21

7 1 0
                                    

Simula ng pag-uusap na iyon ay hindi na niya ako muling nilapitan. Hindi lang sa araw na iyon kundi pati na rin sa mga sumunod. Parang bumalik kami sa dati pero tila mas lumala pa.

Noon ay may small talks pa kami, at minsan ay inaasar niya pa ako sa tuwing nagkakalaban kami sa recitation o kapag nataasan niya ako sa quiz, activities or performance tasts. Ngayon, parang hangin na lang talaga. Parang hindi magkakilala, at parang hangin na lang sa isa't isa. Ni hindi nga siya sumusulyap sa gawi ko.

Hindi ko naman binabantayan ang kilos niya o inaabangan ang pagsulyap niya sa akin, ramdam ko lang talaga.

For some reasons, I have this weird, and unpleasant feeling. Parang may humahalukay sa tiyan ko. Mas lumalala ang pakiramdam na iyon sa tuwing mahahagilap siya ng peripheral vision ko.

Gosh, this is so weird. Why am I even like this?

Oo, nasaktan ako sa nalaman ko pero dapat ngayon ay nagsi-celebrate ako kasi malayo na ako sa taong ginamit lang pala ako.

Do I miss him? 

Mariin akong napapikit sa naisip. Saang lupalop ng universe ko nahanap 'yon?! Imposible! Bakit ko naman siya mami-miss?! Sino ba siya sa akin?! Wala naman siyang ibang papel sa buhay ko bukod sa inisin ako. And 'yong mga araw o halos tatlong buwan na 'pagsasama' namin ay peke lang naman lahat! Lahat iyon ay gawa-gawa lang, at sa katunayan, pinag-tiisan lang naman talaga namin ang isa't isa.

"Earth to Miss Agustin?" Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig iyon. "Are you still with us?"

I cleared the lump on my throat, "Yes po. Sorry, sir." 

Hindi ko maiwasang mapakamot sa ulo. Bwisit talaga ang Ismael na 'to kahit kailan. Dahil sa panggugulo niya sa isip ko, na-zone out tuloy ako. Kahit kailan talaga, perwisyo.

"Anong mayro'n?" tanong ko kay Zai nang mapansin ang pag-uusap ng mga kaklase ko.

"Ia-announce na raw ni sir 'yong groupings para sa film making project natin." Napatango-tango na lang ako.

Nagsimula na si sir sa pagbanngit ng mga pangalan ng magkaka-grupo, at sa mga oras na iyon ay walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang muntik dalangin  na hindi kami magkasama ng lalaking 'yon sa iisang grupo.

"For the last group: Dela Cruz, De Castro, Gamboa, Nicolas, Espiritu, Train, Salvador, Bautista, and of course..." Napapikit na lang ako nang mariin. "Ismael, and Austin."

Kung minamalas ka nga naman talaga. 

Mas lalong sumama ang loob ko nang binalot ang silid ng hiyawan. I can't wait for this school year to end, pero kung p'wede, p'wedeng buhay ko na lang mismo. I really hate my situation.

This sucks. So much.

"May extra time pa tayo pero ibibigay ko na 'yon sa inyo to brainstrom or pag-usapan na ang gagawin ninyo pero need ko ng isang representative from each group para bumunot ng genre ng film na gagawin ninyo." Si Ismael ang lumapit kay sir habang ako, at ibang kasama sa group ay nag-proceed sa likod. 

"May digicam ako, just saying. Baka lang magamit," pangunguna ko sa usapan.

"oh, sure! 'Yong tito ko naman, may DSLR pero kung gagamitin iyon, need natin rentahan," tugon ni Gamboa.

"Oh, ano genre natin p're?" bungad ni Niel pagkarating na pagkarating ni Ismael.

"Romance," Ismael said answered in the coldest tone possible.

Malas talaga. Sa lahat ng genre, ayan pa talaga. Malas talaga ang lalaking 'to.

"It's not my fault, pina-una ni sir na pumili 'yong dalawang representatives mula sa ibang groups, romance ang natira."

Narinig o nababasa niya ba ang isip ko? Wow, a.

Halo-halo ang naging reaksiyon ng mga kagrupo namin. May mga natuwa, na-excite, at may nabanas din—ako 'yon.

Sino namang hindi mababanas?! Okay lang naman 'yong genre, kayang-kaya ko rin namag gumawa kaagadng story, hindi rin naman pabigat ang mga kagrupo ko, ang problema, ngayon pa lang mahihinuha ko na ang mangyayari—mukhang pipilitin nila kami ni Ismael na maging bida.

