"What is this?" saad ko nang makakita ng snacks sa desk ko. Isang chocolate drink, at dalawang Pocky. Binaba ko ang bag ko sa silya. "Is this yours?"
"Nope! Kararating ko nga lang din."
"Kanino kaya 'to?" Inikot ko ang tingin sa mga kaklase, mukha naman silang walang pakielam.
"Uy! Baka para sa'yo talaga 'yan! Secret admirer kumbaga!" Pulang-pula ang pisngi ni Zai na tila ba ilang segundo na lang ay titili na siya sa kilig.
"Whatever." Iniwan ko siya, at nagtungo sa pwesto ng kaklase kong mas maaga pa yata sa guard kung pumasok, si Lian. Nang makita niya ako, kaagad niyang binaba ang headphones na suot-suot niya. "Lian, I have a question."
"Hm. Go on."
"Napansin mo or kilala mo ba kung sino 'yong naglagay ng snacks sa desk ko?"
"Ay hindi, e. Pagkarating ko kasi rito nandiyan na 'yan. Secret admirer mo yata."
"Thanks, Lian." Iniwan ko na siya roon saka bumalik sa upuan ko. "Secret admirer?"
I don't know but instead na ma-flutter ako—kagaya ng normal na reaction ng ibang tao especially sa tv, and films, na-wi-weirdo-han lang ako.
Binigay ko na lang kay Zai, at sa iba ko pang kaklase ang snacks dahil hindi ko yata masisikmurang kainin ang mga iyon.
"Good morning, Ma'am Faelnar," bati ng buong klase pagkapasok na pagkapasok ni Ma'am.
"Good morning, Mabini. I have a paperwork that I have to finish today kaya wala tayong klase, but..."
May mga kinuha siyang papel sa tote bag niya.
"I already graded your essays, and sad to say, maraming nakakuha ng 80 points pababa kaya I'll give you all a chance to improve or even rewrite your essays."
Inabot ni Ma'am sa isa kong kaklase ang mga papel para i-distribute.
"Also, I commend Ms. Austin, and Mr. Ismael's essays. They're good writers, and both of them got a perfect 100. Let's give them a round of applause."
Lagi na lang siyang kasama sa bawat compliment na matatanggap ko. At sa bawat activity, same score ang nakukuha namin palagi.
But it's better than getting scores lower than his.
Nagsimulang gumawa ang mga kaklase ko habang kami ni Ismael ay walang ginagawa. Kinuha ko ang ballpen sa pen case ko saka nagsimulang mag-doodle sa sketchbook ko.
Nakita ko sa peripheral vision na may kinuha si Ismael mula sa bag niya saka tumungo, ang ulo'y nakapalig sa gawi ko.
He started playing with his pen. Nahinto ako nang mapagtantong may pattern iyon, a code, perhaps.
Nilingon ko siya, at mas tumaas ang paniniwala ko sa hinuha ko nang sumilay ang isang ngisi sa kaniyang labi. It's morse code!
"You... annoy me... too." That's the coded message.
Tinaasan ko siya ng kilay, at tanging ngiti na may halong pang-aasar ang tinugon niya.
When did he learn it?! Gosh, lahat na lang ba ng alam ko kailangan alam niya rin?
"Oo naman! Para it's a tie raw." Sinundan iyon ni Caleb ng halakhak.
"You know what—" Natigilan ako nang may isang estudyanteng lalaki ang lumitaw sa harapan ko. Hindi pamilyar ang kaniyang mukha, siguro ay lower level.
"May nagpapabigay po!" Inabot nito sa akin ang isang maliit na garapon ng Stick-O.
"H-Ha? Sino?" Lumingon ako sa buong paligid, sinusubukang hanapin ang nagpapabigay kaso kagaya ng inaasahan, nabigo ako.
Recess kasi ngayon kung kaya't puno ang hallway ng mga estudyanteng tumatambay. Wala akong mapagsuspestiyahan.
"Secret lang daw po, e." Napakamot sa ulo ang nasa harapan ko. "Mauuna na po ako!" And just like that, he disappeared from my sight.
Bumaba ang tingin ko sa garapon ng wafer sticks, may note roon. "I like you. From: nalulunod na isda," iyon ang nakalagay roon.
