CHAPTER 37

915 58 3
                                    

Habang nakatingin kami sa kanila ay dito ko napansin si jessa na nakatingin rin sa dalawang multo na naglalaban sa ere, kaya tinitigan ko si jessa at napansin kong umiiyak siya habang pinanood ang kanyang ina na nakikipag laban sa ere.

Dahil dun ay tiningnan ko sila randolf at hindi nila napansin si jessa, napansin ko rin ang angel blade na hawak hawak ni randolf.

Dahil dun ay agad akong nagulat, kailan kaya yun nahulog sa beywang ko?

Hindi ko nalang yun ininda at nakatayo lang kami sa gilid at naghihintay kung kailan matatapos ang labanan nila para mahinto na ang hangin.

Pero sa hindi inaasahan ay biglang lumutang si irik sa harap nilang dalawa na may dalang patalim at sinaksak si anna.

Dahil dun ay biglang lumaki ang mga mata ko, at dahil nasugatan si anna ay medyo nawala ang atensyon niya kay maria at tumingin sa sumaks4k sa kanya. At dito nga ay nakita niya si irik na umiiyak at nagsasalita.

"BITAWAN MO SI MAMA!!.. HUHUHUHU!!.." Sabi niya at sinaks4k nanaman si anna.

"BINATAWAN MO SI MAMA!!.." dagdag pa ni irik at sinaks4k pa si anna.

"BINATAWAN MO!! (sabay saks4k) BINATAWAN MO!! BINATAWAN MO!! BITAWAN MO!!.. (sabay sa4ks4k) BITAWAN MOOO!!..." sigaw pa niya.

Dahil dun ay agad na nanghina si anna,  kaya kinuha ni maria ang pagkakataon na yun para umangat sa palakasan.

Agad niyang sinampal ang kamay ni anna dahilan para mabitawan ni anna si maria sa pagkakahawak sa leeg, at dito nga ay tinaas ni maria ang ulo sa ere at nag aagaw buhay si anna.

Agad namang naglaho si irik, tsaka si anna naman ay nanghihina na.

Tumingin ako kay randolf at nagdadalawang isip siyang sugatan ulit ang sugat niya, i mean parang nagdadalawang isip siya na palakihin yung sugat niya sa braso para makakuha ng dug0.

At dito nga ay naalala ko na kung bakit napunta kay randolf ang angel blade, dahil kinuha pala niya yun sakin para gumawa ng demon trap para ikulong si anna at kausapin.

Dahil dun ay kinuha ko ang angel blade at nagsalita.

"Sabihin mo sakin kung ano ang gagawin!!.. ako na ang gaga-..."

Naputol ang pagsasalita ko nang biglang kinuha pabalik ni randolf ang angel blade.

"Di ito gagana sayo! Wala kang gifted blood ng kagaya samin ni justine.." Sabi niya.

Bigla akong natahimik, kailangan papala ng ganun para gumana ang blade na yun.

Tiningnan ko nalang sila maria at dito nga ay biglang sumigaw si maria na natatawa.

"HAHAHA!!.. MAMAALAM KANA ANNA, WALANG NAG BAGO. KUNG SINO YUNG PÚMAT4Y SAYO SA BUHAY KAPA AY SYANG PAPAT4Y ULIT SAYO NGAYONG PAT4Y KANAA!!..." sigaw niya.

Dito nga ay tinaas niya ang kabilang kamay niya at lahat ng mga matutulis na bagay ay biglang nagsiliparan papunta kay anna.

At dahil dito ay tumaob yun lahat sa katawan ni anna at bigla siyang nawalan ng lakas tsaka unti unting nag lalaho na parang maitim na usok.

"B-BWESIT... K-KA..." nauutal na sabi ni anna at kasabay nun ay tuluyan na siyang naglaho sa pamamagitan ng maitim na mga usok.