Sa katunayan, nakabungisngis ang bawat isa, at palipat-lipat pa ang tingin sa aming dalawa.

Pasimple akong sumulyap sa gawi niya. Kasalukuyan siyang dinadaldal ni Neil pero nakapako lang ang mga mata niya sa sahig. Ni hindi ko nga matimbang kung nakikinig ba talaga siya.

Simula ng pag-uusap namin na iyon ay naging ganito siya.

Makulit, at mapang-asar pa rin naman siya—puwera na lang kung kasama o malapit ako. Tila ba kapag malapit ako ay nawawalan siya ng enerhiya.

"May LQ kayo?" bulong sa akin ni Train. Binalingan ko siya, at ang bumulaga sa akin ay ang mga pagmumukha nila ni De Castro na may nakaguhit na nang-aasar na ngiti.

"Huh? LQ? Pinagsasabi n'yo?"

"Simula nang bumalik si Ismael, hindi na kayo nagpapansinan," tugon ni De Castro.

Oo nga pala. Sa isip nila, 'kami' pa.

Hindi pa kasi ako nakakaisip ng dahilan para sa break-up ng fake dating namin ni Ismael kaya hindi ko pa naipapalaam sa mga kaklase namin na wala nang 'kami'.

"Akala nga namin magiging sobrang clingy n'yo sa isa't isa kasi antagal nagkalayo pero kabaligtaran pala mangyayari." They both let out a chuckle.

Clingy? You could never find that word in my vocabulary.

I just rolled my eyes at them. Mga chismoso.

"Siguro bago tayo mamili ng casts, ayusin muna natin 'yong pinaka-story," suhestiyon ko. "Mula sa plot, outline, setting, and names ng characters."

"Okay sa akin!" tugon ni Abigail. "Tapos mamaya na rin natin ayusin 'yong roles—director, videographer."

"Anong gusto n'yo? Soft drinks or magtitimpla na lang ako ng juice?" sabat ni Ismael na katatapos lang magbuhat ng vases ng flower and plants.

Nasa bahay nila kami ngayon para pag-usapan ang pelikulang gagawin namin.

"Salamat pero mamaya na lang 'tol. Pahinga ka muna saka magpalit ng damit. Ambaho mo na," biro ni Neil na dahilan kung bakit siya nakatanggap ng isang malakas na batok.

"Sira!" saad ni Ismael. "Maiwan ko muna kayo, magbibihis lang ako."

Nang nagsimula siyang maglakad palayo ay pinagmasdan ko ang likod niyang sumasalamin sa pagod niya. Pawis na pawis iyon. Siguradong bukod sa pagod, init na init din siya.

Pagkarating na pagkarating kasi namin dito mula sa school ay hindi  muna siya nagpalit ng damit o nagtanggal muna ng polo dahil kaagad niyang inasikaso ang mga bulaklak nila, at inilagay sa likod ng bahay nila.

Napabuntong-hininga ako sa napagtanto.

Habang hinihintay siya ay nagbigay na kami ng kaniya-kaniyang idea na maidaragdag sa naisip kanina sa room.

Maya-maya lang ay sumunod na rin naman si Ismael.

"So, okay na sa inyong lahat 'yong plot?" tanong ko na tinanguan naman nilang lahat.

Ang napagplanuhang kwento ay tungkol sa isang babae at isang lalake na mula sa magkaibang panahon ngunit mapaglalapit ng tadhana sa pamamagitan ng telepono.

"Sa casts na tayo! Bet ko si Zadkiel para sa male lead," saad ni Gamboa. "Tapos sa female lead, si Chanielle—"

"Ayoko."

Napalunok ako nang maramdaman ang pagkatigil nilang lahat.

"Okay lang sa akin maging director, scriptwriter, editor, and videographer—kahit ako na lahat ng 'yon, huwag lang maging lead."

Nakaramdam ako ng bigat sa aking dibdib nang maramdaman ang init ng tingin sa akin ni Ismael.

Nagpatuloy sila sa pag-uusap ukol sa casts, and roles pero ako ay nanatiling tahimik dahil kahit ilang minuto na ang lumipas ay randam ko pa rin ang titig niya.

Nagpakawala ako ng isang mabigat na buntong-hininga bago napagpasiyahang tumingin sa gawi niya—and shit, he's still staring.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 28, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Codes, Films, and MirrorballsWhere stories live. Discover now