CHAPTER 21

1.3K 50 10
                                    

So confirm nga, bago pa niya kami saktan ay paglalaruan muna niya kami. Hindi kagaya kay maria na kapag nagpapakita siya samin ay agad niya kaming papat4yin.

"Well, as expected. Bata kasi ehh kaya malamang mahilig yun makipag laro." Sabi ko.

Tumango naman si Jennifer, pagkatapos namin mag usap ay agad na kaming tumayo.

Pupunta kami sa loob ng basement at basbasan daw nila yun ng holy water ang mga lumang gamit para hindi raw tirhan o lapitan ng mga kaluluwang hindi matatahimik.

Pagkarating namin sa ibaba ay dito na ako nagsimulang mangamba, dahil ito nanaman kami sa pag go-ghost hunting.

Tiningnan ko ang paligid at napansin kong nasa sahig ang picture frame.

Tiningnan ko rin si Jennifer at naghihintay lang siya kay randolf na makahanap ng tamang verse para gamitin habang mag basbas kami sa mga lumang gamit.

Nang makahanap na siya ay agad niyang kinuha ang holy water ni Jennifer at nauna siya ng kunti samin.

"Sa ngalan ng ama... Ng sa anak... Ng sa ispiritu santo..." Ika pa niya at nag sign of the cross.

"Amen." Sabi namin ni Jennifer.

Naglakad siya papunta sa pader at binasbasan niya ng holy water.

"Panginoon, kami ay humingi nanaman ng iyong gabay..." Sabi niya sabay hagis ng holy water sa pader.

"Na sana'y gabayan ang bahay na ito ng iyong mga archangel na sina Michael, Gabriel, Uriel, at Raphael." Dagdag pa niya sabay punta sa mga lumang gamit at binasbasan ng holy water.

"Ilayo po ninyo ang pamilya ni milagrosa sa mga masasamang kaluluwa." sabay lakad at binasbasan ang mga Antique na gamit.

"At sa mga iba pang kasamaan na hindi namin nakikita." Pagsasalita pa niya at naglakad papunta sa Antique na salamin.

"Ang tanahan na ito ay talagang importante para sa pamilya ni milagrosa, (sabay basbas sa salamin.) Kaya sana'y mamumuhay sila ng matiwasay at mapayapa magpasang walang hanggang-.."

Naputol ang pag sasalita ni randolf nang biglang umusok ang kahoy sa salamin.

Dahil dun ay agad akong nagulat.

"Anong ibig sabihin nyan?" tanong ko.

Tumingin sakin si randolf at sumagot.

"I-iwan... Di ko alam." Sagot niya.

Nag tinginan lang silang dalawa at nagsalita si jen.

"First time lang nangyare yan tuwing may binasbasan si randolf." Ika pa niya.

Binasbasan pa ni randolf ang kahoy sa Antique na salamin at dito nga ay umusok nanaman.

"Sabi na ehh... Parang may mali sa salamin na ito." Sabi niya.

Agad akong naguluhan.

"At bakit naman?" Tanong ko.

Huminga ng malalim si randolf at sumagot.

"Bago pa ako mawalan ng malay kanina ay tumingin ako sa Antique na salamin na ito, at nagulat nalang ako nang makita ang reflection ni irik sa likod ko gamit ang salamin."

"Kaya agad akong tumingin sa likod pero wala naman akong nakikita, pero noong tumingin ako ulit sa salamin ay nakita ko parin si irik, dahil dun ay tumakbo ako sa takot."

"Pero hindi pa ako naka apak sa hagdan ay doon na siya nagpakita sakin at  bigla nalang may isang kahoy ang lumutang sa ere at nahampas sa mukha ko dahilan ng pagkawalan ko ng malay." Pag kikwento pa niya.

"So, sinasabi mong haunted ang salamin na ito?" Tanong ko.

Tumango lang si randolf at dito nga ay binasbasan nanaman ni randolf ng holy water ang kahoy sa salamin at umusok ng umusok lang ito.

Hanggang sa naubos na ang holy water kaya napag pasyahan na naming kunin yung antique at ilabas sa bahay.

