CHAPTER 20

1.4K 58 12
                                    

Habang nakatayo kami sa sala ay aakmang ituturo ko sana ang sofa kung saan ako pinaglaruan ni irik, pero hindi ko pa naitaas ang kamay ko ay bigla nalang may isang batang tumatawa sa ilalim ng sofa.

Dahil dun ay agad kaming nagulat.

Dahan dahang nilapitan ni randolf ang sofa at tiningnan niya ang nasa illaim, pero pag tingin niya ay wala naman daw siyang nakitang bata doon.

"Kung ganun, sino yung natawa?" Sabi ni jennifer.

"Malamang si irik yun." Sabi ko.

Napahawak nalang sa noo si Jennifer.

"Grabe naman, kakapasok lang natin. Nag mumulto na agad sya." Sabi ni randolf.

Tumingin tingin sa paligid si Jennifer dahil may third eye siya, pero wala siyang nakikitang kakaiba.

"I wonder kung kailan ulit magpaparamdam yung bata." Ika pa ni Jennifer at chineck ang mga posibleng pagtataguan.

*RANDOLF's POV*

Habang nag hihintay kaming magpaparamdam ulit yung batang multo ay napansin kong may isa pa silang pinto sa gilid, kaya nilapitan ko at pinakiramdaman.

Wala namang kakaiba kaya agad kong binuksan at dito ko nakita ang isa pang daan pababa.

"I see, may basement pa pala sila." Sabi ko.

Tiningnan ko sila rosa at Jennifer pero parang busy yata sila sa pag uusap kaya hinayaan ko nalang at hindi na ako magpaalam na bababa ako sa basement.

Dali dali akong bumaba para malaman ko rin kung ano ang nandoon, habang nasa hagdan ako ay agad kong binuksan ang ilaw at dito nga ay nakita ko ang hagdan na napakaluma at may mga sapot ng gagamba sa mga gilid gilid.

Nang makababa na ako ay dito ko nakita ang mga lumang kagamitan, kung hindi ako nag kakamali ay mga nasa 1985 to 1999 pa ito nauso.

Nag lakad lakad ako sa baba hanggang sa bigla kong nasipa ang paahan ng lamesa at may nahulog na picture frame.

Agad ko itong kinuha at nang tiningnan ko ang litrato ay dito na ako nabigla, dahil nakita ko si romel at maria tsaka ang tatlo nilang anak.

Meron ding nakasulat kung kailan ito kinuhan ng picture at ang nakalagay ay july 05 2015.

"4 years lang pala bago sila pinat4y." Sabi ko sa isip.

Agad kong binalik ang picture sa lamesa at nagpunta sa isang Antique na salamin na kasing laki ng 5'5 na tao.

Napakaluma niya tingnan at nakakabilib, gawa siya sa kahoy na may nakaukit na mga bulalak.

Napamangha ako sa mga gamit nila sa basement, aakmang aalis na sana ako nang biglang may nakita akong isang batang nakaputi na nag reflect sa salamin na tumakbo sa likod ko kaya agad akong napalingon.

"Sino yan?" Sabi ko.

Walang sumagot sakin, tsaka alam kong multo yun dahil imposible namang mga anak ni rosa yun e'nasa school silang lahat.

Dahan dahan akong lumingon ulit sa salamin at tiningnan ko ang likod ko.

At dito nga ay nagulat nalang ako nang biglang may lumutang na batang lalaki sa ere at natatawa siyang nakatingin sakin.

Dahil dun ay bigla akong kinabahan, dahan dahan akong tumingin sa likod pero wala namang tao, kaya binalik ko nanaman ulit ang tingin ko sa salamin. Pero nakita ko siyang nakatingin parin sakin habang nakangiti.

Halos hindi ako makagalaw, dahil nakikita ko siya sa salamin pero hindi ko siya nakikita pag lilingon ako sa likod.

Dahan dahan siyang nag lumutang papunta sa pader at tumagos.

Nang nawala na siya ay agad akong tumakbo at nang makalapit na ako sa hagdan ay agad biglang nahulog yung picture sa lamesa kaya napahinto ako.

Tiningnan ko yung litrato sa sahig at dito nga ay nakita ko si irik na natatawang pinulot ang picture frame tsaka siya tumingin sakin at may tinuro sa likod ko.

Dahan dahan akong lumingon sa likod at paglingon ko ay biglang may isang kahoy ang lumutang sa ere at nahampas sa mukha ko.

Sa sobrang lakas ng pagkahampas ay agad akong napaatras at naupo, tumingin ako ulit sa itaas at dito nga ay nagiging blurd na yung paningin ko.

Kasabay nun ay napansin ko nalang na may dug0 ang lumabas sa ilong ko at kalaunan ay nawalan ako ng malay.

*MILAGROSA's POV*

Habang nag uusap kami ni Jennifer ay bigla nalang may kumalabog sa basement na ipinagtaka naming dalawa.

"Ano yun!?" Gulat na sabi ni Jennifer.

Umiling ako at nagsalita.

"Iwan." Sabi ko.

Agad na tumingin si Jennifer sa paligid at napansin niyang wala si randolf.

"Si randolf kaya yun?" Tanong niya.

"Iwan, di ko kasi siya nakita na bumaba sa basement." Sagot ko.

Tumingin sakin sa mga mata si Jennifer at agad na tumayo, naintindihan ko ang gusto niyang ipahiwatig.

Gusto niyang puntahan namin si randolf doon sa basement.

Dali dali kaming nagpunta at bumaba, pagkababa namin ay nakita namin si randolf na nakahiga at wala nang malay.

Kaya binuhat namin ni Jennifer si randolf at inakyat sa taas, pinahiga namin sa sofa at hinintay kung kailan magigising.

"Ano ba kasi ang pumasok sa isip niya at nagpunta siya don." Sabi ko.

Hindi sumagot si Jennifer at napansin kong kinabahan siya tsaka ako nagsalita pa ulit.

"Bago nagparamdam samin si maria at ang mga anak niya ay bumaba muna ako sa basement para tingnan yung mga naiwang gamit nung huling tumira dito sa bahay. Pero pagkalabas ko ay doon na nagsimulang may nagpaparamdam samin." Dagdag ko pa.

Agad namang tumingin sakin si Jennifer.

"Ibig mo bang sabihin sa basement nagsimula ang lahat?" Ika pa niya.

"Iwan, di ko alam." Sagot ko.

Pero parang ganun na rin, dahil simula noong pumasok ako sa basement na'yun ay bigla nalang may mga batang nagpaparamdam sakin habang nag luluto ako.

Hindi na sinagot ni Jennifer ang sinabi ko at dito nga ay hinintay namin na magising si randolf.

Mga 46 minutes ang lumipas bago pa siya magising, kaya nang magising na siya ay agad naming tinanong kung ano ang nangyare, at nung sumagot siya ay doon na ako nagulat.

Huminga siya ng malalim at nag salita.

"Nakita ko doon si irik, at parang kakaiba ang paraan nya sa pagpapakita dahil parang pinaglaruan muna niya ako bago niya ako takutin. At nang matakot na ako ay tsaka na may lumipad na kahoy at nahampas ito sa mukha ko." Pag paliwanag pa niya.

So confirm nga, bago niya kami saktan ay paglalaruan muna niya kami. Hindi kagaya kay maria na pag nagpapakita siya ay agad niya kaming papat4yin.

To be continue...

SenyoritongAnel

Author's Note:
Dont forget to vote before you leave.
And please FOLLOW me.

Thanks for reading!

DELIVER US FROM EVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon