Sa mga sumunod na oras ay wala akong ibang ginawa kundi ang mag-aral. Pagka-uwi ko ay kaagad akong nagpalit ng damit saka inilabas ang mga libro, notebook, at sticky notes.
Inayos ko rin ang study desk ko; nilinis, at sinakto ko iyon sa bintana. Nagtimpla na rin ako ng mainit na gatas, at naghanda ng snacks bago nagsimulang magbasa.
Mayroon kaming summative tests next week: Math, English, MAPEH, at ESP. At sabay-sabay ang mga iyon. Ang una kong sinimulang basahin ay ang ESP subject dahil ito ang pinakamadali para sa akin.
Natigilan ako sa pagbabasa nang biglang umilaw ang phone ko, hudyat na may nag-message. Kinuha ko iyon saka kaagad binuksan.
Zadkiel Vaughn Ismael:
\[link] 15 Brain Foods For Studying, Concentration, and MemoryNag-angat ako ng tingin sa bintana. Natagpuan ko siya sa tapat din ng kaniyang bintana habang nagtitipa. Nang mapansin ako ay kaagad siyang kumaway habang abot-tainga ang ngiti.
Chanielle Austin:
TyZadkiel Vaughn Ismael:
Aga mo naman mag-review. Friday pa lang oh, Monday pa start ng hell weekZadkiel Vaughn Ismael:
Alam mo ba kanina, pauwi na sana ako kaso nakita ko si Echaves. Nandoon siya sa mismong pwesto kung saan n'yo siya naabutan. Wala siyang sinasabi o ano pero ramdam sa kaniya ang selos, at inis.Zadkiel Vaughn Ismael:
Kaya nag-stay muna ako para mas ma-convince talaga siya na tayo—na hinihintay kita o 'di kaya ay binabakuran dinChanielle Austin:
Oh, okay. Thanks!Zadkiel Vaughn Ismael:
Speaking of fake datingZadkiel Vaughn Ismael:
P'wede ba kitang i-story?Zadkiel Vaughn Ismael:
*sent a photo*Picture ko iyon habang nag-aaral katapat ng bintana. In fairness sa kaniya, at sa phone niya, maganda ang pagkakakuha niya—maganda ang angle, pasok sa rule of thirds, at hindi malabo kahit may distansiya ang mga bahay namin, at kahit mula siya sa kwarto niya nang pinicture-an niya ako.
Nakatungo ako kung kaya't hindi gaanong kita ang mukha ko pero paniguradong makikilala ako ng mga nakakakilala sa amin.
Chanielle Austin:
Okay, but please make sure na hindi makikita ng relatives ko.Sa hindi kasi malamang dahilan ay friend niya halos lahat ng kamag-anak ko. At ang mas malala, friend pa niya kahit ang ilan sa mga pinsan ko sa side ng Papa kong ibinandona ako.
What a weirdo.
Zadkiel Vaughn Ismael:
Aguy, ikinahihiya naman ako 💔💔💔Zadkiel Vaughn Ismael:
Pero sige. Don't worry, ling :>>Ling?
Umiling na lang ako, at nagpatuloy sa pagbabasa. Maya-maya pa ay naisipan kong i-check ang Facebook account niya, at naka-story na ako.
Ang background music na ginamit niya ay "Hunter Moon" by Kate Rusby.
Buti naman disenteng kanta ang ginamit niya.
Sumimsim ako sa katabing gatas saka muling nagpatuloy sa pag-aaral.
Nang matapos ang timer ko na thirty minutes ay kinuha kong muli ang phone ko para mag-scroll sandali. Kumunot ang noo ko nang may notification ako kung saan minention ako ni Ma'am Becca sa group chat namin sa AP.
![](https://img.wattpad.com/cover/351949602-288-k535490.jpg)
YOU ARE READING
Codes, Films, and Mirrorballs
Teen FictionChanielle Austin has always been considered to be the perfect definition of the word 'study machine' for her only focus is on academics and her dreams especially now in tenth grade, as she's running after the valedictorian title. But in a twist of f...