18

15 2 0
                                    

Sa lahat ng exam, hindi ko inaakalang sa ESP pa ako pinakamahihirapan. It's not 'rocket science' difficult but I took my time reading and analyzing each questions and choices thoroughly. Kung ie-estimate, siguro ay two-three minutes ang nilaan ko sa mahahabang questions.

Mas nadalian pa ako sa Science at Math.

Tapos na ang exam season, at may tatlong araw na walang pasok. May tatlong araw para makapagpahinga, at mag-advance study.

Siguro ay dapat gamitin ko rin iyong tatlong araw na iyon to make up with Caleb.

"Hanggang sa gate lang pala tayo magkakasabay, susunduin na kasi ako nina Mommy para dumiretso na sa airport. May flight pa kasi kaming hahabulin."

Oh, that explains why naka-sibilyan siya ngayon. Ralph Lauren dark brown polo na tinuck in sa hard denim pants. Pinartneran niya ang outfit ng wristwatch.

Bagay sa kaniya ang suot niya, mas lumakas tuloy ang appeal niya. Kaya pala nagsisitinginan ang iba.

"Sa Palawan ba kayo buong suspension mo?"

"Nope! After Palawan, sa Singapore naman." Napa-'oh' na lang ako.

Tama nga siya, blessing in disguise nga para sa kaniya at ng family niya ang suspension niya. Paniguradong matagal na nilang pinagpaplanuhan na mag-vacation pero laging napupurnada dahil sa sobrang busy ng parents niya na parehong nagta-trabaho, at siya na ni kailanman ay hindi lumiban sa klase.

"Ingat kayo, a! Mauuna na ako." Nagpalitan kami ng ngiti bago ako nagtungo sa pila ng tricycle. "Bye!" Muli akong kumaway sa kaniya bago pumasok sa loob ng tricycle.

Sinabi ko sa driver ang destinasyon, at kaagad naman nitong binuhay ang makina. Hindi nagtagal ay umandar na ito.

Nang hindi pa nakalalayo ay muli kong sinilip si Zadkiel mula sa maliit na bintana sa likod ng tricycle. Nakita ko siyang nakatanaw sa gawi ko, bago pa niya ako mapansin ay ibinalik ko ang atensyon sa harap.

Kung alam ko lang ay dapat dinala ko na lang ang bisikleta ko. Akala ko kasi ay sabay kaming maglalakad pauwi ngayon. Nakahihiya naman kung maglakad akong mag-isa pauwi, lalo na kung nakatanaw at pinanonood niya ang bawat hakbang.

Nang makarating ng bahay ay kaagad akong umakyat sa kwarto para magpalit. Matapos magpalit ay binuksan ko na ang phone ko. Kumunot ang noo ko sa nakitang mensahe.

Zadkiel Vaughn Ismael:
ar.kielv follow mo 'ko sa ig hehe

Zadkiel Vaugn Ismael:
Follow back at heart back kita

Chanielle Austin:
Done report.

Zadkiel Vaughn Ismael:
👎🏻👎🏻👎🏻

Zadkiel Vaughn Ismael:
Ganda ng username mo hehe, dailydale (kahit tatlo lang post mo tapos last year pa yung last)

Hindi ko maiwasang mapangiti sa message niya. Pang-asar din sa akin iyon ni Caleb. Dapat nga raw ay palitan ko na ang username ko kasi hindi naman ako daily nagpo-post, at once a month lang kung mag-online sa app.

Zadkiel Vaughn Ismael:
Airport na, around one hour na lang bago yung flight

Chanielle Austin:
Ingat.

Zadkiel Vaughn Ismael:
Thank you, dale 💕

Umirap ako. Hindi ko talaga gusto kapag tinatawag ako sa second name ko. Biological dad ko ba naman na nag-abandona sa akin ang nagbigay niyan, e.

Mariin akong napapikit. Hinanap ko ang account ni Mama

Chanielle Austin:
Hi, mommy! Tapos na po exams namin, and may three days po na break. Free po ako para sa video call.

Codes, Films, and MirrorballsWhere stories live. Discover now