Nang nailabas na ay agad na naming nilagay sa gilid ng pintuan dahil may ibang paranormal expert daw ang nangungulikta ng mga haunted na gamit.

Pumasok kami ulit sa bahay at nag hintay kung kailan magpaparamdam ulit yung batang kaluluwa, pero habang nag hihintay muna kami ay may kaibigang tinawagan si randolf para kunin ang antique na salamin.

Lumipas ang ilang minuto at nag 4pm na ng hapon tsaka ko lang napansin na may isang truck ang papalapit sa bahay.

"Yun na siguro ang kaibigan mo." Sabi ko.

Agad na lumabas si randolf para salubungin ang kaibigan niya, nag usap sila ng kunti tsaka lumapit sa pinto at dito nga ay tiningnan niya ang salamin.

"Mukhang interesting tong Antique na'to ahh.. magkano ang benta ninyo?" Sabi niya sabay tingin sakin.

Di ko alam kung ano ang gagawin ko, hindi naman yan sa'amin.

"K-kunin mo nalang, hindi kasi ako ang may ari nyan, kaya sayo na." Sabi ko.

Ngumiti siya at nagpakillala.

"By the way, ako si justine." Sabi niya.

Nagpakilala ako at inaya ko siyang pumasok sa pamamahay ko pero tumanggi na sya, tanging yung salamin lang daw ang pakay niya dito sa bahay at pagkatapos nun ay agad na siyang umalis.

Hinayaan nalang ni randolf si justine at agad na kaming pumasok sa loob, nag antay kami kung kailan nanaman muling mag paparamdam ang bata ngunit lumipas na ang isang oras pero wala paring irik ang nagpapakita.

Hanggang sa dumating na rin sila marisa at dalawa kong anak, masaya silang pumasok sa bahay at nag punta sa kani-kanilang mga kwarto.

*ANDREA's POV*

(FASHBACK 5 MINUTES BAGO MAKARATING SA BAHAY NILA)

Habang nasa bus kami nila andrea at kael ay may tinanong sakin si andrea.

"Mari, sa tingin mo ba nawawala na talaga ang mga multo sa bahay?" Tanong niya sakin.

Tumango ako at sumagot.

"Siguro wala na, dahil sa dalawang tinawagan ni mama." Sagot ko.

"Ganun ba..." Kunti niyang sabi at tumingin tingin sa labas.

Tumingin tingin rin ako sa labas dahil napakaganda talaga tingnan ng mga paligid.

Habang nakatingin ako sa labas ay biglang may narinig akong boses ng bata na ipinagtataka ko.

"Psstt.... Pssttt..." Sabi niya.

Agad akong tumingin sa paligid, ngunit ang nakikita ko lang na mga tao sa loob ng bus ay mga batang pagod sa klase.

Hindi ko nalang ininda yun at tumingin ako ulit sa bintana ng bus, pero parang may sumutsit talaga sakin.

Tumingin nanaman ako sa paligid ngunit wala namang tumatawag sakin.

"Ang wierd." Sabi ko sa isip.

Tumingin ako ulit sa bintana at dito nga ay may sumitsit nanaman, medyo nairita na ako dahil parang may isang batang pinagtripan ako.

Kaya agad akong tumayo at tumingin tingin sa paligid, pero puro mga batang pagod lang ang nakikita kong nakaupo.

Tumingin ako sa driver seat at nakita ko si manong na masayang nag da-drive.

Aakmang uupo na sana ako pabalik pero bigla kong napansin yung isang batang nakaupo sa tabi niya.

Hindi ito nakasout ng school uniform at parang naka-daster lang ito na kulay puti.

Hindi ko makita ang buo niyang mukha dahil nakatalikod siya.

Hindi ko na sana iindahin yun at aakmang uupo na sana ako nang biglang lumingon siya sakin at nakita ko ang mukha niyang may mga maliliit na sunog sa pesnge. Natatawa siyang tinitigan ako habang may mga dugo ang nag silabasan sa bibig niya.

To be continue...

SenyoritongAnel

Author's Note:
Dont forget to vote before you leave.
And please FOLLOW me.

Thanks for reading!

DELIVER US FROM EVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon