CHAPTER 4

795 39 0
                                    

"So confirm, may ibang bata nga ang nakatira pa sa bahay na'to." Sabi ko.

Hindi ko nalang sinabi sa mga anak ko ang kababalaghang naranasan ko at agad na akong nagpunta sa kusina, pagkarating ko dun ay aakmang hihiwain ko yung manok pero nagulat nalang ako nang tumambad na sa harap ko ang manok na tapos nang hiwain.

Sa pagkakaalaam ko ay hindi ko pa ito naumpisahan.

Hindi ko nalang ininda at nagpatuloy nalang ako sa pag luluto dahil mamaya ay dadating na si james.

*MARISA's POV*

Habang nanonood kami ng palabas ay hindi ako maka move on sa nangyare kanina, paano kayang nangyareng bigla nalang lumutang si mama sa ere? Tsaka yung pinto ay bigla nalang nagsara, parang haunted house na'tong nabili naming bahay.

At kung usapang multo, kanina lang din ay may senermonan si mama na mga bata sa kusina. Ang sabi niya si andrea at kael daw yun pero malabo naman, dahil nasa labas kaming tatlo.

Napakadami kong iniisip, pero hindi ko manlang mahanapan ng sagot.

Hindi ko nalang muna pag tuonan ng pansin yun at mag fofocus na sana ako sa panonood nang biglang may isang kamay ang dumapo sa balikat ko.

Sa sobrang gulat ko ay bigla akong napatalon sa sofa.

"AAHH!!.." Sigaw ko.

Agad akong tumingin sa gilid at dito ko nakita si andrea na nakahawak sa balikat ko.

"Hoy!.. okay kalang?" Tanong ni andrea.

Napahinga ako ng maluwag, kamay lang pala ni Andrea.

"Hays, nakakagulat ka naman." Sabi ko.

Tumingin siya sakin ng may pagtataka.

"Okay kalang? Ang dami mong iniisip." Sabi niya.

Ngumiti lang ako, ayokong sabihin sa kanila ang mga kababalaghang nangyare, baka matakot pa sila.

"Oo andrea, pagod lang ako." Sabi ko.

Nagpatuloy na kami sa panonood ng palabas, habang nanonood kami ay napansin ko si mama na naglalakad galing sa kusina papunta sa pinto na ipinagtataka ko.

"Ma!?" Sabi ko ngunit hindi niya ako sinagot.

Nakita kong hindi napansin nila andrea si mama kaya agad akong tumayo at sinundan si mama, nang makalapit na ako ay tsaka ko siya tinanong.

"Ma? San ka pupunta?" Tanong ko.

Hindi niya ako sinagot at lumabas siya ng bahay.

"Hoy ma! San ka pupunta!?" Dagdag ko pa.

Hindi talaga niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa paglalakad kaya hinawakan ko ang balikat niya tsaka ako nag salita pa.

"Huminto ka ma! Saan ka ba kasi pupu-..."

Bigla akong natigilan nang tumingin siya sakin, dahil nakita ko ang mukha niyang ubod ng putla at may dug0ng nag silabasan sa bibig sabay sabing...

"Isasama ko kayong lahat sa impyerno!!.." Sigaw niya.

Agad akong napaatras at bigla ko siyang nabitawan.

"AAAHHH!!.." sigaw ko sabay takbo papasok, pero hindi pa ako nakalapit sa pintuan ay bigla nalang itong nagsara.

Tumingin ako ulit sa kanya at unti unting nag iiba ang mukha niya.

"I WILL DELIVER YOU TO EVIL!!.." sabi niya habang natatawa tsaka nagsilabasan yung mga dug0 sa tuwing nag nagsasalita siya.

Nanginginig ako habang hindi makagalaw sa takot tsaka ako sumagot.

"No!!.. Please No!!.. MY GOD JESUS CHRIST WILL DELIVER ME FROM EVIL!!..." sigaw ko habang may tumutulo na luha sa mga mata ko.

Tinawanan lang niya ako at nagsalita.

