"Ikaw ba ang may gawa nito?!" I yelled at him.
"The hell? Magkasabay lang tayong lumabas ng room." He seemed annoyed.
"Anong gagawin ko nito?!" Pabalik-balik akong naglakad. "H-Hindi ako p'wedeng umuwi na ganito ang bike ko! Mapapatay ako ng Tita ko!" Ginulo ko ang buhok ko, wala nang pakielam kung pinanoood man niya ako.
"Calm down. Mas wala kang maiisip na solusyon if nagpa-panic ka." Mas uminit ang buong sistema ko sa narinig mula sa kaniya.
"Huwag mag-panic?! Calm down?! Niloloko mo ba 'ko?! That bicycle is worth seventy thousand pesos! Pero ano?! Puro gasgas na! Sesermunan ako buong araw ng tita ko kung umuwi akong ganito ang bike ko! Lagot din ako sa Mommy ko! Wala naman akong alam na pagawaan, wala rin akong dalang pera—"
"Chanielle Dale..."
Hindi ko alam pero may kung ano sa boses niya na nakapagpatigil sa akin.
"May kakilala akong gumagawa ng mga bike, at sasakyan. At sa bayad, p'wede naman siyang pakiusapan na installments muna. At kung malaman man 'yan ng guardian mo, p'wede naman akong tumulong sa pagpapaliwanag-kung gusto mo, gumawa pa ako ng ppt e—"
"This isn't the right time to joke, Ismael—"
"I'm not joking, Chanielle. I'm dead serious." Nilagay niya ang kaniyang kamay sa dibdib nang sandali saka itinaas na tila nangangako o nanunumpa. "Actually, willing pa nga akong tulungan kang ipa-check ang cctv."
No matter how hard I try to, I couldn't sense any mockery in his tone. He's... genuine. The heck?
"Okay. T-Thanks." That word felt like venom. "P-Pero itong pagpapaayos muna ng bike ko ang aasikasuhin ko." Nag-iwas ako ng tingin saka pasimpleng pinunasan ang luhang hindi ko namalayang nakatakas na pala.
Imbes na sakyan ang bisekleta niya, sinabayan niya akong maglakad patungo sa sinasabi niyang repair shop. Ang mas malala, tinulungan pa niya akong buhatin ito sapagkat sira nga, at flat pa ang gulong.
Pagkarating doon ay kaagad siyang lumapit sa isang lalaking nasa mid-30s. Nag-usap ang dalawa habang ako'y naiwan sa harap ng repair shop.
"Jarvey, paki-asikaso nga 'yong bisikleta ng kaibigan ni Kiel. Salamat." Tinapik ng lalaki ang isa pang lalaki na nasa early-20s.
Napakurap-kurap ako nang lumapit ito sa gawi ko saka kinuha ang bike ko. Sumunod ako kay kuya.
"Mamahalin nga. Anong nangyari?"
"May mga inggit, e. Hindi kasi abot si Cha."
Bahagyang kumunot ang noo ko nang mapansin ang bahid ng pagka-irita sa tono, at ekspresyon niya na kanina ay wala naman. Nang bumaling siya sa gawi ko ay bumalik sa normal ang ekspresyon niya.
Kahit kailan, napaka-plastik talaga.
"Salamat ulit, Kuya Jerald. Hihintayin na lang po namin." Namin? Lumapit siya sa akin. "May alam akong nagtitinda ng merienda sa malapit. Tara!"
Nagsimula siyang maglakad pero nanatili ako sa aking kinatatayuan. Nang hindi maramdaman ang pagsunod ko sa kaniya, nilingon niya ako.
"Hihintayin na lang po namin. Namin talaga?" Tipid akong tumawa. "Thank you pero kaya ko na 'to. You can go home na." I tried my best—and even smiled para lang hindi siya makaramdam ng kahit anong negativeness sa sinabi ko.
"I want to stay," he stated with full conviction. "Saka bago ka sa lugar na 'to. Baka kapag nawala ka, mapagbintangan pa ako kasi ako ang huling kasama mo." Ngumiwi siya.
"Wow, I didn't know na you're caring pala," wika ko nang puno ng sarkasmo. "Thanks."
"I also didn't know na you're ungrateful, and so maldita pala."
YOU ARE READING
Codes, Films, and Mirrorballs
Novela JuvenilChanielle Austin has always been considered to be the perfect definition of the word 'study machine' for her only focus is on academics and her dreams especially now in tenth grade, as she's running after the valedictorian title. But in a twist of f...