"HAHAHA!!.. DI MO AKO KAYA ANNA!!.. HAHAHA!!..." Sigaw ni maria at dito nga ay biglang nawala ang mga hangin at biglang nagsibagsakan ang mga gamit.

Kasabay un ay biglang naglaho si maria.

Tumingin ako kay jessa at nakatitig siya sakin habang umiiling at kalaunan ay naglaho.

Agad na nibuksan si jennifer ang pinto at tumakbo kaming apat palabas, tsaka kami lumabas ng bahay.

Paglabas namin ay dumiretso sila jennifer sa van at tiningnan si justine.

Napahinga sila ng maluwag nang makita nilang mahimbing ang tulog ni justine.

Tsaka ko tiningnan ang oras sa relo at 12:05AM na, ilang oras nalang ay mag uumaga na.

Agad kaming napaupo at nagpahinga, tsaka lumapit sakin si jennifer at nilinisan niya ang kagat ni maria at sugat ko sa balikat.

"Kailan ba'to matatapos." Sabi ni rosa at nalulungkot habang nakatingin sakin na ginamot.

Ngumiti lang si Jennifer at sumagot.

"Wag kang mawalan ng pag asa rosa, dahil dalawang araw palang. Kadalasan nga sa mga ganitong pangyayare ay matatagalan kami ng 5 to 6 days bago malutas namin ang lahat." Sabi niya at nagsalita pa.

"Pero dahil 24hours tayong nagtatrabaho ay nararamdaman kong malapit na nating malutas ang kababalaghang to." Sabi niya at nagpatuloy sa pag gamot ng sugat ko.

Hindi na sumagot si rosa at ilang minutong pagpapahinga ay natapos nang gamutin ni jennifer ang sugat ko.

Tumingin ako kay randolf at nakaupo lang siya habang nag hihintay kung kailan kami matatapos.

Nang napansin niyang tapos na si jennifer ay agad siyang tumayo at nagpunta sa likod ng van, may kinuha siyang apat na holywater at nilagay niya sa bulsa. Dalawa sa harap at dalawa sa likod tsaka yung angel blade ay nakalagay lang sa beywang niya.

Ilang minutong paghahanda at pagpapahinga ay napagdisisyonan na naming bumalik sa loob para matapos na agad tong problemang to.

Habang nag lalalad kami papasok ay tiningnan ko ang oras at saktong12:36AM na.

Nang nakarating na kami sa harap ng pinto ay  dito palang, parang nakaramdam na ako ng takot.

Agad na binuksan ni randolf ang pintuan at agad kaming pumasok sa loob, pag pasok namin ay ramdam na ramdam ko ang masamang hangin.

Doon kami nagpunta sa basement dahil feeling namin doon lang tinago ang papelist ng kompanya, tsaka marami ding lumang gamit doon.

Nang makarating na kami sa pintuan pababa ng basement ay naramdaman ko ang init ng simoy ng hangin.

Aakmang magsasalita sana ako pero biglang may tumakbo sa ibaba na ipinagtaka nila.

Agad silang napahinto dahil sa gulat.

Pero wala na itong atrasan kaya ilang segundo lang ay kumilos na si randolf at bumaba, kaya sumunod kami sa kanya.

Pagkababa namin ay agad na napansin ni jennifer na parang nag iiba ang pagkakalagay ng mga lumang gamit.

Kahit ako ay naninibago, dahil yung lamesa na nasagilid at may family picture ay nasa gitna na. Pero yung mga lumang gamit na nasa gilid-gilid lang ay nasa pinakatuktok na ito nakalagay.

Tumingin sakin si randolf at dito nga ay lumapit siya sa lamesa, pagkalapit niya ay aakmang hahawakan niya ang lamesa nang biglang may tumakbo nanaman sa likuran namin.

Agad akong napalingon pero pag lingon ko ay wala namang tao o kaya multo.

To be continue...

SenyoritongAnel

Author's Note:
Dont forget to vote before you leave.
And please FOLLOW me.

Thanks for reading!

DELIVER US FROM EVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon