"Kayo na pala! Hindi n'yo man lang sinabi sa akin?!" Halos mapatalon ako nang pagmumukha ni Niel ang bumungad sa akin pagkapasok sa silid.
Nilibot ko ang tingin sa paligid, at lahat sila naghihiyawan habang nakatingin sa amin ni Ismael.
"Lakas mo, Kiel!" Nakita ko sa aking peripheral vision ang paghampas ni Niel sa balikat nito.
"Ano bang pinagsasabi mo?" Kumunot ang mga noo naming pareho.
"Sus! Ikakaila n'yo pa, e alam na naming lahat?"
"Ang alin?" Nagsisimula nang manuyo ang lalamunan ko. Ano bang tinutukoy ng lalaking 'to?
"Na kayo na! For good three months!"
"What the heck?" asik ni Ismael na nasa gilid ko pa rin.
"Saan mo naman nalaman 'yan?" Nginuso niya ang speaker sa sulok ng classroom namin, malapit sa pisara. "Rinig na rinig kaya ang conversation n'yo with Ma'am Che."
Mariin akong napapikit. What on Earth is happening?! Bakit ba sunod-sunod ang kamalasang nangyayari sa akin?!
Oh, maybe I know. Dahil kay Ismael—lagi naman! Simula noong lumipat siya sa neighborhood namin, sunod-sunod na ang hindi kaaya-ayang pangyayari sa buhay ko! Domino effect kumbaga.
May balat yata sa pwet ang lalaking 'to kung kaya't pati ako dinadamay sa kamalasan niya—lagi rin naman kasing nakabuntot sa akin!
"Ikaw pala ang naunang umamin, a." Nagtaas-baba ang kilay ni Niel na tila nang-aasar. Nag-angat ako ng tingin kay Ismael saka sinamaan siya ng tingin. He made an apologetic smile.
Pumunta ako sa silya ko saka tumungo habang ang mga kaklase ko ay patuloy pa rin sa pambubuyo.
Mabuti na lang talaga ay walang klase kundi ay nakakahiya, at hindi ako makakapag-focus sa klase.
Base sa mga tawa ni Zai nang nag-angat ako ng tingin, paniguradong parang kamatis na ako! Nakakahiya naman kasi talaga?!
Nakakahiya na nga ang balitang kami na for three months, tapos ako pa ang lumalabas na naghabol?! Bwisit na lalaking 'to talaga!
Mierda. Mierda. Mierda.
Lahat ng gratefulness ko para sa kaniya ay nawala na parang bula. Napalitan ng galit, at pagka-irita!
Pasimple kong kinuha ang cellphone ko saka chinat si Caleb.
Chacha:
CALEBBBmay ipot sa tsinelas:
oh bakit po, kiel's girl??Chacha:
??????????????Chacha:
Nakikisali ka pa talaga sa pambubuyo nila a????may ipot sa tsinelas:
Hindi ba p'wedeng masaya lang ako na nagkatuluyan na ang matagal ko nang ship???Chacha:
Ship mo mukha mo.Chacha:
Kwento ko na lang sa'yo mamaya! Don't make sumbong kay tita a.may ipot sa tsinelas:
snitch talaga tingin mo sa akin?? anw, zge. tungo well... habang si Kiel titig well. 🥱Umangat ang tingin ko sa paligid. Natagpuan ko si Ismael na umiiling sa mga pinagsasabi ng tropa niya, including Niel. Anong tititg pinagsasabi nito?
Napalingon ako sa gawi ni Caleb nang marinig ang mga munti niyang halakhak. Nagtipa siya.
may ipot sa tsinelas:
uto-uto HAHAHAHAA umasa talaga siya oh 🤣🤣🤣
YOU ARE READING
Codes, Films, and Mirrorballs
Teen FictionChanielle Austin has always been considered to be the perfect definition of the word 'study machine' for her only focus is on academics and her dreams especially now in tenth grade, as she's running after the valedictorian title. But in a twist of f...