CHAPTER 44

827 62 3
                                    

Nang matapos nang yakapin ni jessa si maria ay tumingin siya kay anna at ngumiti, dito nga ay agad na umilaw ang buong katawan ni jessa, ganun rin ang iba pang mga anak ni maria na si irik at lyka.

Nagsiilawan silang tatlo at biglang lumutang sa ere. Ilang segundo lang ay bigla silang naglaho at nag iwan ng magandang ngiti.

Dahil dun ay nawala na nga sa mundo ang tatlong bata, ang naiwan nalang ay si anna at maria, tumingin ako kay maria pero kitang kita sa mga mata niya na gustong gusto pa niyang manatili dito sa lupa. Kaya nagsalita si anna.

"Okay lang kahit hindi ka humingi ng tawad maria, matagal ko na kayong pinatawad." Sabi niya at nagsalita pa.

"Ang totoong rason lang talaga kung bakit pa ako nandito ay gusto ko lang sana makuha ang papelist ng kompanya namin, buhay pa kasi ang bunso kong kapatid." Dagdag pa niya at nagsalita pa ulit.

"Gusto kong maranasan ng mga anak niya na mamuhay sila ng normal, marangya, at makakain ng masasarap na ulam sa loob ng magandang bahay." Sabi ni anna.

Dahil dun ay tumingin si maria kay anna, at sumagot.

"Pasensya na anna sa mga maling nagawa ko, at salamat din dahil napatawad mo na ako. Pero hindi pa rin ako matatahimik sa tuwing maaalala ko ang asawa kong nagtitiis sa mental hospital dahil sa pananakot mo." Sabi pa niya.

Dahil dun ay nararamdaman kong si romel nalang ang huling tutulungan namin.

Hindi sumagot si anna sa sinabi ni maria, kaya gumawa ng deal si jennifer.

"Ganito nalang, since nalaman na ninyo ang lahat lahat ay gusto nalang na gumawa kayo ng pangako sa isa't isa." Sabi niya na ipinagtaka naming lahat.

"Anong klaseng pangako ba ang nasa isip mo jen?" Tanong ni randolf.

Ngumiti lang si jennifer, tumingin siya kay anna at maria tsaka siya sumagot.

"Diba gusto ni anna ang papelist ng kompanya at ibigay yun sa kapatid niya? tapos si maria naman ay gusto niyang maibalik sa normal ang buhay ni romel?" Tanong niya.

Tumango lang kami kaya nagpatuloy pa sa pag sasalita si jennifer.

"Ganito ang naisip kong wakas sa inyong dalawa." Sabi niya at huminga ng malalim at nagsalita pa.

"Diba dalawa ang kompanyang yun? Tapos nalugi ang isa? Kaya napagkasunduan ninyong pag isahin para yung nalugi ay babalik sa normal?" Sabi niya at nagsalita pa.

"What if magtulong tulungan kayong lahat para makabawi ulit ang isang kompanya sa nalugi? Im sure na tumatakbo parin ngayon ang kompanya nila maria dahil sa Chief Executive Officer o kaya CEO." Sabi ni jennifer.

Dahil dun ay agad namang nagsalita si randolf.

"May alam ka pala sa business? Ano naman yung CEO? I mean ano yung role niya sa kompanya?" Tanong ni randolf.

Sinagot naman yun ni jennifer.

"Ang CEO ay presidente ng kompanya, ang taong kumukuntrol o nagtutulak sa likod ng kumpanya. Ang utak kumbaga, gagawin niya ang mga bagay-bagay at pag sasama-samahin ang mga source upang suportahan ang kumpanya at dalhin ang produkto sa lugar ng pamilihan upang maibenta." Sagot ni jennifer.

Dahil dun ay namangha ako, at biglang natawa si Maria.

"Haha, ibang klase ka. Paranormal na nga, business minded woman pa." Sabi niya.

Tinawanan rin ni anna si jennifer, at dahil dun ay nakikita kong parang nagkakasundo silang dalawa.

"Sge, pero kailangan nyo munang maipangako sakin na babalik na sa dati si romel." Sabi ni maria.

Ngumiti naman si anna at tumago.

Dahil dun ay nagawan na namin ng paraan kung paano magkasundo ang dalawang kaluluwang to, at sa wakas ay matatapos na rin ang lahat.

