Nang lumutang na sa ere si jennifer ay tumingin siya sakin at dito nga ay sumuka siya ng napakaraming dug0 at tumama yun lahat sa mukha ko.
"Aaahhh!!." sigaw ko sabay hawak sa mukha dahil ang init, tsaka ang lapot pa.
"HAHAHAHA!!.." natatawa niyang responde.
Agad akong naglakad sa gilid at kinuha ko ang puting tela na nakabalot pa sa ibang lumang Antique na gamit, tsaka ko ito ginawang panlinis sa mukha ko.
"HAHAHAHA!!.... HAHAHAHA!!..." Pang aasar na tawa ni jennifer at napansin kong nawala na yung usok sa katawan niya.
Dahil dun ay dahan dahang lumapit sakin yung lalaki at si randolf.
"Okay kalang!?" Tanong nung lalaki.
Tumango lang ako at dito nga ay humarap samin si jennifer at nagsalita.
"HAHAHAHA!!... I WILL DELIVER YOU ALL TO EVIL!!..." Sigaw niya at natawa.
Agad na kinuha ni randolf ang iba pang mga holy water sa sahig at sinubukan niyang basbasan si jennifer.
"KYAAHH!!... UMALIS KA SA KATAWAN NG BABAENG YAN!!.." sigaw ni randolf sabay basbas ng holy water sa katawan ni jennifer at dito nga ay umusok siya.
"AAAHH!!.." sigaw ni jennifer at tumingin siya ng nakakatakot.
Hindi nagpadala sa takot si randolf at humarap siya kay jennifer at nag banggit ng mga kataga.
"IN THE OF JESUS CHRIST!!.." sabi niya at tinapunan ng holy water si jennifer.
"AAAHH!!.." sigaw ni jennifer at dito nga ay bigla nanamang humangin ng malakas.
"WE ARE ASKING FOR YOUR HELP OUR GOD IN HEAVEN!!..." Sabi niya at nagsalita pa.
"BY PURIFYING THE EVIL SOUL THAT HAD ENTERED INTO JENNIFER'S BODY!!..." Dagdag pa ni randolf at binasbasan nanaman niya ng holy water si jennifer.
Dahil dun ay agad na bumagsak ang katawan ni jennifer sa sahig at dito nga ay galit na galit siyang tumingin kay randolf.
Aakmang susugurin niya kami pero binuhusan siya ni randolf ng holy water, dahilan para mapatigil siya sa kakaataki.
"AAAHHH!!... PAPAT4YIN KO LAYONG LAHAT!!.." sigaw pa ni jennifer.
Pero hindi nagpadala si randolf at nakafucos lang siya sa kaka exorcist.
"IN THE NAME OF JESUS CHRIST!!.. (sabay basbas ng holy water) I WISH YOU SEND US ONE OF YOUR ARCHANGELS!!.." sigaw ni Randolf at binasbabsan nanaman niya si jennifer tsaka siya nagsalita pa.
"PLEASE HELP US THROUGH THE ARCHANGEL YOU SENT HERE TO US!!..." Sigaw pa ni randolf at binasbasan ng dalawang ulit si jennifer.
Napakadami na ng usok ang nagsilabasan sa katawan niya, yung katawan ni jennifer ay namumula na dahil sa init.
"AAAHHH!!...(sigaw niya at tumingin ng nakakatakot sabay banta) PAGSISISIHAN NYO TO!!!..." Sigaw ni jennifer at dito nga ay mas lalo pang umuusok ang kanyang katawan at may biglang lumabas galing sa loob ng katawan niya.
Isa itong babae na may sugat sa dibdib, nakakatakot ang hitsura niya dahil may mga sunog sa katawan at mukha.
Kasabay nun ay agad na naglaho ang multong yun at agad na nahiga ang katawan ni jennifer sa sahig.
Dalid dali naming kinuha at agad kaming tumakbo papunta sa itaas ng basement at nagtungo sa sala.
Doon ay pinahiga namin si jennifer sa sofa at naupo kaming tatlo sa sahig habang sinubukan naming habulin ang aming hininga.
"G-grabe!!." Sabi nung lalaki.
Agad namang tumingin si Randolf sa lalaki at nagsalita.
"Ano ang ginagawa mo dito justine?" Sabi niya na hingal na hingal.
Huminga ng malalim ang lalaki na ang pangalan ay si justine at nagsalita.