"WALANG PANGINOON SA LOOB NG BAHAY!!.." ika pa niya at nagsalita pa.

"I WILL DELIVER YOU TO EVIL!!... HAHAHAHA!!.." Dagdag pa niya.

Wala akong masabi, napaupo ako sa harap ng pintuan habang umiiyak dahil sobrang nakakatakot ang mukha niya. Tinakpan ko nalang ang teynga ko dahil ayokong marinig siyang tumatawa tsaka ko pinikit ang mga mata ko.

Ramdam na ramdam ko ang takot tsaka biglang gumalaw galaw yung pintuan sa likod ko. Wala na akong ibang magawa kundi ang mag dasal.

"PLEASE LORD!!... DELIVER US FROM EVIL!!..." Sabi ko at nag salita pa.

"DELIVER US FROM EVIL!!..."

"DELIVER US FROM EVIL!!..."

"DELIVER US FRO-..."

Napatigil ako sa pag dadasal dahil may narinig akong boses sa loob ng bahay.

"MARISA!!.. UMALIS KA SA HARAP NG PINTUAN PARA MABUKSAN NAMIN!!.." boses ni andrea habang ginalaw galaw niya ang pinto para mapansin ko siya.

Agad akong napamulat at dali daling tumayo, nabuksan nga nila ang pinto tsaka ako niyakap ni andrea.

"Hoy! Anong nangyare sayo!." Sabi niya habang niyayakap ako.

Nakita ko si kael na nakatayo sa harap ng pintuan na nagtataka.

"W-wala huhuhu... P-pagod lang a-ako..." Nauutal kong sabi habang naiiyak.

"Sigurado ka? Para kang nakakita ng multo sa hitsura mo." Ika pa niya.

Hindi ko sinagot si andrea at dito nga papasok na sana kami sa loob ng bahay nang biglang umuwi na si papa.

"O Marisa? Bakit ka umiiyak?" Tanong niya.

Doon ay tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang nagtataka.

"W-wala pa, n-nagugutom lang ako." Sabi ko dahil dumilim na.

"Ganun ba, tamang tama nagugutom na rin ako. Tara na sa loob, im sure na tapos nang magluto si mama ninyo." Ika pa ni papa at dito nga pumasok na kaming apat sa loob.

Pagkapasok namin ay saktong naglakad si mama papuntang sala.

"O nanjan kana pala hon." Sabi ni mama sabay lapit kay papa at hinalikan sa pesnge.

"Oo hon, itong mga anak mo di mo manlang tinawag para pumasok. Madilim na sa labas." Ika pa ni papa.

Ngumiti lang si mama at inimbitahan niya kaming pumunta sa kusina dahil kakaluto lang daw ng adobo.

Agad kaming nag punta sa kusina at dito nga ay masayang umupo sila kael sa upuan, tsaka napansin ni mama na umiiyak ako. Pero parang alam na niya kung ano ang dahilan, hindi lang niya masabi sa ngayon dahil ayaw niyang masayang ang perang pinaghirapan ni papa sa ibang bansa mabili lang tong bahay na'to.

Masaya kaming kumakain at nag kwentuhan hanggang sa lumipas ang 30 minuto at natapos na kami sa hapag-kainan.

Agad na nagpunta si andrea at kael sa sala dahil manonood ng tv, si mama ay nagpunta sa lababo at ako naman ay naglinis ng pinagkainan namin.

Napakasaya namin nang biglang may kumatok sa pintuan.

"Ako na ma." Nakangiti kong sabi.

Tumango naman si mama kaya nakangiti akong naglakad sa pintuan, at nang makarating na ako ay agad ko namang binuksan at pagtingin ko sa kumakatok ay agad akong nabigla at nagsimulang kinabahan.

Dahil nakita ko si papa na nakatayo sa harap ng pintuan.

To Be Continue...

SenyoritongAnel

Author's Note:
Dont forget to vote before you leave.
And please FOLLOW me.

Thanks for reading!

DELIVER US FROM EVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon