03

31 5 2
                                    

"Nakakaantok naman," bulong ng katabi ko, si Zai, saka humikab.

ESP time namin ngayon, and hindi ko naman siya masisisi. Medyo boring nga ang class dahil hindi summarized ang PowerPoint presentation. Mukhang may sakit din si Ma'am ngayon since nagbago ang voice niya, and wala siyang energy.

"Ano 'yan?" Nagmistulang giraffe pa siya para lang masilip nang mas maayos ang sinusulat ko sa papel. "Codes na naman?"

"Yeah..." Pinakita ko sa kaniya ang notebook ko. There's nothing to worry about since wala naman siyang kahit anong ideya tungkol sa codes, and ciphers.

Kumunot ang noo niya nang makita ang nakasulat doon: dtrpefbpbzcllcylogyornbanv

"I don't get it." I know you wouldn't.

Inabot niya pabalik sa 'kin ang notebook ko.

Nilibang na lang ni Zai ang sarili sa pamamagitan ng pagguhit ng kung ano-ano. May flowers, eyes, and stars.

Gumuhit ang isang tipid na ngiti sa aking labi. Her doodles are cute, very Pinterest material.

"Class, I have a philosophical question. And I'm expecting good points—ayokong makatanggap ng pang-elementary'ng reasonings, a?"

Umayos ako ng upo, hinahanda ang sarili.

"What really defines a person? Their thoughts or their actions?" Mas mabilis pa sa alas cuatro ang pagtaas ko ng kamay. "Yes, Ms. Austin?"

"It's our actions, ma'am. Let's not lie to ourselves, each one of us have evil and vile thoughts crossing our minds, but the real deal is how will we act upon, and how will we control it."

"Very good, Ms. Austin." Pumapalakpak ang buong klase, it's music to my ears. I smiled widely before turning my gaze to him.

Siya lang ang hindi pumapalakpak, at tumitingin sa gawi ko. Nakatulala siya sa kawalan, at tila nag-iisip. Umupo na ako.

"Yes, Mr. Ismael?" Umangat ang kilay ko nang binanggit ni Ma'am Eunice ang pangalan ng lalaking 'yon.

"I disagree with Ms. Austin. It's a person's thought, miss. Yes, lahat tayo may evil thoughts, and yes, dapat nating kontrolin ang actions natin, but we should not forget that what a person shows through their actions could be the exact opposite of what's in their mind. Kumbaga, pakitang-tao lang.

And without thoughts, what are you? We make choices and we act on those choices, based on our thoughts."

Tinuro pa niya ang sentido niya. Nagpalakpakan ang buong klase dahilan upang makaramdam ako ng kung anong init na rumerehisto sa buong sistema ko.

Hindi ko na siya pinatapos, tumayo na ako kaagad para sagutin siya. Napuno ng ingay, palakpakan, at pambubuyo ang bawat sulok ng silid.

Even my classmates can feel the tension between him, and I.

"You're not your thoughts. You're the one observing your thoughts. And your actions reinforce what you truly believe to be true."

"Your thoughts is who you are to yourself, your actions is who you are to the world—how people in the society perceive you. So which one do you prefer? To be the person the world thought you were instead or your true self? It seems like you prefer the latter, Ms. Austin."

Inis na inis na nga ako sa tono ng pananalita niya, dumagdag pa ang kakaibang emosyong nakapinta sa mukha niya. Tila ba nang-aasar.

"I never said that I prefer—"

"Ms. Austin, and Mr. Ismael. Easy! Ceasefire! Tumigil, at umupo na kayo." Inirapan ko si Ismael bago pabagsak na umupo sa seat ko. Napakamot sa ulo si Ma'am Eunice. "Ito namang dalawang 'to, g na g! Nagtatanong lang naman ako pero ginawang debate!"

Codes, Films, and MirrorballsWhere stories live. Discover now