Aakmang lalapitan ni randolf para isara ang pinto dahil nakakapasok ang hangin sa loob pero biglang lumutang si maria sa ere at galit na galit itong nakatingin samin.
"MGA TAKSIL!!.." sigaw niya at agad niyang tinaas ang kanyang kamay kasabay ng pag lipad ng mga gamit sa bahay at umikot yung mga maliit na gamit tsaka ito lumipad papunta kay James.
Sinubukang umilag ni james pero natamaan parin siya sa katawan, dahilan para mapaupo sa sahig.
"BAKIT!!?? ANONG NAGAWA NAMIN!!??" Sigaw ni Jennifer.
Agad akong tumakbo papunta kay james at aakmang tutulungan nang biglang gumalaw yung sofa papunta sakin.
Dali dali akong umilag at dito nga ay biglang huminto sa kakagalaw ang sofa sa harap ni james, buti nalang at nakailag ako, dahil kung hindi ay matatamaan ang binti ko.
"JAMES!!." sigaw ko pa.
Sumagot naman si james sakin.
"Okay lang ako!!.. wag mokong aalahanin!!.." sigaw niya.
Dahil dun ay agad akong tumingin kay maria at nakita ko siyang galit na galit.
"ANO BA ANG PROBLEMA MO!!.." sigaw ko.
Tumingin naman siya sakin habang nakalutang at sumagot.
"KAYO!!. ANO ANG PROBLEMA NINYO!!.." sigaw niya na ipinagtataka ko.
"WALA KAMING PROBLEMA!!.. NANDITO KAMI PARA TULUNGAN KA!!.." sigaw ko pero nang marinig ni maria ang sinabi ko ay mas lalo pa siyang nagalit.
"SINUNGALING!!.." sigaw niya at agad na lumapit sakin.
Sinubukan kong tumakbo pero napakabilis niya lumipad at dito nga ay pumasok siya sa katawan ko na ikinabigla ko, at dahil dun ay bigla nalang akong nawalan ng malay..
*JENNIFER's POV.*
"MILAGROSA!!... ILAAGG!!.." sigaw ko sa kanya dahil biglang lumipad ang kaluluwa ni maria papunta sa kanya.
Aakmang iilag sana si rosa pero huli na ang lahat, nasaniban na siya ni maria.
Agad na nawala ang hangin sa paligid at bumagsak na sa sahig ang mga gamit, tsaka tumigil na rin sa kakaingay ang pinto.
Nakita namin si rosa na nakaupo at nakayuko, hindi siya gumagalaw.
Dali daling lumapit si randolf sa sofa at binuhat niya para makatayo si james.
Nang makatayo na si james ay agad siyang nagtaka.
"Anong nangyare kay rosa?" Tanong niya.
Naglakad ako ng dahan dahan papunta sa kanilang dalawa at sumagot.
"Sinaniban ni maria, kaya kung may gagawin man si rosa ay wala siyang alam at si maria ang may gawa." Sagot ko.
Nagtaka naman si james.
"Kagaya ba yan nung nangyare kay romel noon?" Sabi niya.
Magsasalita sana ako pero biglang gumalaw si rosa at sinipa ang remote na nasa sahig ako napatingin ako sa kanya.
"Hmmm.... Uhnggmm..." Mahinang sabi niya.
Hindi kami gumalaw at pinanood lang namin si rosa.
"Huhuhu..." Dagdag pa niya.
Nagdadalawang isip ako kung lalapit ba ako kay rosa dahil parang hindi tumalab kay maria ang cruz na nasa kwentas ni rosa, binigay ko pa naman yun sa kanya para maging ligtas siya.
"Huhuhu.... Huhuhu..." Naiiyak niyang sabi.
Dahan dahang lumapit si james at dito nga ay biglang umiyak na parang natatawa si rosa.
"HuhuhaHAHAHA!!.." ika pa niya at biglang tumingin kay james.
"I WILL DELIVER YOU TO EVIL!!.." sigaw ni rosa at dito nga ay bigla siyang tumayo at sinugod si james.
"WAAGG!!... ROSAA!!.. AKO TO SI JAMES!!.." sigaw niya at hinawakan ang ulo dahil kakagatin siya ni rosa.