Tumingin ako sa oras at alas 3:59am na.

Napahiga ako sa sahig, at nagsalita.

"Haaay!!... Sa wakas!! Natapos na rin!!." Sabi ko.

Dahil dun ay nag shakehands si maria at anna, at dahil magkasundo na sila ay agad na tinapakan ni justine ang bilog na gawa sa dug0 niya at dito nga ay bumalik na sa pagiging multo sila anna at maria, lumulutang na sila sa ere at dito nga ay naglaho.

Ngumiti naman si randolf at nag salita.

"Yohoo!! May nalutas nanaman tayong mysteryo haha!." Sabi niya at nahiga rin sa sahig.

Humiga rin sila anna, justine, at jennifer sa sahig. Sa sobrang pagod ay parehas kaming nakatulog.

Nagising nalang kami dahil sa sikat ng araw na galing sa bintana, kaya nagising ako.

Ginising ko silang apat at dito nga ay nagpunta kaming lahat sa sala.

"Magandang umaga!" Bati ni rosa saming lahat.

Ngumiti kaming lahat at sumagot.

"Magandang umaga rin hon." Sabi ko at nagbatian rin sila jennifer.

"Anong gusto nyong ulam?" Natatawang sabi ni rosa.

Sumagot naman ako.

"Depende sa kung ano ang natira jan haha, sana hindi nagalaw ang kusina para hindi rin lumipad yung mga delata haha." Pagbibiro ko pa.

Natawa naman sila at nag tungo na'nga sa kusina si jennifer at rosa.

Samantalang nakatayo lang kaming tatlo sa sala dahil yung sofa na upuan ay nasira doon sa pintuan ng basement.

Kaya wala kaming choice kundi ang sumunod nalang sa kanila at doon ay naupo kami sa upuan ng kusina, doon nalang kasi ang hindi pa nagalaw nila maria at anna, kaya kompleto pa.

Masaya kaming nag uusap samantalang sila rosa ay nagluluto ng delatang pagkain.

Maya maya lang ay natapos na kami sa umagahan at dito nga ay napagkasunduan na naming magpunta sa kwarto para kunin ang papelist sa kabinet.

Hinahanap namin ang papelist sa bawat sulok ng kabinet at doon nga ay nakita namin ang dalawang papelist na may signature pa ni romel at ni jack, kaso wala na si jack sa mundo, kaya napunta sa pangalan ni romel ang dalawang kompanya.

Siya kasi ang father de pamilya kaya siya ang may hawak ng kompanya at may karapatang magpapatakbo.

Siya rin ang CEO o presidente, pero dahil sa kakulangan ng kaalaman pag dating sa marketing statregy at market sales ay iba ang humawak ng kompanya, pero anytime ay pwede niyang kunin yun dahil sa pangalan naman niya nakalagay ang kompanya.

So bali naghire lang sila ng ibang gagawing CEO na may alam pag dating sa marketing strategies at  market sales para magpatakbo ng kompanya nila.

Nang mahanap na namin ang papelist ay agad na naming pinuntahan si romel sa mental hospital, ilang minuto lang ay dumating kami doon ng 9:23am ng umaga.

Agad namin siyang pinuntahan sa room niya at dito nga ay normal naman siya tingnan, kinausap namin siya at base sa sinabi niya ay nakakakita rin siya ng mga multo. Pero hindi naman daw siya gagalawin, hindi kagaya ni anna na pinapahirapan siya.

Sa gitna ng pag uusap namin ay nagulat siya kung paano namin nakuha ang papelist, kaya sinabi rin namin sa kanya na magkasundo na si anna at maria ngayon.

Tsaka babalik na rin siya sa normal dahil wala nang mananakot sa kanya.

Natuwa naman si romel, dahil sa wakas ay wala nang mangangambala pang kaluluwa sa kanya at makakatulog na siya ng mahimbing.

Ipinapangako niyang hihingi siya ng tawad kay anna dahil sa pangmakasarili niyang desisyon sa mga panahong yun dahil sa pag sumbong niya sa authoridad noon.

To be continue...

Author's Note:
Dont forget to vote before you leave.
And please FOLLOW me.

Thanks for reading!


Senyoritong Anel

DELIVER US FROM EVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon