20

18 3 1
                                    

Sa mga sumunod na araw, notifications mula kay Ismael ang bumuhay sa cellphone ko. Sunod-sunod ang padala niya ng messages-nakaiirita na nga. Wala naman akong balak i-view ang messages niya, no'ng isang araw ko pa ini-ignore ang messages niya.

Isa lang ang masasabi ko: ganap na ganap.

Ang galing niyang magpanggap na isang tunay na kaibigan o kahit man lamang bilang isang kaklase. Ang lakas pa ng loob niyang magbahagi ng 'study tips', at magpadala ng kung ano-anong snacks para may makain ako habang nagre-review, at kung ano-ano pa sa kabaligtaran ng intensiyon niyang puno lang ng kagustuhang maungusan ako.

What a nice player you are, Ismael.

Ang galing niyang magpanggap, kaya rin siguro tila sisiw lamang sa kaniya ang pumasok sa isang fake relationship.

Sa katunayan, nitong mga araw na liban siya sa klase ay puro 'I miss you' posting ang laman ng wall niya.

Zadkiel Vaughn Ismael shared a post.

Shabu seller sa Etivac:

Miss na miss na kita idol, hindi ko na malunok 'yong kanin.

Zadkiel Vaughn Ismael shared a post.

Lumpiang Isda:

hahahahahaha miss na kita mo ba payong ko?

Gusto kong tumawa, but at the same time, gusto ko rin maawa. I never thought that he would do such cringe things, and ruining his reputation-hindi ko naman sinasabing sobrang taliwas iyon sa personality niya, at kung paano siya kilala ng lahat, but still... all just for a fake dating.

He's indeed an expert in this field... or maybe, he's just that desperate.

"Hoy, babae ka."

Itinigil ko ang pagsusulat ng lecture namin sa Araling Lipunan nang biglaang pumasok si Caleb sa aking silid. "Ano?"

"Nag-chat sa akin si Kiel mo. Tinatanong kung okay ka lang," wika niya bago iniharap sa aking ang screen ng cellphone niya.

Zadkiel Vaughn Ismael:

Hi, Caleb. Good afternoon. Gusto ko lang sanang kumustahin si Chanielle. Is she okay? Ilang araw na kasi niyang hindi vini-view ang messages ko. Hindi ko rin naman masabi if nag-o-online siya since naka-off ang status niya. I have this gut feeling na she's isolating na naman. I'm just concerned. Paki-kumusta para sa akin, please? Thank you.

"Bagay talaga kayong dalawa. Pareho kayong corporate typings." Corporate typings? Ang jejemon nga niyan sa conversation namin. Ang dami pang emojis. "Teka, nag-o-online ka naman 'di ba? Sunod-sunod pa nga updates sa Goodreads app mo. Bakit hindi mo vini-view messages nito?" Tumaas pa ang isang kilay niay

"Wala lang ako sa mood," matabang kong saad.

"Teka, dahil ba 'yan sa rankings? Dahil naungusan ka niya?" May kakaibang talim ang tono niya-puno ng pinaghalong pag-aakusa, pagmamaldita, at pagkadismaya. "Cha, partners kayo and you guys should celebrate each other's win-hindi 'yong ganiyan na mai-insecure or selos."

"It's not like that, Caleb." Mariin kong ipinikit ang mga mata kasabay ng paghugot ng malalim na hininga. "May ginawa lang siya na hindi ko nagustuhan kaya ako nagkakaganito."

Bahagya akong nakahinga nang maluwag nang mabawasan ang bigat ng aura ni Caleb. "Akala ko naman kung ano na. Nagpapasuyo, at lambing lang pala."

Suyo, and lambing my ass. Eww.

Bahala na siya kung anong isipin niya sa sinabi kong kasinungalingan. Kahit din naman ipaliwanag ko sa kaniya, hindi niya rin maiintindihan.

Kug tutuusin, hindi naman talaga naka-focus ang galit-pagkamuhi, rather-ko sa kaniya dahil naungusan niya ako. Mas naiinis ako kasi tinake niya as advantage 'yong friendshit namin para malaman ang mga kahinaan ko. Hindi man kapani-paniwala pero tinuring ko siyang bilang tunay na kaibigan kahit papaano kaya masakit.

Codes, Films, and MirrorballsWhere stories live. Discover now