16

8 2 0
                                    

"Any questions? Clarifications?" Naglibot ako ng tingin sa buong classroom.

May mga nakita akong nag-uusap na tila ba hesitant lang silang magtaas ng kamay. From my view, magada naman ang lecture na ginawa namin ni Kiel pero kung may hindi man sila naintindihan, hindi naman problema iyon.

Mas maganda ngang may nagtatanong para mas ma-clarify, at masisiguradong may natutuhan talaga sila.

Magpa-quiz din daw kami sabi ni Ma'am Rebecca, at ine-aim namin Kiel na out of ten, seven ang lowest score. Nakadepende rin kasi ang plus points na ibibigay sa amin ni Ma'am sa scores na makukuha ng mga kaklase namin.

"Yes, Niel?" tawag ni Kiel dito. Kumunot ang noo ko nang makita ang ngisi, at tawang labis niyang sinusubukang ikubli.

"Sinong nag-first move?" Sabi ko na nga ba, walang matinong sasabihin ang lalaking 'to.

"Hindi naman ganiyan ang mga tanong—"

"Siya."

Marahas kong nilingon si Kiel. Yes, we're fake dating—peke ang nararamdaman, peke ang interaksyon, sa madaling salita, peke ang lahat pero bakit sobrang peke naman? Ni sino hindi maiiisip na gagawin ko ang bagay na 'yan, at ganoon din ako! Wala sa bokabularyo ko 'yan.

"But I fell harder." Sumilay ang isang malokong ngiti sa kaniyang labi pero imbes na magtaka ang mga kaklase ko, tila mas naniwala sila dahil sa ngiti niya.

Nabalot ng pambubuyo ang klase. Wala naman akong ibang magawa kundi palihim na magmura.

Simpleng ganiyan, grabe na sila maka-react. Akala mo naman pinagkikiliti.

Wala akong ibang magawa kundi bumuntong-hininga na lamang.

Dumaan na ang ilang period pero bukambibig pa rin nila ang rebelasyon kuno ni Kiel. Gusto ko na ngang tapyasin ang tainga ko buhat ng sandamakmak na pang-aasar.

Paano kaya kung makaabot sa ibang section iyon? Na ako ang nag-first move raw? Nakakahiya!

Wala namang masama kung babae ang mag-fi-first move but me? No way! Sa buong labing limang panunuluyan ko sa mundong 'to, ni kailanman ay hindi ako nagkagusto sa isang tao tapos mag-fi-first move pa?

Buti na lang talaga ay wala si Caleb dahil may lakad sila ng Mommy niya kundi talagang hanggang sa bangungot kukulitin ako no'n.

Pagdating ng recess ay si Kiel ulit ang kasama ko. Umaayaw nga ako, but he insisted.

"Nag-prepare ako ng sandwich, peanut butter and jelly. Nagbaon din ako ng chocolate, and C2." Nilapag niya sa lamesa ang isang paper bag na halatang maraming laman. "Anong prefer mo?"

"Kiel, why are you doing all these things? Para saan 'to?" Makahulugan siyang tumingin sa akin. "Yeah, hindi ko naman nalilimutan pero hindi naman kailangang
mag-effort ka nang sobra-sobra."

It's weird. So weird.

Parang no'ng nakaraan lang, banas na banas ako sa kaniya kasi nalamangan niya ako sa isang test namin pero ngayon pinaghahandaan niya na ako ng snacks?

P'wede naman 'yong simpleng makikita lang kaming magkasama. Hindi na kailangan iyong mga pa-ganito.

"I'm just being a good boyfriend! Wala naman sigurong masama roon?" Muling sumilay ang kaniyang biloy. "Wait, hindi kaya natatakot kang ma-attach?"

Kinuha niya ang C2 mula sa paper bag saka binuksan ito. Nang nabuksan na ay nilapit niya ito sa akin.

"What the? Kung alam mo lang, gustong-gusto ko nang tapusin 'tong deal na 'to."

"Tapusin kaaagad? Grabe ka naman." Hinawakan niya ang dibdib na tila nasaktan talaga siya. "Wala pa nga tayong isang buwan, bibitaw ka na?"

I rolled my eyes.

Codes, Films, and MirrorballsWhere stories live. Discover now