"Yung antique na salamin! ( Sabi niya sabay hingal) ay may nakatira doong kaluluwang hindi matahi-tahimik!." Sabi niya at hinga ng hinga.
Nang marinig ko ang sinabi ni justine ay agad nanaman akong nagulat.
"T-teka nga! Ano ba naman yan! Bakit sa tuwing may ma exorcist tayong multo ay may dadating nanamang bago!" Sabi ko.
Agad namang tumingin sakin si randolf at nagsalita.
"Siguro yan ang sinasabi ni maria na bunso niyang kapatid " kalmang sabi ni randolf.
"K-kapatid!?" Kunti kong sabi.
Tumango lang siya at nagsalita.
"May isa pang kapatid si maria, at humihingi siya ng tulong para maiganti niya ang sarili niya tsaka ang tatlo niyang mga anak, at ang huli ay ang bunso niyang kapatid." Sabi ni randolf.
Napahawak nalang ako sa noo at sumagot.
"Yan na ang huli niyang hiling?" Tanong ko.
Sumagot naman si randolf.
"Yan ang huli niyang sinabi bago naglaho." Ika pa niya.
Kung ganun, kailangan naming matulungan kaagad si maria para mabawasan naman ang multo sa bahay na'to.
"Ahh ganun ba..." Kunting sagot ko.
Hindi na kami nag uusap at magkasabay kaming nagpahinga.
Maya maya lang ay nakabawi na ako ng lakas kaya tumayo ako at nagpaalam na pumunta muna sa itaas dahil mag papalit lang ako ng damit.
Natuyo na kasi sa katawan ko ang dugong lumabas sa bibig ni jennifer, kaya kailangan kong mag bihis kung hindi ay mangangamoy ang katawan ko.
Pumayag naman sila kaya agad akong umalis at naglakad papunta sa hagdan, dahan dahan kong tiningnan ang paligid baka may mukha ang bigla nalang magpapakita.
Pagkarating ko sa second floor ay dali dali akong nagpunta sa kwarto namin ni rosa at doon ay kumuha ako ng tuwalya dahil maliligo ako sa baba.
Nang makakuha na ako ay agad akong humarap sa kabinet at aakmang maglalakad nang biglang may kumalabit sa binti ko.
Dahil dun ay agad kong tiningnan kung saan ito nanggaling at galing ito sa ilalim ng kama.
Dahil dun ay biglang sumagip sa isip ko ang nangyare noong nasa kwarto kami ni rosa, jan din galing si maria at sinubukan niya kaming pat4yin.
Dahan-dahan akong umupo at dahan dahan kong tiningnan ang ilalim ng kama.
Pag tingin ko ay doon ko nakita si andrea na natatakot.
"A-andrea!?" Sabi ko at nagulat.
"Diba nasa bahay ka ng kapitbahay natin?" Tanong ko pa.
Agad naman siyang nagsalita.
"Papa huhuhu, natatakot ako." Sabi niya.
"Natatakot? Saan?" Tanong ko ulit.
Kinuha ko siya sa ilalim at pinaupo sa kama tsaka siya sumagot.
"Jan po" sabi niya sabay turo sa kabinet.
Tiningnan ko ang tinuro niya at nagtaka.
"Sa kabinet? Pero bakit?" Tanong ko.
"Nanjan kasi si kael ehh..." Sabi niya.
Nang marinig ko ang sinabi ni andrea ay agad akong nabigla.
"Diba nasa bahay kayo ng kapit bahay!? Bakit kayo bumalik dito!!." Panermon ko pa at nagtungong kabinet tsaka ko yun binuksan.
Pagkabukas ko ay tumambad mismo sa harap ko si kael na natatawa at kulay itim ang buo niyang mga mata tsaka siya nagsalita.
"Papa, may multo sa likod mo." Sabi niya.
To be continue...
SenyoritongAnel
Author's Note:
Dont forget to vote before you leave.
And please FOLLOW me.Thanks for reading!
BINABASA MO ANG
DELIVER US FROM EVIL
TerrorAng storyang ito ay tungkol sa pamilyang lumipat sa bagong bili nilang bahay at doon ay napansin nila na parang hindi lang sila ang nakatira sa loob ng bahay. Dahil halos oras-oras ay may nagpaparamdam sa kanila na mga kaluluwang hindi matatahimik a...