I have a love-and-hate relationship with exam season.
Love kasi alam kong may matatapos, at magsisimulang quarter. May bago na namang chances, quizzes, recitation, and performance tests na kung saan p'wede kong mataasan si Zadkiel or just simply show off my skills, and abilities.
Hate naman dahil sa pressure-na maging highest, na mataasan sa lahat ng subject si Zadkiel. Stress din of course, kasi kahit buong araw ko pang pag-aralan ang isang subject para sa akin, never magiging sapat iyon.
Kailangang-kailangan kong mataasan si Ismael sa exams para mahatak ang grades ko kahit kaunti. Kailangan ko siyang mataasan.
Last quarter ay nag-tie kami sa rank 1, same kami ng average, 96.13. Gusto kong makaangat sa kaniya, hindi lang ngayong quarter, kundi buong school year.
Hindi ko na hahayaang mangyari ang sitwasyon noong huling pagkakataong nagsama kami sa iisang klase, Grade 6. Hindi ko hahayaang siya ulit ang valedictorian, at ako na naman ang salutatorian.
Never again.
Hinilot ko ang sentido nang nagkamali na naman ako ng nailagay sa flash card ko.
Dala na siguro ito ng antok, at pagod.
Pagkauwing-pagkauwi kahapon ay nagsimula na kaagad akong mag-aral hanggang madaling-araw. At mukhang mauulit na naman iyon ngayon.
Tumingin ako sa bintana, at nakita ang maliwanag, at bilugang buwan kasama ang kaniyang mga kaibigan na naglalaro at nakakalat sa buong kulay itim na kalangitan.
Malapit nang mag-alas nueve.
Ibinaba ko ang ballpen, at nag-unat. Natigil ako nang may sumabay na hindi kaaya-ayang tunog sa aking pag-iinat.
Hindi pa pala ako nakakakain ng kahit ano ngayong araw bukod sa biscuit, at tinapay.
Umalis ako sa silid, at bumaba. Itinikom ko ang labi nang maabutan si tita na nanonood sa tv. Siya lang mag-isa, paniguradong nasa silid na niya si Caleb, at nagre-review.
"Oh, hija," saad ni Tita nang mapansin ako. "Buhay ka pa pala? Magda-dalawang araw ka na kasing nakakulong sa kwarto mo, e." Bakas sa boses niya ang nag-uumapaw na sarkasmo.
"Sorry po. Busy lang po sa pag-aaral."
"May pagkain diyan. Pinagluto ka ni Caleb, hindi ko lang alam kung masarap. Niluto ba naman niya iyan na may mukhang hindi maipinta-parang pasan-pasan ang bigat ng mundo." Saka siya umuling, at muling sumubo ng popcorn.
"Magpapasalamat na lang po ako sa kaniya."
Umupo ako sa dining, at binuksan ang niluto niyang nakatakip. Bacon, and eggs, at may mixed veggies pa sa gilid.
Kinuha ko ang cellphone, at kaagad na nagtipa.
Chacha:
Salamat sa pagluluto, Caleb! The best ka talaga ^^Chacha:
Sorry rin pala kanina.Kanina kasi ay ilang beses niya akong pinuntahan sa kwarto para magtanong yata o magpaturo kaso paulit-ulit ko rin siyang hindi pinansin o hindi kaya ay sinisimangutan at sinusungitan. Ang malala, nasigawan ko pa siya kanina, at nasabihan pa ng 'ang dali-dali lang niyan, bakit hindi mo makuha-kuha?'.
Hirap na hirap talaga ako tuwing exam season. Bukod sa pressure, and stress, andiyan din ang kawalan ng time para kumain o uminom man lang ng tubig, at pagsusungit sa lahat ng tao-walang exception.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang may nag-doorbell.
"Ako na po." Tumayo ako, at kaagad na nagtungo sa gate. May isang rider doon, at may hawak-hawak siyang paper bag. "Good evening po, kuya."
YOU ARE READING
Codes, Films, and Mirrorballs
Teen FictionChanielle Austin has always been considered to be the perfect definition of the word 'study machine' for her only focus is on academics and her dreams especially now in tenth grade, as she's running after the valedictorian title. But in a twist of f...