CHAPTER 25

1.2K 61 4
                                    

"Hindi ko alam!!.. nakatulog lang ako sa pag babantay, at pag gising ko ay nakita ko nalang si marisa na natatawa habang pinagmasdan niya ang mukha ko. At dahil dun ay agad akong nagulat, kaya aakmang hahawakan ko sana siya at kakamustahin pero bigla nalang siyang lumutang sa ere!" Pagpaliwanag pa ni james.

Agad namang tinulungan ni randolf si james na ibaba si marisa sa ere, pero ayaw talaga niyang bumaba at parang natutulog lang siya tingnan.

Pilit na hinila nilang dalawa si marisa pero ayaw talagang maibaba kaya agad na tumakbo si jennifer sa sala at ilang segundo lang ay bumalik siyang dala na ang holywater.

Agad siyang lumapit at binuhusan ng holy water si marisa, dahil dun ay agad siyang nagising at sumigaw.

"AAHHH!!.." sigaw niya at umusok ang kanyang kamay kung saan siya natapunan ng holy water.

"Magdahan dahan ka jennifer!! Nasasaktan ang anak ko!!.." sigaw ko.

Sumagot naman si jennifer.

"Wag kang mag alala! Hindi siya ang nasasaktan kundi ang kalu-..."

Naputol ang pag sasalita niya nang biglang lumipad ang kumot papunta sa kanya dahilan ng pagkahulog ng holy water sa sahig at nabalot ang kumot sa buo niyang katawan.

"AAHHH!!.." sigaw ni jennifer at pilit na kumawala.

Di ko alam kung ano ang mangyayare sa anak ko pero agad kong kinuha ang holy water at binasbasan ko siya.

"UMALIS KAA!!.." sigaw ko sabay basbas ng holy water.

"AAAAHHHH!!.." sigaw ng anak ko.

Di ko alam kung ano nag kalalabasan nito pero base sa sinabi ni jennifer ay hindi raw masasaktan ang anak ko, pero yung kaluluwa ay Oo.

"KYAAAH!!.. UMALIS KA SA KATAWAN NG ANAK KOO!!.." sigaw ko pa at dito nga ay niratrat ko sa kakabisbis ang holy water sa katawan niya at umusok ng umusok ang anak ko.

"AAAHHHHH!!..." Pag sisigaw pa niya at dito nga ay biglang may lumabas na isang babaeng multo na may tama sa dibdib.

Pero agad rin siyang naglaho.

Biglang bumagsak ang anak ko at nahulog sa kama, agad namang kinuha ni james at si randolf naman ay dali daling tumakbo papunta kay jennifer at tinulungan niyang maalis yung kumot.

Agad akong tumakbo papunta kay marisa at niyakap.

Iniisip ko ang mukha nung babae pero hindi ko matukoy dahil nakaharang ang buhok niya sa mukha.

Di ko masabi na si anna yun dahil parehas lang sila ni maria na nakaputi, tsaka mahaba ang buhok at magkasing tangkad lang sila.

Nang makawala na si jennifer ay agad siyang lumapit samin at nagsalita.

"Nakita mo ba ang mukha rosa?" Tanong niya.

Umiling lang ako at sumagot.

"Hindi jen, nakaharang kasi yung buhok niya kaya hindi ko nakita " sabi ko.

Napaupo si jennifer sa kama at hinabol ang hininga.

Hiyakap ko ulit ang anak ko at dito nga ay umalis kami sa kwarto at nag tungong sala.

Pagkarating namin dun ay aakmang pahihigain ni james si marisa sa sofa pero pinigilan ko siya at dinala sa labas ng bahay.

"Mas mabuti kung doon muna siya sa kabilang bahay hon kasama ng mga kapatid niya." Sabi ko.

Tumango naman si james at dinala si marisa sa kabilang bahay tsaka ako pumasok sa loob at lumapit sa dalawang paranormal expert.

"Ano na ang gagawin natin?" Tanong ko.

Tumingin sakin si jennifer at seryoso siyang tumitig sakin.

"Rosa, oras na para huntingin ang mga multong yan. Parang nasasanay na silang ganun ganunin lang tayo." Sabi niya.

