"I WILL DELIVER YOU TO HELL!! HAHAHA!!.." sabi ni maria at natatawa itong nakatingin sakin habang may mga itim na dug0 ang nag silabasan sa bibig niya.
"TULONGG!!." sigaw kong sabi at bigla nalang tumaas ang kama, akala ko lulutang nanaman ito pero binuhat pala ni james.
At dahil dun ay nakita nilang apat ang nakakatakot na hitsura ni maria habang natatawa itong nakadapa at nakahawak sa buhok ko.
Dali daling binuksan ni randolf ang latin bible niyang dala at nagbanggit ng mga kataga.
"ABITE MALUM ANIMA!!.. DISCEDE MILAGROSA ET VADE QUO TU ES!!..." sigaw ni randolf at dito nga ay biglang umusok si maria kasabay ng paglitaw ng tatlo pa niyang mga anak.
Nabitawan ako ni maria at dali dali akong tumayo tsaka ako kinuha ni james.
Tiningnan ko yung mga bata at parehas silang galit na nakatingin saming apat.
Dahil dun ay dahan dahang lumapit si jennifer at nagsalita.
"Jessa, Good girl ka diba? Pwedeng umalis na kayo dito sa bahay?" Kalmang tanong ni Jennifer.
Dahil dun ay narinig siya ni maria at biglang tinaas ni maria ang kanyang kamay, kasabay nun ay biglang nagsiliparan ang mga maliliit na gamit sa kwarto at agad silang nagsiliparan sa ere patungo kay jennifer at tumama ito sa katawan niya.
"AAAHH!!.." sigaw si jennifer at natumba siya sa sahig.
"WALA KANG KARAPATAN PARA KAUSAPIN ANG MGA ANAK KO!!.." sigaw ni maria at biglang lumakas ang hangin.
Agad na tumayo si randolf sa harap namin at dito nga ay nagulat ako sa ginawa niya, kumuha siya ng kutsilyo at sinugatan ang sarili niyang kamay.
Agad akong lumapit sa kanya at aakmang pipigilan ko siya sa kanyang ginagawa pero hinawakan ni jennifer ang binti ko kaya tumingin ako sa kanya.
"W-wag!.. r-ritwal.. y-yan.." nauutal na sabi ni jennifer.
Dahil dun ay hinayaan ko nalang si randolf sa kanyang ginagawa at dito nga ay kinuha niya ang mga dug0ng lumabas sa kanyang kamay, tsaka niya ito finorm ng hindi ko alam kung ano yun.
Hindi ko siya maintindihan, si maria ay lumutang na sa ere kasabay ng mga gamit namin sa kwarto.
Agad na tumayo si Jennifer at kinuha ang latin bible ni randolf.
"DOMINE!!.. AUXILIARIS HANC ANIMAM SALVAM FACIAS!!.." sigaw ni Jennifer at dito nga ay umusok nanaman si maria.
"AAAHH!!.. TUMIGIL KAAA!!.." sigaw ni maria at lahat ng gamit na lumutang ay biglang lumipad ng mabilis at tumama sa buong katawan ni Jennifer dahilan para matamaan ang ulo niya at agad na bumagsak sa sahig tsaka siya bigla nalang hindi na gumalaw.
Lumaki ang mga mata ko nang makita ko yun.
"JENNIFER!!.." sigaw ko at lumapit, sinubukan kong yugyugin at pag sampal sampalin si Jennifer pero hindi siya nagising.
Agad akong kinabahan kaya tumingin ako kay james at si james naman ay nakatingin kay randolf na may kinuha sa bulsa na parang 1/4 na asin tsaka niya binuhus sa ginawa niya sa sahig gamit ang kanyang dug0.
Agad kong tiningnan ang ginawa ni randolf at dito ako nagulat, dahil isa itong triangle na may isang malaking mata sa gitna tsaka siya lumapit samin at kinuha niya ang latin bible at may kinuha rin siya sa bulsa ni Jennifer.