"May nagkakagusto pa pala sa'yo sa lagay na 'yan." Inirapan ko na lang siya.
Who could it be? And why is this making me anxious? Weird.
Tipong imbes na kiligin ako, mas lalo pa akong na-wi-weirdo-han. Pakiramdam ko walang magandang patutunguhan ito, at magbibigay lang ng problema.
Imbes na butterflies in stomach, kalam sa sikmura lang ang nararamdaman ko.
Ang kalam ng sikmura ko ay mas lumala pa nang makita si Ismael sa 'di kalayuan, at may kausap na babae.
Simple lang nakatayo si Ismael habang ang babaeng kausap niya ay hindi maintindihan kung naiihi o kinakagat ng langgam dahil mukhang hindi mapakali. Pulang-pula rin ang pisngi.
I tilted my head at an angle. Is she his special someone?
Pinanliliitan ko sila ng mata.
Kaagad akong nag-iwas ng tingin nang bumaling si Ismael sa gawi ko. A smile is plastered on his face. "Shit," I cursed under my breath.
Kaagad akong pumasok sa isang silid na malapit sa amin. Dali-dali akong umupo sa isang bakanteng upuan.
"Elle! Anong ginagawa mo riyan?! Hindi natin room 'to, gaga ka!"
Tila ako nabuhusan ng malamig na tubig sa sinigaw ni Caleb. Inikot ko ang paningin sa buong paligid, hindi nga namin room 'to!
Kaagad akong tumakbo palabas ng silid habang binabalot ang paligid ng malakas na halakhak ng pinsan ko. Hinampas ko ang braso niya bago magtungo sa classroom namin—tama na ang pinuntahan ko sa pagkakataong 'to. Sumunod naman si Caleb.
Maya-maya pa ay pumasok na rin si Ismael. May multo ng ngiti sa kaniyang labi nang binalingan niya ako. Sinamaan ko siya ng tingin.
Nagpatuloy ang pagpapadala ng secret admirer ko kuno ng snacks para sa akin. Minsan ay nasa table ko na, minsan naman ay pinaabot niya sa iba.
Sa tingin ko, nagkakahalaga na ng 700 pesos something ang nagagastos niya para sa snacks—snacks na pinamimigay ko lang sa kaklase ko.
Alam na rin ng teachers ko ang tungkol sa kaniya, thanks sa bunganga ni Niel.
Mahigit isang linggo na yata ang nakalipas pero hindi pa rin siya nagpapakilala—hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang totoong pangalan, at identity niya.
Napagbibintangan tuloy ako na sarili ko rin ang secret admirer ko or 'di kaya ay may binayaran akong schoolmate na magkukunwari.
Sa katunayan, may nakikita pa nga akong posts na tila ako ang pinatatamaan. Kadalasan ang mga nakalagay ay:
sinetch itey, highest honor student na taga-Mabini at may secret admirer kuno pero galing naman sa sarili niyang wallet ang pambili 😌
sana all po sa isang kilalang highest honor student jan na binibilhan ang sarili ng snacks para magmukhang may admirer (masama kc ugali kaya walang nagkakagus2) 😆😘
Weird. Why would I do that? And sa tingin talaga nila ganoon ako ka-attention seeker? Ganoon ba ako ka-unlovable sa paningin nila?
Pero wala na akong magagawa since kinagat na ng ibang schoolmate ko ang rumor na iyon.
Sa katunayan, may mas malalang rumor pa nga—na kabit daw ako ng admirer ko, at tila pinararating nila na anlandi-landi ko. The heck? Ni hindi ko nga ine-entertain ang secret admirer ko. And please, hindi ko nga alam ang pangalan niya, civil status pa kaya?
"Who are you?" tanong ko sa regalong bracelet ni 'nalulunod na isda', na tila totoong tao ito, at sasagot ito sa akin.
YOU ARE READING
Codes, Films, and Mirrorballs
Teen FictionChanielle Austin has always been considered to be the perfect definition of the word 'study machine' for her only focus is on academics and her dreams especially now in tenth grade, as she's running after the valedictorian title. But in a twist of f...