Pigil ang aking hininga ng pumasok sa loob ng bahay. Kagat-labi kong hinintay ang sermon, at bunganga ni Tita pero katahimikan ang sumalubong sa akin.
Bukas ang ilaw ng bahay pero walang tao sa unang palapag. Siguro ay nasa taas sina Tita, at Caleb. Nagtungo ako sa kusina saka uminom ng tubig. Nasa kalagitnaan ako ng pag-inom nang makarinig ng yapak mula sa hagdan.
Si Tita iyon na may tuwalya pa sa ulo, kaliligo lang.
"Oh? Bakit nakabihis ka pa? Nakatulog ka 'no? Tatlong oras na matapos ang uwian, mangangati ka niyan. Magpalit ka na."
Napakurap ako. Hindi ba napansin ni Tita na wala ako kanina pa?
Sa hindi malamang dahilan, lumubog ang tiyan ko. Ni hindi man lang napansin ang pagkawala ko.
"Opo, magpapalit na po." Pagkatapos kong hugasan ang baso ay pumanik na ako.
Nagpalit na ako ng damit, at inayos ang gamit. Bago ko tuluyang ilagay ang sinuot na palda sa basket ay kinuha ko ang note na nakadikit kanina sa bike ko.
Maaari ko 'tong gawing ebidensiya kapag nagpataw na ako ng case sa guidance.
Muli ko itong binuklat para muling mabasa nang bigla namang may nahulog doon na isa pang papel.
"You really think you're all that? Oo, matalino ka but what else? Bukod sa medals, at achievements mo, ano pang mayroon ka??? Wala na! Usapan mang mukha, at LALO na sa ugali!!
Kaya ka iniwan ng nanay at tatay mo e. Kung ako mga magulang mo tapos ikaw magiging anak ko? Iaabandona rin kita, maghahanap din ako ng bagong asawa at magpapakalayo- layo."
Pinilit kong lunukin ang mga salitang iyon pero inayawan ng sikmura ko. Kusang isinuka ito ng katawan ko na tila isang nakamamatay na lason.
Inayos ko ang sarili, at tinupi ang papel bago pa ito matuluan ng ebidensiya ng kawalan ng kakayahang tumunaw ng poot.
Sakto lang ang timing dahil nabalot ang silid ng tunog ng tatlong katok.
"Cha? P'wedeng pumasok?"
"Feel free." Hindi rin nagtagal ay iniluwa na ng pinto si Caleb. "Bakit late ka nang umuwi?" tanong nito pagkalapit.
"Something happened, e." I pressed my lips into thin line.
"Tell me about it!"
At doon ko sinimulang i-kuwento ang nangyari kahit pa medyo mabigat ang dibdib. Hiling ko lang talaga na hindi bakas ang bigat na iyon sa tono ko.
"Kaya bukas, pupunta kami sa guard house para mapanood po 'yong cctv footage. After po no'n, ipapatawag ko po sa guidance para rin mabayaran ako."
"Kami? Sinong kasama mo?" sabat ni Caleb. "May practice kami sa volleyball bukas. Sorry, hindi kita masasamahan pero kung pagsugod sa kung sino mang gumawa niyan, p'wede ako." Gusto kong matawa sa biro niya pero pinili kong dedmahin iyon.
"Si... Zadkiel." Napakamot ako sa ulo, at mariing napapikit. Alam ko na kaagad ang ideyang tumatakbo sa utak nitong si Caleb.
Sinamaan ng tingin si Caleb na panay bungisngis.
"Tigilan mo nga 'yan," asik ko sakaniya dahil hanggang ngayong kinabukasan, at nasa hallway na kami papunta sa room namin, ngiting-ngiti pa rin siya.
"Why? Ngumingiti lang naman ako!"
"Alam ko kasi kung bakit ka tumatawa! And it's pissing me off." Imbes na makinig, inunahan niya lang ako sa paglakad habang tumatawa.
Paano ko kaya haharapin si Ismael? Na ngayong may utang na loob na ako sa kaniya? Saka dahil sa mga nangyari, at pag-uusap namin kahapon?
YOU ARE READING
Codes, Films, and Mirrorballs
Teen FictionChanielle Austin has always been considered to be the perfect definition of the word 'study machine' for her only focus is on academics and her dreams especially now in tenth grade, as she's running after the valedictorian title. But in a twist of f...