Bumalik siya sa ginawa niyang triangle ay binuhus ang maliit na tubig na galing pa sa bulsa ni Jennifer, at binuksan rin niya ang bible tsaka siya nag bitaw ng mga salita.
"SA NGALAN NG AMA, ( sabay hawak sa noo) AT SA ANAK, AT SA ISPIRITU SANTO." Ika pa niya at nag-sign of the cross.
"SODES HANC MULIERE JESU SPIRITUS REMITTE!!... QUIA SCIANT QUID FACIUNT!!.." ika pa niya at biglang lumakas pa ng lumakas ang hangin.
Agad na tinawag ni randolf ang tatlong batang multo at dinasalan para makinig sa kanya ang mga bata tsaka niya pinapasok sa loob ng triangle.
At dito nga ay agad akong nagulat, dahil biglang nawala ang saks4k ng mga bata sa dibdib at yung napakaputla nilang mukha ay agad ring nawala tsaka yung nakakatakot nilang mukha ay bumalik sa totoo nilang hitsura.
Nang naipasok na niya ang tatlong bata ay humarap siya kay maria na lumutang sa ere tsaka siya nag banta.
"HAWAK KO ANG MGA ANAK MO MARIA!!.." sigaw niya na ikinagulat ko.
Doon ay tumingin ako ulit sa mga bata at dito na lumaki ang aking mga mata, dahil sinubukan nilang lumabas sa triangle na gawa sa dug0 pero hindi sila makalabas.
"TININGNAN MO MARIA!!... TINGNAN MO ANG MGA ANAK MO!!... UMIIYAK SILA!!.." sigaw ni randolf at dito nga at tumingin si maria sa mga anak niya na umiiyak at nagpupumilit na lumabas.
"HUMINAHON KA MARIA!!... MAG USAP TAYO!!... AT PWEDE KA NAMING MATULUNGAN!!.." sigaw niya.
Dahil dun ay biglang lumaki ang mga mata ni maria nang makita niya ang kanyang mga anak na umiiyak at pilit na lumabas sa triangle.
"ANONG GAGAWIN MO SA MGA ANAK KO!!.." sigaw ni maria at biglang nagsilipadan ang mga maliliit na gamit sa mga pader.
"HUMINAHON KA MARIA!!... HINDI KO SASAKTAN ANG ANAK MO!!.. GUSTO KO LANG AY ANG MAKAUSAP KA!!.." sigaw ni randolf.
Hindi makasagot si maria at dito nga ay tumingin siya ulit sa nga anak niya at nakita niyang umiiyak ito.
Walang magawa si maria kundi ang huminahon nalang at unti unting nawawala ang mga hangin sa loob ng kwarto tsaka dahan dahang nagsibaksakan ang mga gamit sa sahig.
"Ganyan nga, mag usap tayo ng mapayapa at walang masasaktan na tao." Dagdag pa ni randolf.
Agad na bumaba si maria at lumapit, kasabay nun ay biglang tumigil sa kakalabas ang mga itim na dug0 sa bibig niya at yung kulay itim niyang mata ay bumalik na sa normal, yung kulay ng mukha niya ay hindi na maputla.
Nang makita ko ang totoong hitsura ni maria ay agad na lumaki ang aking mga mata, sobrang ganda niya at napakaganda pa ng kutis. Siguro kung lalaki ang tumingin sa kanya ay malamang sa malamang ay mabibighani sila sa taglay na ganda ni maria.
Tumingin ako kay randolf at james at hindi nga ako nagkamali, dahil nakanganga silang nakatingin kay maria at halatang hindi makakapaniwala sa tinataglay na ganda ni maria.
To Be Continue...
SenyoritongAnel
Author's Note:
Dont forget to vote before you leave.
And please FOLLOW me.Thanks for reading!
BINABASA MO ANG
DELIVER US FROM EVIL
HorrorAng storyang ito ay tungkol sa pamilyang lumipat sa bagong bili nilang bahay at doon ay napansin nila na parang hindi lang sila ang nakatira sa loob ng bahay. Dahil halos oras-oras ay may nagpaparamdam sa kanila na mga kaluluwang hindi matatahimik a...