"That's the way things go..." I hummed while slightly bopping my head.
Kumuha ako ng color red na oil pastel saka kinulayan ang dress ng sketch ko ni Arrietty from Ghibli studio's "The Secret World of Arrietty", one of my all-time favorite films.
Nang matapos ako sa oil pastel artwork ko for Arrietty, I searched naman for reference images of Seiji Imasawa. This time, I'll use watercolor.
I extended my arms to grab my materials.
"Huh?" Kumunot ang noo ko nang makitang wala nang laman ang pack ng oslo paper, kahit isang piraso wala na talaga.
Malalim akong huminga at mariin na napapikit. Bakit ba laging nagkukulang materials ko kung kailan nag-ca-cram ako?
I have no choice but to go out kahit it's past eight pm na. Bukas na ang pasahan ng performance task na ginagawa ko, and ayoko namang mag-cram sa umaga—worse, sa classroom.
Kahit medyo labag sa loob, tumayo ako mula sa swivel chair, kinuha ang gray hooded sweater sa cabinet saka dali-daling pinatong sa suot kong shirt na tinernuhan ng khaki shorts.
Pagkalabas sa kwarto ay dire-diretso lang ang pagbaba, at paglabas ko sa bahay. I didn't bother to ask for permission since they don't care naman.
Kinuha ko ang bike ko mula sa garahe saka nag-pedal. Apat na bahay pa lang ang nalalampasan ko nang makarinig ako nang tumatawag sa akin.
"Chanielle!" Kaagad akong napalingon.
Nanliit ang mga mata ko, at kumunot ang aking noo nang makitang si Ismael iyon na mabilis na pinepedal ang bisekleta niya papunta sa gawi ko.
Madali naman siyang nakahabol sa 'kin, tumigil siya sa gilid ko.
"When did we start using first name basis? Huh, Ismael?"
"Sabi ko na nga ba, maiinis ka." He chuckled. "Edi second name na lang. Dale—"
Hindi ko na siya pinatapos, nagpatuloy na ako sa pag-pe-pedal, leaving him behind ngunit kaagad din naman siyang humabol.
"I'm just kidding, Austin."
That's what it should be—last name basis. Yeah, we've known each other for more than a decade but it's not enough, and valid for him to call me by my first name.
"Why are you even following me, anyway?"
"I need to be familiar with my new place." Tila nang-aasar ang tono niya—alam niyang I'm annoyed for the fact that we're living in the same neighborhood now. "And I think, you would be a great help."
Iligaw pa kita, e.
"Where are we going ba?" I rolled my eyes. Need ba talagang i-empasize ang 'we'? Disgust, and annoyance started traveling to my veins.
"Bibili lang ako ng oslo paper." May kung ano siyang binulong pero hindi ko na lang pinansin.
Nagsalubong ang kilay ko nang makakita ng group of teenagers na naglalakad sa side walk, and they're laughing at us. Not in the mocking way, but in the 'kilig' way, like they're shipping us or something—which is so much worse!
Just the thought of being shipped to this asshole is already enough to make me vomit.
I just shook my head.
Pagkalabas namin sa main gate ay lumiko kami sa isang barangay na ilang bahay lang ang pagitan mula sa gate ng village.
Tumigil kami sa "Abi's Mart", isang mini grocery store. Pinarada namin ang mga bike saka pumasok sa loob.
Nagpalitan kami ng bati, at ngiti ng kahera roon saka ako nagtungo sa school supplies aisle habang siya ay nagtungo sa kung saan.
Kumuha ako ng isang pack ng oslo paper, dalawang pack ng bond paper, isang pack ng colored paper, at dalawang malaking correction tape.
Bibilhin ko na lahat ng mga paniguradong kakailanganin, at gagamitin ko sa mga susunod na araw. Ayoko nang lumabas ulit, baka makibay na naman sa akin ang bwisit.
"Mierda—!" A curse slipped out of my lips when I bumped into someone's chest.
"Hindi ka ba tumitingin?" sarcastic na saad ni Ismael habang pinapagpag ang dibdib niya na tila narumihan iyon.
"Ikaw kaya 'tong bigla na lang sumulpot sa likuran ko." I fixed my hair. Natigilan ako nang makita ang hawak niya. "Chuckie? Really?" And take note, at least five pieces iyon.
"Why? It's my favorite."
"Wait, are you judging me? You know, any food should not be labeled 'only for kids'. Come on, it's just food. And if we're talking about maturity, I'm more mature than my age, and I have an IQ of 158 which is near to Einstein's—"
"I literally just said two words... only two words, Ismael. You're overthinking it. I'm just surprised, okay? I thought you're more of a coffee person."
Iniwan ko siya roon nang hindi man langsaka nagtungo sa counter para bayaran. "222 po lahat, ma'am."
"Wait."
Shock flashed through my very soul nang wala akong makapang wallet sa bulsa ng sweater ko. Nilabas ko ang dalawang bulsa pero wala talaga!
Shit.
Sa lahat talaga ng pagkakataong mangyayari sa 'kin 'to ngayon pang kasama si Ismael?! Kung minamalas ka nga naman.
"Ate, p'wede po bang pahintay na lang? Babalik lang ako sa bahay para kuhanin wallet ko tapos babalik din po ako kaagad."
"Ma'am, more than five minutes from now magsasara na po kami. May aasikasuhin po kasi kami." The staff sounded so apologetic.
"Ate, saglit lang naman. Hindi naman
po malayo ang bahay ko—""Pakisama na po 'yong kaniya." Kumunot ang noo ko nang maramdam siya sa aking likod. He extended his arm just a few inches away from my body to put his chocolate drinks to the counter, while the other one rested to the other side for support.
Naglapag siya ng five hundred peso bill. "Your total is 357 po." Nilagay ni ate ang mga binili namin sa magkabukod na paper bag, just like what we requested.
"Babayaran kita bukas," saad ko bago sumaka sa bike. "I promise."
"Hm, okay." A small smile crept on his lips.
Tila mas mabilis ang daan pauwi dahil wala pa yatang pitong minuto ay nasa nasa harap na kami ng mga bahay namin o dahil lang hindi kami nag-usap at nilalamon na ako ng kahihiyan kaya bumilis ang oras?
Binuksan ko ang gate ng bahay namin saka habang akay-akay ang bike ko. Akmang isasara ko na ang gate nang bigla siyang magsalita.
"See you tomorrow." I only answered him with a small smile. May utang ka sa kaniya, be nice.
Sinara ko ang gate saka inilagay ang bike sa garahe bago tuluyang pumasok sa bahay... nang hindi siya nililingon.
𐙚:
YOU ARE READING
Codes, Films, and Mirrorballs
Teen FictionChanielle Austin has always been considered to be the perfect definition of the word 'study machine' for her only focus is on academics and her dreams especially now in tenth grade, as she's running after the valedictorian title. But in a twist of f...