06

21 4 0
                                    

Iba talaga ang pakiramdam ko sa taong 'to. Hindi ako makapaniwala na... may secret admirer ako. O baka nga pinag-ti-trip-an lang ako?

Malaki ang tiwala ko sa kutob ko. Paniguradong hindi kilig ang dulot ng taong 'to. So weird.

Gusto ko sanang maghanap ng clues but it's already getting late. Isinalampak ko na ang sarili sa kama, at ipinikit ang mga mata. 

May graded quiz pa kami bukas kung kaya't kailangan kong matulog nang maaga kasi gigising din ako nang maaga para mag-review.

Sa ganitong paraan, sapat ang tulog ko, active, at may sapat na energy ang utak ko, at mas fresh ang informations na mababasa ko. Mas gusto ko talagang nag-aaral sa umaga kaysa magpuyat... at mukhang opposite kami.

Magkatapat ang kwarto namin, at dahil medyo madilim kasi cloud lamp ko lang ang nagbibigay ng ilaw sa buong kwarto, kitang-kita ang liwanag na nagmumula sa bahay nila.

Kahit na may kurtina, tumatagos sa silid ko ang liwanag na nagmumula sa kwarto niya.

Kumunot ang noo ko nang tila may dinikit siya sa bintana niya. Tumayo ako saka inusog ang kurtina, at sumilip sa bintana habang dala-dala ang binoculars mula sa drawer.

"Matutulog ka na? It's only nine, nag-re-review pa nga ako, hahaha," iyon ang nakalagay sa bond paper.

Kasalukuyan siyang nakatayo sa bintana, at kumakaway pa.

Papansin.

Inirapan ko siya, kahit alam ko namang hindi niya iyon makikita.

Muli kong sinara ang kurtina, at binalik sa drawer ang binoculars. Muli akong humiga sa kama, at hinayaang magpayakap sa comforter. Kumunot ang noo ko nang mas dumilim ang kwarto, ibig sabihin, pinatay na rin ni Ismael ang ilaw niya sa kwarto.

Nagkibit-balikat na lang ako.

"Nag-review ka?" tanong ni Zai matapos ang subject namin before ang AP—kung saan kami may graded recitation. I gave her an 'are you for real?' look. "Bakit pa nga ba ako nagtanong." Awkward siyang ngumiti saka nagpatuloy sa pagbabasa sa notes niya.

Sa hindi malamang dahilan, napalingon ako sa gawi ni Ismael. Kasalukuyan siyang umiinom ng sterilize milk. Bigla ko tuloy naalala ang natanaw ko kaninang umaga pagkagising ko.

Umiinom siya ng gatas habang may binabasang libro. Kunot ang noo, magkasalubong ang kilay, at may nakalagay pang lapis sa tainga.
At nang magkasalubong ang mga mata namin, kumaway siya.

At kagaya ng ginawa ko kagabi, I ignored him.

Nag-iwas ako ng tingin nang dumating si Ma'am Rebecca. "Class, keep all your notebooks, modules, and books. Wala dapat akong makikitang kahit anong gamit sa mesa ninyo."

Sinunod naman ito ng buong klase. Nagsimula nang ang graded recitation, at halata sa mga kaklase ko ang gulat, at pagtataka dahil kadalasan ang mga tanong ay logical, at situational.

Medyo nakakainis din sapagkat hindi ako tinatawag kahit nauubusan na yata ng dugo ang palad ko dahil kanina pa nakataas kamay ko.

Well, I can't blame our teacher since sobra ko nang daming points, and itong graded recitation ay para sa classmates kong once in a blue moon lang sumagot. But I really need those points!

And I know this is mean to say, but do their answers really deserve those points? Their points, arguments, and ideas are too shallow. Iyong mga tanong pang-highschool, pero 'yong mga sagot nila, pang-elementary.

I bit the inside of my left cheek out of frustration.

"Ang huling tanong ay konektado sa huli nating tinalakay. Sa inyong palagay, responsibilidad ba ng mayayamang bansa na tulungan ang mahihirap na bansa?"

Kumunot ang noo ko nang mapansing tumahimik ang klase. Sa wakas, makalalaya na rin ang pandinig ko mula sa mga sobrang babaw na sagot.

Nag-ikot ako ng tingin, at tumaas ang kilay ko nang makitang kaming dalawa lang ni Ismael ang nagtaas ng kamay.

"Yes, Mr. Ismael." Tumayo naman siya kaagad.

"Ma'am, I believe no. Hindi responsibilidad ng mayayamang bansa na tulungan ang mahihirap kasi kung ganito, masasanay silang naka-depende. Hindi sila masasanay na tumayo sa kanilang sariling paa.

But I think, p'wede namang turuan o tulungan ng mga mayayamang bansa ang mga mahihirap na bansa kahit sa simpleng paraan katulad na lang ng pag-do-donate ng mga makabagong makinarya. Sa ganitong paraan, ang pagtulong na maibibigay ay pangmatagalan.

Masasalamin ang sitwasyong ito sa quote pa lang na 'Give a man a fish, and you feed him for a day; teach a man to fish and you feed him for a lifetime'."

"That's a good point, Mr. Ismael. How about you, Ms. Austin?"

"Yes, ma'am." I can't believe I'm saying this, but, "I kind of agree naman po with Mr. Ismael's point pero for me, dapat po may exceptions.

Example, if ang mayamang bansa na iyon pala ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay mahirap pa ang bansang iyon—sinira ang kalikasan, nag-commit ng war ang ancestors, and many more. Example na lang po ay ang kasunduan between USA and Philippines, the mutual defense treaty.

Responsibility rin po nilang tumulong especially if part sila ng associations like UN and ASEAN."

"You both have a good point, Ms. Austin and Mr. Ismael. Thank you." Nagpalakpakan ang buong klase.

Nagpabalik-balik ang tingin sa amin ni Ma'am Becca nang may ngiti sa labi.

Hindi ko maipaliwanag pero tila may kakaiba sa ngiti na iyon, tila ba may iba siyang gustong ipahiwatig.

Lumingon ako sa gawi ni Ismael, at natagpuan siyang nakatingin na sa akin at ngiting-ngiti pa.

Pakurap-kurap ako nang nag-iwas ng tingin.

"He never took his eyes off you." Kumunot ang noo ko sa binulong ni Zai sa akin pagkaupo ko.

"H-Huh?"

"Wala! Ang sabi ko academic rivals talaga kayo." Bumingisngis siya.

Pasimple ko siyang sinamaan ng tingin.

Mas mabilis pa sa alas cuatro ang naging paglipas ng mga sumunod na subject, hindi ko na halos mamalayan na uwian na pala.

"Mauna ka na, Cha. May training pa kami sa volleyball, e." Tinapik ni Caleb ang likod ko.

"Sige lang! Ingat!" Umalis na siya habang ako naman ay pinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit.

Iilan na lang kaming natira sa room, nauna na ang ibang hindi cleaners sa araw na 'to. Isa si Ismael sa mga kapareho ko ng araw na toka ng paglilinis.

Nang masiguradong maayos na ang bag ko, sinuot ko na iyon, at lumabas na ng silid. Naramdaman ko naman ang kaagad niyang pagsunod.

Mabuti na lang talaga ay wala si Niel kundi paniguradong aasarin kami noon. Sasabihin na namang may something kami. "Academic rivals sa umaga, chat mate sa gabi," ayon nga sa kaniya.

Disgusting as fck.

Mas binilisan ko ang lakad kumpara sa kaniya para lang mas makasiguradong wala akong maririnig na pambubuyo kinabukasan. Mas malala pa kung galing pa sa teacher mismo.

Mabilis lang kaming nakarating sa paradahan ng mga bike.

"What the hell?" Nalaglag ang panga ko sa senaryong tumambad sa akin.

Walang hangin ang magkabilaang gulong ng bisekleta ko—halatang binutas, binasagan ng itlog ang upuan, at sira ang kadena sa ibaba.

"The heck?!" anas niya si likuran ko. Hindi ko siya pinansin, at tumakbo patungo sa alaga ko.

Mas note na naka-tape doon. Nagsalubong ang kilay ko sa nabasa.

"AKALA MO KUNG SINONG MAGANDA. AROGANTE AT MAYABANG NA BEATCH!!! KABIT! MALANDI!

From: gf ng NILALANDI MO"

Codes, Films, and MirrorballsWhere stories live. Discover now