Naninibago ako sa sinabi niya, kaya nag tanong ako.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

Huminga siya ng malalim at sumagot.

"Feeling ko kasi parang inaabuso na nila kami ni randolf, noon pa kami nagpipigil para matulungan namin silang makatawid sa kabilang buhay ng walang binibitbit na masamang loob. Pero ngayon parang mapipilitan na yata kaming ihatid sila sa kabilang buhay sa masakit na pamamaraan." Sabi ni jennifer at dito nga ay nakita ako si randolf na kinuha ang bible na may triangle at may mata sa gitna.

Nang makita ko yun ay agad nanaman akong kinabahan, kaya hindi ko maiwasan ang mag tanong.

"Randolf, satanic bible ba'yan? Or illuminati bible?" Tanong ko.

Agad naman siyang natawa at huminga ng malalim tsaka sumagot.

"Hindi, Ito ay tinatawag na Eye of Providence, at hindi ito nangangahulugan ng Illuminati kung iyon ang iyong itinatanong." Sabi niya at natawa tsaka nagsalita pa para e explain ang tamang kahulugan nito.

"Ito ay isang sinaunang Kristiyanong simbolo na kumakatawan sa Diyos, ang mata na kumakatawan sa kanyang mabait na omniscience, at ang tatsulok na kumakatawan sa Holy Trinity." Sabi niya at nag salita pa.

"Makikita mo rin ito sa dolyar na pera, kaso sa ngayon ay kadalasang ginagamit ng mga tao ang simbolong ito upang kumakatawan sa imahe ng pop culture ng Illuminati at masasamang sooper-secret conspiracies." Ika pa niya at nagsalita ulit.

"Karamihan ginagamit rin ito ng mga author lalo na sa fiction horror story, ngunit hindi ito naugnay sa mga bagay na iyon ha? Maganda ang hangarin nito." Sabi pa niya.

Ngayon ay na gets ko na, nakakatakot kasi tingnan lalo na't kulay itim ang cover ng bible na dala niya. Tsaka may liwanag pa sa paligid or halo sa englis.

"Ano na ang gagawin natin?" Tanong ko ulit.

Agad namang nagsalita si randolf.

"Oras na para sa sapilitang pagpapaalis ng mga kaluluwang dapat matagal nang wala dito." Sabi niya.

"Paano nyo gagawin yun?" Tanong ko.

Agad namang sumagot si jennifer.

"Alam mo rosa, si randolf ay galing sa isang supernatural team at ako naman ay galing sa paranormal expert team." Sabi niya.

Mas lalo lang gumulo ang pagkakaintindi ko.

"Teyka nga, ipaliwanag nyo nga sakin ang kaibahan ninyong dalawa?" Tanong ko.

Natawa nanaman si randolf at sumagot.

"Ang supernatural ay bumabase sa phenomena na nakabatay sa relihiyosong pananaw, at ang paranormal naman ay nakabase sa iba pang phenomena na hindi ipinaliwanag ng science." Sabi niya at lumapit siya kay Jennifer at yumakap tsaka nagsalita.

"Mayroong ilang mga aspeto na maaaring ituring na bahagi ng parehong paranormal at supernatural, tulad na lamang ng mga multo. At dahil sa multong yan ay nakilala ko jennifer." Sabi niya at ngumiti.

Tumingin ako kay Jennifer at ngumiti rin siya, di ko alam kung matatawa ba ako.

Pero ang ibig sabihin lang nito ay lover pala ang dalawang to.

"G-ganun ba... So bali ang paranormal ay naka base sa hindi maipaliwanag ng mga Scientist, tapos ang supernatural naman ay bumabase sa relihiyon?" Sabi ko.

Tumango lang silang dalawa at natawa, dahil dun ay may na tutunan ako.

My whole life was a lie, ang akala ko ay magkaparehas lang silang dalawa.

Akala ko talaga ang paranormal ay pinoy version at ang supernatural ay american version.

Hindi pala.

To be continue...

SenyoritongAnel

Author's Note:
Dont forget to vote before you leave.
And please FOLLOW me.

Thanks for reading!

DELIVER US FROM EVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon