13

21 4 2
                                    

"Maaga ka bang uuwi?" tanong ko sa pinsan ko makalapit. "Aray," pabulong kong daing nang may kung sinong nakasagi sa akin.

Uwian na kasi ngayon, at ang iba sa mga kaklase ko ay nagmamadaling umuwi.

"Yup! Bakit?"

"Male-late kasi ako, pakisabi na lang na may dinaanan lang saglit."

"Date n'yo 'no?" Mura ang tinugon ko sa ngisi niya. "Oo na, sige! Pasalubong ko a! Ingat!"

Oo nga pala, hindi ko pa pala naikukwento sa kaniya na walang katotohanan ang relasyon namin. Nawala kasi sa isip ko kagabi saka wala ring magandang pagkakataon.

Nauna nang lumabas ng silid si Caleb habang ako ay naiwan sa room kasama ang cleaners para ayusin ang gamit ko. Nang maayos iyon ay kaagad din naman akong lumabas.

Kumunot ang noo ko nang makita si Ismael na nasa labas ng room, at tila may hinihintay.

"Sabay na tayo," saad niya.

At nagsimula na akong maglakad, sumunod naman siya. Kahit may ilang estudyante pa rin sa paligid, tanaw na tanaw ko pa rin si Villarreal na nasa dulo ng hallway, at may hawak-hawak na paper bag.

Nang makita niya kami ay kumaway siya.

"Mauuna na ako, ingat."

"Ingat ka rin!" Kumaway sa 'kin ni Ismael bago siya nagpatuloy sa hagdan.

"Good afternoon, Chanielle. I'm Kyrus. But you can call me Kye. Here, it's for you." Inabot niya sa akin ang paper bag na dala niya.

"Hello. Thank you, Kye." I made a small smile. Kahit hindi ko pa silipin iyon ay alam ko na kaagad na snacks ang laman no'n.

"You're welcome." Napakamot siya sa ulo. "I'm not sure if nasabi na ni Laine sa pag-uusap n'yo kahapon but... I'm your secret admirer. Sa akin galing 'yong snacks, and flowers."

"Thank you so much, Kye. I appreciate your efforts." I smiled. "Kaso hindi na p'wede, e."

"I know... and I'm not really expecting anything in return. I also want to say sorry if na-disrespect ko man 'yong relationship n'yo ni Zadkiel dahil sa pagbibigay ko ng gifts."

"Oh it's fine! Don't worry. Hindi naman siya nagalit or what since wala ka rin namang alam sa amin kaya no, hindi mo naman na-disrespect ang relationship namin." Mapait ang mga salitang iyon nang namutawi sa mga labi ko.

"That's good to hear." He pressed his lips into thin line. "Regarding pala roon sa ginawa ng ex ko, I'm willing to pay for the damages."

"No, Kye. It's her fault, not yours." Why is he saying sorry? It's not his fault.

"Still... kung hindi naman kasi dahil sa akin, hindi naman siya magpapakalat ng rumors, and hindi niya sisirain ang bike mo." His voice is full of regret. "A-And, to clarify lang. I started to like you weeks after our split. It's just that hanggang ngayon, iniisip pa rin niya na kami o na pagmamay-ari pa rin niya 'ko."

"Thank you for clarifying." I smiled again to assure him.

Kahit papaano, hindi ko rin naman masisisi si Echaves na sobra-sobra ang pagmamahal niya kay Villarreal.

Pogi naman kasi talaga siya. Moreno, matangkad, matangos ang ilong, defined jawline, magaling pumorma, at 'yong aura niya, parehong-pareho sa typical popular guys sa isang coming of age American movie. Dumagdag pa sa pogi points niya ang pagiging captain ng basketball team ng school namin.

"Ngayong alam ko nang kayo ni Zadkiel, don't worry, hindi na ulit ako magbibigay ng snacks o gagawa ng kahit anong move. This is the last."

Bumaba ang mga mata namin sa paper bag na binigay niya.

"I'll also start to move on... starting today."

"Thank you talaga, Kye. I know you're a great person and I wish you nothing but the best." He smiled sweetly. "Sabay na tayong bumaba."

Sa kalagitnaan ng pagbaba ay may bigla akong naalala.

"Kye, may tanong lang pala ako." Nilingon ko siya.

"Yes?"

"Ikaw ba si nalulunod na isda? 'Yong nagbigay ng wafer stick?"

