"Congratulations, Austin. Malapit nang mag-with highest ang average mo kahit second quarter pa lang!" Nilahad sa akin ng adviser namin ang certificate ko.
Ni hindi ko magawang ngumiti. Kahit katiting na parte sa akin, walang may kagustuhang tanggapin iyon.
Kapag kinuha ko ang sertipikong iyon, ibig sabihin, tinatanggap ko na ang pwesto ko—tinatanggap kong talunan ako.
"Chanielle?" Lumubay ang mga mata ko mula sa sertipiko, at lumipat sa mukha ng adviser ko na isang pinta ng pinaghalong kahihiyan, at kabalisahan.
Humugot ako ng malalim na hininga saka kinuha iyon. Ang pakiramdam ng sertipiko sa mga daliri ko ay humugot sa hininga ko. Naramdaman kong may humahalukay sa tiyan ko.
"Picture tayo—" hindi ko na pinatapos iyon, nilampasan ko na ang aming guro. Alam kong sobrang bastos ng ginawa ko pero wala na akong choice.
Nanginginig na ang tuhod ko. Masakit ang lalamunan ko buhat ng pagpipigil sa mga luha, at hikbing gustong umalpas.
Nakadagdag sa bigat ng nararamdaman ko ang simponya ng pinaghalong palakpak, at hiyawan.
Pamilyar na pamilyar ang musikang iyan. Musikang habangbuhay kong kamumuhian. Musikang palaging magpapaalala sa akin na isa akong kabiguan—na may kulang sa akin, na nagkulang ako.
Kahit anong pag-aaral, at pagsusumikap ko, lagi't lagi akong binabalik sa bangungot ko.
"Ay, Chanielle. Sa'yo ko pala muna ipatatago 'tong certificate ni Ismael." May multo ng ngiti sa mga labi ni ma'am nang inabot niya ito. Mabigat ang dibdib ako nang bumalik sa upuan.
Nagpabalik-balik ang mga mata ko mula sa mga sertipikong hawak ko, at sa nakapaskil sa board.
Rank 1 - 98
Ismael, Zadkiel VaughnRank 2 - 97.4
Austin, Chanielle DalePaano nangyari iyon? Maganda naman ang performance ko?! Hindi pa binibigay iyong ng exams namin pero malaki ang kumpiyansa kong mas nataasan ko siya!
Habang ako nagre-review, siya walang ibang ginawa kundi maglaro ng video games!
Sa bawat paggapang ng mga kamay ng orasan ay mas unti-unting nagiging maliit ang paligid ko.
Mas naging makapal ang kung ano mang nakaharang sa lalamunan ko sa bawat abot sa akin ng test paper. Masakit na nga sa matang makita ang hindi perfect kong scores, sa akin pa pinatatabi ang exams ni Kiel—exams niyang lahat ay lamang sa akin.
Siya iyong nagpabaya, pero ako 'yong bumaba.
Akala ko ay makatatakas na ako sa lahat-lahat pagkalabas ko ng eskwela pero mas lumala lamang ang bigat habang palapit sa bahay.
"Bakit bumaba ang rank mo?!" Iyan ang bungad sa akin ni Mommy pagkasagot na pagkasagot ko sa tawag niya. Kase-send ko lang sa kaniya ng certificate ko.
"Mommy—"
"Okay lang sa akin kung may kasama ka sa rank 1 pero 'yong bababa ng rank 2?! Chanielle naman, hindi ka ba nag-aaral nang maayos?! Masyado ka yatang nagpapabaya?! Sabi mo sa akin no'ng first quarter, kaya mong mag-with highest ngayong second quarter?! 97.4?! Saan ka dadalhin niyan?!"
"Mommy, nag-aaral naman po ako nang maayos. Maganda naman po ang performance ko—"
"Kung maganda talaga 'yang performance mo, makikita 'yan sa rank mo! Baka naman masyado ka nang nagpapakampante? Baka nagpapabaya ka?!"
Ang mga salitang iyon ay tila punyal na paulit-ulit na naglalabas-masok sa aking dibdib, at sa bawat baon, mas lalong lumalalim.
Nagpapabaya?
YOU ARE READING
Codes, Films, and Mirrorballs
Teen FictionChanielle Austin has always been considered to be the perfect definition of the word 'study machine' for her only focus is on academics and her dreams especially now in tenth grade, as she's running after the valedictorian title. But in a twist of f...