"I didn't know you have a good music taste," I said with full sarcasm.
"Wow, a?" Nilagay niya ang palad sa dibdib na tila ba sobra siyang nasaktan sa sinabi ko.
"Nga pala, nakita na ba ni Laine 'yong myday mo sa 'kin?"
"Yup! Pati na rin si Kye." Napatango ako. Muli kaming binalot ng katahimikan. "Are you disappointed? Even a little bit?"
"Huh?" Tinigil ko ang pagtitipa, at tinitigan siya.
"Wala ka bang panghihinayang na kailangang tigilan ni Kye ang admiration niya sa'yo? I mean, kahit hindi mo siya gusto—he's a great guy, no doubt. Kaya nga rin hindi maka-get over si Echaves sa kaniya. Grabe rin kasi mag-effort ang taong 'yon."
May kung anong tono sa boses niya pero hindi ko mawari, at matumbok.
"Nope! Yeah, he's a nice guy but I'm not... into him." His face lit up.
"Kahit i-pursue ka niya?! Feeling mo hindi ka mahuhulog?!"
"Why are you asking so many questions?" I'm starting to get annoyed. "Ikaw yata ang may interest sa kaniya." Pabiro ko siyang inirapan.
"Hindi 'no! Sira ka ba? Curious lang talaga ako saka para naman may ma-topic tayo. Ang weird kaya na masyadong tahimik."
Malamang, mawi-wirduhan ka para ka ba namang sirang plaka sa klase—mapa-recitation o daldalan man.
"I never expected that someone like him would admire me." I laughed bitterly.
"Huh? Bakit naman?" Kumunot ang noo niya, at nagsalubong ang kilay niya.
"It's just that... it's impossible." Halos bulong na lang iyon. "Nevermind." Iminuwestra ko ang mga kamay ko na tila pinaaalis o winawalis ko sa hangin ang mga salitang gustong mamutawi sa aking labi.
"Imposible? Bakit naman?"
"I said nevermind." Umiling ako.
Kasabay ng pagpalit ng kanta ay ang pagpalit ng atmosphere sa kwarto. Para bang bumigat ito na hindi maintindihan.
Kahit naka-aircon, parang mainit, at malagkit ang hangin. Mahirap huminga. Naging masyadong maingay ang langitngit na nililikha ng aircon, at ang pagka-komportable sa suot ko ay naglaho na parang bula. Parang gusto kong kumaripas ng takbo sa bahay para sa magpalit ng damit, magtago, magmukmok, at magkulong sa kwarto.
Kaparehong-kapareho ng naramdaman ko nang natalo niya ako sa chess... nang nalamangan niya ako sa Mathematics, sa Science; nang siya ang nag-champion sa spelling bee no'ng Grade 5 habang second lang ako; nang tinalo niya ako sa pagiging school council president; nang siya ang nakakuha ng leadership award no'ng graduation; nang nalaman kong nataasan niya ako sa artwork activity namin kahit pa pinaggugulan ko iyon ng buong gabi habang ang kaniya ay ginawa niya lang nang nasa silid na siya nila dahil nakalimutan niya; nang siya ang kinuha sa Science quiz bee; nang nalaman kong siya ang paborito ng teachers namin; nang nalaman kong mas bilib sa kaniya ang schoolmates namin; nang nalaman kong mas natatalinuhan sa kaniya ang mga kamag-anak ko kaysa sa akin mismo na kadugo't laman nila.
"You're not hard to admire, Cha. You're one of the smartest people I know."
I already know that, Zadkiel. I'm wise, smart, academically inclined, intelligent and other bullshit. But what else?
I cursed myself. Why do I even want to know his response to that question?
"And one of the most genuine."
Our eyes met.
"Simula pa lang elementary, kahit pa tatlong classrooms o magkaiba ang building natin, hindi na bago sa akin na makarinig ng mga chika na snob, bossy, masungit, at masama raw ang ugali mo.
YOU ARE READING
Codes, Films, and Mirrorballs
Teen FictionChanielle Austin has always been considered to be the perfect definition of the word 'study machine' for her only focus is on academics and her dreams especially now in tenth grade, as she's running after the valedictorian title. But in a twist of f...