12

31 4 4
                                    

"Late ka na naman umuwi, Caleb!" Iyon ang bungad ni Tita sa pinsan kong kauuwi lang, at may sinisipsip pang milk tea.

"Nag-milk tea lang po ako!" Caleb explained as he put down his bag on the sofa. "Saka twenty minutes lang naman akong late! You're worrying so much."

Bumaba ang tingin ko sa sahig.

"Kahit na ba! May hindi ka ba sinasabi sa 'kin? May ka-date ka siguro!"

"Mommy naman! You're barking up the wrong tree!" Sinamaan ko siya ng tingin. Pasimple itong tumingin sa akin saka ako kinindatan.

"Hay nako, Caleb. With honors pa nga lang ang kaya mo nakikipag-date ka na? Bakit hindi ka gumaya rito kay Cha? Laging with highest-"

"Tita..." bulong ko nang makita ang pagbabago sa expression ni Caleb. Alam kong masakit para sa kaniya iyon. At para rin sa akin.

Hindi ko gustong ikinukumpara, unless ako iyong lamang. Pero iba ang pagkakataong 'to.

Masakit sa part ko ang mga salitang iyon kasi alam kong nasasaktan ang pinsan ko. At kahit papaano-kahit alam ko namang hindi ganoon si Caleb, pakiramdam ko sa tuwing ipinagkukumpara kami ay nababawasan ang pagmamahal niya sa akin.

He's my only kakampi, just the idea of him hating me is already enough to stir my tears. He's all I've got; I have no one else aside from him-not even Tita, not even my Mom. I don't want to lose him.

"Aakyat na po ako." Ang kaninang maloko, at nang-aasar na ekspresyon at tono ay nawala na parang bula. Lumingon siya sa akin, at tipid akong nginitian, tila pinahihiwatig na ayos lang siya.

"Ewan ko sa'yong bata ka!" pahabol na sermon ng Mommy niya.

"Tita, magala man si Caleb, nakakahabol naman po siya sa klase. Active po siya sa recitation, at magaganda ang scores niya sa quizzes, at seat works," kaagad kong sabi nang tuluyan nang makaakyat si Caleb.

"Pinagtatanggol mo pa."

"Tita, maniwala po kayo. Pasok po siya sa Top 5, hindi ba? Maganda po ang performance ni Caleb sa klase. He's trying his very best po." Nagkibit-balikat lang si Tita na tila ba hindi kapani-paniwala ang sinabi ko—na hindi kapani-paniwala na magaling si Caleb.

Kumunot ang noo ko.

Hindi ko tuloy mawari ano ang mas masakit: ang lagi kang pine-pressure, at lagi kang inaasahang maging best sa lahat ng bagay o masyadong mababa ang pagtingin sa'yo na tinuturing nang hindi kapani-paniwala ang achievements, at mga papuri sa'yo?

Huminga ako nang malalim bago pinatay ang telebisyon, at umakyat na sa kwarto. Nakakawalang gana.

Pagkahiga ko sa kama, at pagkakuha ko ng cellphone ay kaagad kong chinat si Caleb.

Chacha:
Huwag mong pansinin 'yon, hehe

Chacha:
You're so good in class kaya! Kayang-kaya mo 'yang with high at with highest! Gora lang sa paggala


may ipot sa tsinelas:
plastic 😒👎🏻

Medyo natawa ako sa reply niya ngunit ang tawa ko ay naudlot nang biglang nag-chat ang devil.

Zadkiel Vaughn Ismael:
hi po

Hindi ko pinansin ang chat niya saka nag-pose sa camera nang naka-heart pose, at nakanguso, at sinend iyon kay Caleb.

Ngayon pa lang ay natatawa na ako sa magiging reaction niya. Paniguradong malulukot ang mukha niya sa disgust. Bukod sa eww naman talaga, that's very unsual. Alam niyang hindi ako mahilig mag-picture nang ganoon, puro lang ako thumbs up o 'di kaya ay naka-peace sign.

Codes, Films, and MirrorballsWhere stories live. Discover now