ni Ismael.
Hindi ko maiwasang mapangiti nang maramdaman ang init ng titig niya sa akin. Lalo pang lumawak ang ngiti ko nang nabanggit na ang apilyedo ko, at perfect 45 ang nakuha kong score.
Ang nakatutuwa pa, pinalakpakan ako ng lahat dahil sa lahat ng hawak ni Mrs. Pacheco, ako lang ang kaisa-isang nakakuha ng perfect score.
Nang uwian ay sinadya kong huwag magmadali sa pag-aayos ng gamit. Kahit pa nagsisimula nang maglinis ang cleaners ay pinanatili ko lang ang bagal ng kilos.
Napangisi ako nang makita sa aking peripheral vision ang paglapit ng devil sa akin.
"Rules are rules, Ismael. Rules are rules," saad ko nang hindi man lang siya tinatapunan ng tingin.
Kinuha ko na ang mga gamit ko, saka umalis sa room. Kagat ko ang pang-ibabang labi habang tinatahak ang pasilyo, pinipigilang kumawala ang isang ngiti.
Abot-tainga ang aking ngiti habang naglalakad patungo sa parking ng mga bisikleta. Nag-pedal ako pauwi nang hindi pa rin nabubura ang ngiti sa labi.
This is my kind of afternoon.
Masarap ang simoy ng hangin, hindi gaanong mainit dahil sakto lang ang sikat ng araw, kakaunti lang ang sasakyan sa kalsada kung kaya't bawas ang amoy ng usok, sumisingaw sa lupa ang iniwang amoy ng ambon kanina, nagsisilbing musika ang mga patay na dahon na nadaraanan na sinasabayan ng himno ng mga ibon.
At higit sa lahat, alam kong naungusan ko siya sa quiz namin. Sa quiz sa subject na expertise niya.
Nataasan niya man ako sa scores sa index card, kayang-kaya ko naman 'yong habulin. Itong score niya sa quiz, hindi na.
"Good afternoon po!" bati ko kay Kuya Noel, guard ng village namin.
"Good afternoon! Ang ganda ng ngiti n'yo, a. Mukhang maraming magandang bagay ang nangyari ngayon!"
"Tama nga po kayo." Muli ko itong nginitian bago magpatuloy.
Paunti-unti akong bumagal habang palakas nang palakas naman ang hangin. Pinakiramdaman ko ang sarili bago lumingon sa gawi na pinagmumulan ng tunog ng bisikleta.
"What the?" Kumunot ang noo ko nang makita kung sino iyon.
My greatest nemesis—si Ismael. What on Earth is he doing here?
Nagkatitigan kami. Ang malakas na ihip ng hangin, at tunog na nalikha ng mga hinahangin naming uniporme ang mga tanging ingay na namamagitan sa aming dalawa.
"Sinusundan mo ba 'ko?"
"Huh." He scoffed. "I live here now."
Tipid niya akong nginitan bago nag-pedal, at lampasan ako. Inobserbahan ko kung saan siya tutungo, at shit, patungo siya sa street namin? Street namin.
Sinundan ko siya, at mas lalong kumabog ang dibdib ko nang makitang tumigil siya sa bahay tapat ng amin. And he's not bluffing... may moving truck sa bahay na iyon.
What the hell?!
𐙚:
YOU ARE READING
Codes, Films, and Mirrorballs
Teen FictionChanielle Austin has always been considered to be the perfect definition of the word 'study machine' for her only focus is on academics and her dreams especially now in tenth grade, as she's running after the valedictorian title. But in a twist of f...