Trigger Warning
"P'wede kang ma-suspend at p'wede rin naming tanggalin ang cash assistance mo monthly."
With that statement, my Mom's hard work flashed through my eyes.
Lahat ng inda, reklamo, at kwento niya tungkol sa pagtatrabaho niya ay parang sirang plaka na paulit-ulit nag-pe-play sa utak ko. Sumikip ang dibdib ko habang iniisip kung anong mararamdaman, at magiging reaksyon niya kung magkatotoo man ang sinabi ni Ma'am Che.
And suddenly, I'm twelve years old again. Sitting in the corner of my room, hugging my knees and trying my best to stop crying.
"Sabi ni Mommy, sa Westview High daw ako mag-ha-high school, e. Ikaw? Doon ka rin ba? Kasi sa pagkakaalala ko, dream school mo 'yon, e," saad ni Caleb mula sa kabilang linya. Nasundan iyon ng tunog ng nginunguyang chips.
"A, oo. Dream school ko 'yon pero hindi pa ako... sure kung doon ako mag-aaral." Tipid akong tumawa para hindi siya makaramdam ng kahit anong bahid ng dismaya o lungkot sa tono ko.
"Ah okay! Pero sana roon ka rin para schoolmates o kaya classmates tayo! Nakabili—"
"Putangina, Mara! Hindi ko anak 'yan!"
"Cha? May sumisigaw ba—"
"'Yong kapitbahay lang 'yon, Caleb. Mamaya na lang ulit, bye!" Sa sobrang kahihiyan, kahit hindi pa siya nakakatugon ay binabaan ko na siya ng telepono.
"Lito! P'wede bang hinaan mo 'yang boses mo? Nakakahiya kay Cha saka sa mga kapitbahay!"
"Aba dapat lang mahiya 'yang palamunin mong anak!" May makapal na pader ang namamagitan sa aming tatlo ngunit sapat ang lakas ng boses niya para tumagos iyon sa puso ko. "Tangina, ang mahal-mahal ng tuition niyang batang 'yan! Hindi ba p'wedeng mag-public na lang?!"
"D-Dream school niya kasi 'yon. Simula bata pa lang siya, pangarap na niyang makapasok sa school na 'yon—"
"Kung gusto pala niya bakit hindi siya ang magtrabaho? Bakit ako?!"
Kahit nanlalabo na ang paningin ko buhat ng nagbabadyang luha, sinikap kong magtungo sa sulok ng aking kwarto. I hugged my knees while the echoes of their shouts continues to fill the air.
Hindi nakatulong sa pagpapagaan ng loob ko na ang tanging liwanag sa aking silid ay ang liwanag na nagmumula sa sala na lumulusot sa pagitan ng pinto at ng sahig.
"Onse años, pagtatrabahuhin mo, ha? Lito? Seryoso ka ba?!"
Mariin akong napapikit nang marinig ang palitan nila ng magkakasunod na mura.
"At isa pa, hindi ka ba nagsasawa na sa buong tatlong taon na pagsasama natin, ni hindi ka man lang nakapagisip na magtrabaho o magkaroon man lang ng pinagkakakitaan?! Kung gusto mo lang na laging tumambay? Sige, pagbibigyan kita.
Ako na ang gagawa ng lahat ng gawaing bahay, kahit humilata ka lang palagi, wala kang maririnig na kahit mula sa akin pero parang awa mo na... magtrabaho ka naman kahit limang buwan lang. Next year na ang promotion ko, mas malaki na ang sasahurin ko. Tulungan mo lang akong mairaos ang pag-aaral ng anak natin sa taong 'to—"
"Natin?! E, puta, anak mo sa una mo 'yan! Hindi ko anak 'yan! Bakit ako magtatrabaho para sa pagkakamaling 'yan?"
"Lito!" Mas lumakas ang pagbagsak ng mga luha ko sa muling pagsigaw ni Mommy.
"Totoo naman, a. Hindi ko anak 'yan—bunga 'yan ng pagtitiwala mo sa maling lalaki! Saka, bakit ako magpapagod para sa batang 'yan e ang sama-sama ng ugali niyan? Puro aral lang ang alam sa buhay—"
"Kung makapagsalita ka sa anak ko, akala mo ni minsan, hindi ka napalamon ng cash prizes ng quiz bees na sinalihan niya!"
Tumigil ang ingay sa paligid ngunit imbes na matanggalang ng tinik sa lalamunan, mas nagsitaasan lang ang balahibo ko.
YOU ARE READING
Codes, Films, and Mirrorballs
Teen FictionChanielle Austin has always been considered to be the perfect definition of the word 'study machine' for her only focus is on academics and her dreams especially now in tenth grade, as she's running after the valedictorian title. But in a twist of f...