"Nalulunod na isda?" He chuckled. "Nope!"

"Oh... okay. Thanks!" Kumunot ang noo ko. Kung hindi siya iyon, ibig sabihin...

"May iba ka pang secret admirer bukod sa akin 'no?" Umawang ang labi ko. "Andami pala talagang karibal ni Zadkiel."

"Baka nan-ti-trip lang o baka nagkamali lang ng taong napagbigyan." Matabang akong tumawa.

"Feeling ko naman hindi. Maybe 'nalulunod na isda' really likes you, Chanielle. Hindi ka naman mahirap magustuhan." We made eye contact; may kung anong spark sa mga mata niya. "Kaya hindi ka dapat nagtataka if may nagkakagusto talaga sa'yo—genuinely."

Ang paraan niya ng pagkakasabi no'n ay tila alam niya ang iniisip ko kanina pa. Is he a mind reader or something?

Habang umaamin kasi siya—at kahit pa no'ng nga nakaraang araw, at linggo na nakatatanggap ako ng gifts, iniisip ko talagang pinag-ti-trip-an ako. I don't know how to explain it... but I just feel like I'm not that ideal to admire... to have someone to pursue me.

Para sa karamihan—lalo na sa mga hindi ko naman talaga nakaka-interact: maldita, maarte, hambog, at masama ang ugali ko.

And I'm not really pretty, plus I'm completely nothing without my academic achievements.

Hindi ko alam saang lupalok ng mundo ko hahanapin ang posibleng dahilan ni Kye para magustuhan ako.

"You're very pretty, Chanielle. I hope you know that."

Muli niya akong nginitian bago humakbang palampas sa akin, allowing me to have some space.

Huminga ako nang malalim bago nagpasiyang sundan siya. Hindi naman nagtagal ay malapit na kami sa first floor.

Napalunok ako nang makita ang dalawang taong naghihintay roon.

Si Echaves na magkasalikop ang mga braso sa kaniyang dibdib, at si Ismael na pritente lamang na nakatayo habang ang isang kamay ay nakapaloob sa bulsa ng kaniyang pantalon.

"Laine," may diing saad ni Kye. Siguro ay napansin niya ang matalim na tingin ni Echaves sa paper bag na hawak ko. Irap lang naman ang tinugon nito.

"Mosh, akin na 'yang mga gamit mo." Wala naman akong ibang nagawa kundi ipaubaya kay Ismael ang bag ko. "Pati 'yan." Nginuso niya ang paper bag.

"O-Okay..." Iniabot ko sa kaniya iyon saka pasimpleng tinapunan ng tingin si Kye. Nginitian niya lang ako. "Mauuna na kami."

"Ingat kayo!" Kumaway siya sa amin, habang ang ex niyang dikit na dikit sa kaniya ay umirap lang.

"What the hell? Mosh?! Ang pangit!" asik ko nang makalayo na kami. Tinawanan niya lang ako na mas ikinalala pa ng pagka-irita ko. "Kanino mo naman nakuha 'yan?"

"Kay Vice Ganda!" He smiled from ear to ear. "Mosh means my only sweetheart." Tinaas-baba niya ang kaniyang kilay na tila proud na proud siya roon.

"Ang pangit ng taste mo."

"Ayaw mo? Ang cute kaya!" Napakamot siya sa ulo. "Sige, darling na lang. Darling ko," he called me with a more passionate, and sweet tone.

"A-Ano ba 'yan—need pa ba talaga ng call sign?" Bahagya kong iniwas ang mukha ko mula sa paningin niya nang makaramdam ng kung anong init sa aking sistema.

The heck?

"Oo naman. Para mas believable." I bit the inside of my cheek. "Alam mo, paalis na sana ako pero bigla kong nakita si Echaves."

"Hm." Iyon, at tango lang ang naitugon ko. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili. Pasimple kong hinipo ang pisngi ko, at hanggang ngayon ay may kaunting init pa rin doon.

"Andami namang binigay ni Kye. May kaya nga."

"Yeah. But last na raw 'yan since ayaw niya raw na mabastos ang relationship natin."

"Buti naman." Bulong lang iyon pero sapat na para marinig ko. Tumaas ang kilay ko, lalo pa nang masilayan ang pag-angat ng dulo ng gilid ng labi niya.

Codes, Films, and MirrorballsWhere stories live. Discover now