10

34 5 8
                                    

"It's not Chanielle. It was me."

Lahat kaming nasa silid ay natigil dahil sa mga salitang namutawi mula sa mga labi ni Ismael. What?

"Ako 'yong nakakaaaway mo online," taas-noo niyang saad.

"Mr. Ismael, are you saying the truth or you're just covering Ms. Austin?" Kunot-noong tanong ni Ma'am. Halatang-halata sa kaniyang mukha ang gulat, at pagtataka. Hindi ko naman siya masisisi kasi pareho kami ng reaksyon.

Kinuha ni Ismael ang cellphone niya mula sa bulsa sa may pinindot doon. Nang makita ang dapat niyang makita, ihinarap niya ang phone niya kay Echaves.

"Ikaw si Kiekie Do You Love Me? Are you serious?!" bakas sa tono ni Echaves ang pinaghalong inis, pagkagulat, at pagka-irita. The heck is that username?

Hinarap din ni Ismael ang phone niya sa gawi namin ni Ma'am Che. Convo nila iyong dalawa ni Echaves.

"You're bluffing! Don't you even dare to lie again, Kiel!" She roughly shifted her gaze to me, then she rolled her eyes.

"I'm not lying, Echaves. And please, don't address me by my first name. We're not friends," mariing wika ni Ismael na nagpapula sa mga pisngi ni Echaves—sign ng pagkapahiya.

"Ano namang pumasok sa isip mo, Mr. Ismael para makipag-away kay Ms. Echaves?" Nababalot ng kuryosidad ang tono ni Ma'am Che.

"Pinagtatanggol ko lang po si Chanielle. Nalaman ko po kasi mula sa isa sa mga kaibigan ni Echaves na siya, at ang barkada niya ang nasa likod ng mga kumakalat na hate posts, at rumors tungkol kay Chanielle."

My brows furrowed. Ayon yata 'yong nabanggit sa akin ni Zai no'ng nakaraang araw na posts na parang ako ang pinatatamaan. Hindi ko naman kasi nakikita o napapansin since mas pinipili kong gugulin ang oras ko sa pagbabasa kaysa sa social media.

"Pinagtatanggol? I thought you hated her?" Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong dinuro.

"I hate her?" Nagsalubong ang mga kilay ni Ismael dahil sa narinig mula kay Echaves.

"Oh come on—"

"Ms. Echaves, bago tayo magkalimutan. Ano 'tong sinasabi ni Mr. Ismael? Totoo ba ito?"

Nanatiling ikom ang mga labi ni Echaves. She's guilty, confirm.

Why do you hate me, Echaves? Wala naman akong natatandaang inirapan, sinungitan ko siya o gumawa ng kahit anong makasasama sa reputation, at sa damdamin niya. Wala nga kaming kahit anong interaction.

At sa katunayan, I look up to her! She's drop-dead gorgeous, and she have this charm that never fails to make her stand out even in the sea of people.

But here we are...

"Ms. Echaves, I'm asking you. Ano 'tong sinasabi ni Mr. Ismael?" Halos pabulong iyon ngunit puno ng awtoridad.

"K-Kasi nilalandi niya po ang boyfriend ko! Akala mo ba hindi malalaman, huh?"

"What? Hindi ko nga alam kung sino ang boyfriend mo!"

"Oh, ang galing mo talagang magmaang-maangan 'no? Si Kyrus Villarreal!" Umawang ang labi ko sa narinig. Ang sikat na varsity player. I didn't know na sila pala ni Echaves. "Inagaw mo siya—"

"Inagaw? Hindi ba matagal na kayong wala?" sabat ni Ismael.

"Technically, yes p-pero hindi kami matutuluyang mag-break kundi dahil diyan sa babaeng 'yan!" She's fuming mad! Kulang na lang ay tumayo na siya. "Kung hindi pa obvious para sa'yo, si Kyrus ang secret admirer mo. I hope you're happy with those cheap snacks—just like you—!"

Codes, Films, and MirrorballsWhere stories live. Discover now