04

32 3 0
                                    

"May chess match daw sa quadrangle, nood tayo!" rinig kong saad ng isang Grade 9 student. Tumakbo sila ng kasama niya patungo roon.

Uwian na pero mag-s-stay ako nang saglit sa school para makipaglaro ng chess. Nasabihan ko naman na si Caleb na ipaalam ako kay Tita kaya wala na akong dapat ikabahala kung kahit ma-late pa ng dalawang oras ang uwi ko.

"Anong mayroon, Sam? Bakit may pa-ganito ka?" malumanay kong tanong saka ibinaba ang bag ko sa mesa kung saan nakalagay rin ang mga gamit, at bag nila.

"Tropa time lang!" He scratched his head. "For fun lang 'to, a. Baka naman mandurog ka, Chanielle."

"Oo nga! Baka may paiyakin ka pa," saad ni Niel.

"You two are overhyping my skills." But deep inside, I'm enjoying these compliments very much.

"Sus! Kunwari na lang hindi ka umabot sa national level." Natawa na lang ako sa tugon ni Niel.

"Oh, ayan na pala makakalaban mo." Ngumuso siya sa taong tila nasa likuran ko. Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Sam.

Nilingon ako ang lalaking nag-ha-half run patungo sa amin. Nakabukas ang naunang dalawang butones ng kaniyang uniporme kung kaya't kita ang kaniyang sando sa loob, medyo magulo rin ang buhok dahil sa malakas na hangin.

Ismael, huh?

I don't know if it's is an insult or a blessing since he's not into chess, and heck he doesn't even know how chess pieces move. Defeating him is just a piece of cake—the easiest chess match of my life perhaps.

"Kiel, kayo ni Chanielle magkalaban." Inabot ni Sam ang chessboard then we proceeded to our spot.

"I want the black pieces," saad ko pagkalapag na pagkalapag niya ng chessboard sa mesa.

He scratched his head. "Okay, fine."

Kinuha na namin ang kaniya-kaniyang chess pieces saka inayos ito. Siya ang mauuna.

"Not you allowing Sam call you by your first name tapos ako bawal?" He moved his pawn to e4. "Unfair, a."

"Well, that's because you freaking annoy, and irritate the hell out of me." I faked a smile, then moved my knight to c6.

"Vocal ka talaga sa pagka-irita mo sa 'kin 'no?" He chuckled. I just rolled my eyes.

Nagpatuloy ang laro. I'm actually quite amazed. He can keep up with me, and my techniques. Maganda ang moves na tinutugon niya sa bawat galaw ng pieces ko. Halos salitan nga lang kami sa pagkain ng chess pieces ng isa't isa—but of course, I'm still better than him.

Nakapagtataka nga. Kailan kaya siya nag-aral na mag-chess? Sa pagkakaalam ko kasi, he's not into passive recreational activities; he's more into active ones such as badminton, and taekwondo.

I scoffed. May pinopormahan siguro.

Sa bawat lumilipas na minuto, sa bawat galaw namin sa chess pieces, mas lumalamig pa yata ang hangin. Pero kahit malamig ang hangin parang pinagpapawisan ako na hindi maintindihan.

Shit. He's actually good.

"Checkmate..." he whispered after he moved.

"W-What?" I cleared my throat.

"Checkmate, right?" Kunot-noo kong sinuro ang chessboard, nakuha niya ang king ko. Checkmate nga.

Napakurap-kurap ako.

Did he just won against me? In chess? Fair and square?!

Kahit si Kiel hindi rin yata makapaniwalang nanalo siya. Hindi siya nakangiti pero may kung anong emosyon ang nakapinta sa mukha niya na hindi maintindihan.

Malalim akong huminga.

"Well, congrats." Kahit labag sa loob ko, nilahad ko ang kamay ko sa kaniya. Tinanggap naman niya ang kamay ko. I forced a smile.

"Thanks..." He cleared his throat. Halata sa kaniya na alanganin pa rin siya kung ano bang dapat maramdaman, at ia-akto.

Losing to him in chess—that was supposed to be my thing—has never crossed my mind but here we are...

Sa isang iglap, tila masikip, at masyadong maliit mundo. Mainit, at malagkit na pakiramdam ang dala hangin tumatama sa amin. Kung lumubog, at kumulob ang tiyan ko tila isang linggong hindi nakakakain.

"Hindi naman halatang gusto mong makipag-holding hands sa 'kin." Nang marinig ang sinabi niya, kaagad kong binawi ang kamay ko.

"Napakakapal ng mukha mo." Pinunas ko sa palda ang kamay kong humawak sa kamay niya.

Lihim akong napamura nang mapagtantong basa iyon. Nakakahiya! Baka isipin niyang kinabahan ako sa laro niya. Sana lang talaga ay hindi niya gaanong pinansin iyon.

"Oh? Sinong nanalo sa inyo?" Ang kaninang malagkit na hangin ay naging malamig nang marinig ko ang tinig ni Sam. Pasimple akong yumuko, naghahanap ng kung anong puwedeng matingnan.

Ngayon pa lang naninikip na ang dibdib ko sa disappointment na matatanggap from him. He was rooting for me pa naman, and todo puro pa siya sa akin kanina tapos ganito.

Mierda.

Ano na lang iisipin niya sa 'kin?! That I'm a loser? That I'm not worth rooting for?! Na hindi naman talaga ako magaling katulad ng iniisip niya?! How about my reputation?!

Imagine someone like me who competed at the national level losing to some guy who only learned chess kasi may pinopormahan?! An insult to the absolute level!

"She did."

Nahinto ako dahil sa mga salitang namutawi mula sa mga labi ni Ismael. What the heck...

Pagka-angat ko ng ulo ko naabutan ko siyang tipid na nakangiti, lumawak ito nang nagtagpo ang mga mata namin.

"Sus! Ano pa nga ba!" Tumawa si Sam. "Pero congrats pa rin, Kiel. Nakasabay ka rito kay Chanielle kahit mamaw sa chess 'yan. Nga pala, maiwan ko muna kayo, may bibilhin lang ako sa canteen." Tinapik niya ang balikat ni Ismael bago tuluyang umalis.

"Why did you do that? Out of pity?!" I cleared my throat. "I don't need your sympathy. It's just a silly match, anyway! B-But thanks. I'm not a sour loser or anything but thank you for saving my butt from embarrassment."

I can't believe I'm thanking him genuinely.

Masyadong marami nang nangyayari sa pagitan namin ni Ismael. Mula sa paglipat niya katapat ng bahay namin hanggang sa pagtalo niya sa akin sa chess. Am I dying?

"Why? It's just a silly match, anyway.
Hindi gaanong nakaka-proud, at hindi rin gaanong nakakahiya if matalo. You're overthinking it—"

"You really don't understand, don't you?"

Palibahasa, you never disappoint. You always perform, and act the way people expect you to. And sometimes, you even exceed their expectations.

"You're blinking too much." I raised my brow. "Morse code?"

"Good game," I said, ignoring his question. "Uuwi na 'ko, pakisabi na lang kay Sam." Inayos ko na ang gamit ko saka kaagad nang umalis.

𐙚

𐙚

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Codes, Films, and MirrorballsWhere stories live. Discover now