"ROSA!!.. MAKINIG KA!!.. WAG KANG MAG PAPATALO KAY MARIA!!.." sigaw kong sabi.
Napansin kong nahihirapan si james at parang mas malakas pa si rosa kung ikukumpara ni james.
"HAHAHAHA!!.. DADALHIN KO KAYO SA IMPYERNO!!.." ika pa niya at pilit na kinagat ang leeg ni james.
Tumingin ako sa mga mata ni rosa at dito nga ay nagulat ako dahil puro ito puti.
"Wala na, tuluyan na nga'ng nasaniban ni maria ang buong katawan ni rosa." Sabi ko at kinuha ko ang malaking banal na cruz na nasa beywang ko.
Dali daling tumakbo si randolf sa kusina at kumuha ng isang upuan at lubid, nilagay niya ito sa harap at agad siyang lumapit kay james at pinagtutulungan nilang awatin si rosa.
Dinala nila sa upuan at pilit na pinapaupo, kasabay nun ay tinalian ni randolf ang mga kamay at paa.
Nang matapos na ay agad na silang umalis at lumapit sakin.
"MARIA!!.. BAKIT MO KAMI BIGLANG SINUGOD!!..' sabi ni randolf.
"NAGBALIK KAMI SA BAHAY MO PARA IPARATING ANG MINSAHE NI ROMEL!!.." sigaw ko.
Agad namang nagpupumilit na makawala si rosa A.k.a maria at sumagot.
"SINUNGALING!!.. PAPAT4YIN KO KAYONG LAHATT!!.." sigaw pa niya.
Hindi ko maintindihan si maria, hindi naman kami nag sisinungaling.
Dali dali kung kinuha ang camera at binuksan ko ang video, pinaharap ko sa kanya at pinatingin.
*SA VIDEO*
*Nakaharap si romel at nagsasalita.*
"Mahal, alam kong mali ang sinasabi kong hihintayin ninyo ako..." Sabi niya.
Nang marinig ni maria ang tinig ni romel ay agad siyang sumigaw.
"WAAAHHH!!!... MGA SINUNGALING!!..." sigaw niya.
Agad na hinawakan ni randolf ang ulo at nilagyan ng damit para hindi makagawa ng ingay.
"Mahal, gusto ko lang sabihin na tama na... Itigil mo na ang pananakot ng mga tao." Dagdag pa ni romel.
Dahil sa narinig ay mas lalo lang siyang nagalit.
"WWWNMHH!!... NNGGG!!!... MMNNMM!!.. pag sisigaw pa ni maria.
Agad kong pi-nause ang video.
"Bakit kaya ganyan nalang ang reaksyon ni maria?" Tanong ko.
Hindi makasagot si randolf at james, kaya hinayaan na muna namin si Maria na magwala.
Agad na nagtungo si randolf sa second floor at kumuha ng kumot tsaka siya bumalik at nilagyan ng kumot si maria.
Ini-ON ni randolf ang ilaw at gumana naman, binalik nilang dalawa ang sofa sa gitna at naupo kaming tatlo.
"Ano? Gagawin naba natin ang exorcist?" Tanong ni randolf.
Nang marinig ni james ay agad siyang nagtaka.
"Exorcist? Ano yun?" Sabi niya.
Binuksan ni randolf ang banal na kasulatan at nagbasa ng bible verse.
"Ang isang exorcism ay isang pagtatangka upang palayasin ang mga demonyo o espiritu mula sa katawan ng isang normal na tao."sabi niya.
Tumingin ulit si james kay rosa na sinasapian ni maria.
Nakita niyang para itong baliw dahil umiiyak habang tumatawa at nag ingay ng hindi namin maintindihan dahil may nakaharang sa bibig.
"Ano james? Gagawin naba natin?" Tanong ulit ni randolf.
Dahil sa kalagayan ni rosa ay hindi nag dadalawang isip si james na sumang ayon nalang samin, kaya agad kaming tumayo at lumabas ako ng bahay dahil kukuha ako ng ilang mga gamit pang exorcism.
To Be Continue...
SenyoritongAnel
Author's Note:
Dont forget to vote before you leave.
And please FOLLOW me.Thanks for reading!
BINABASA MO ANG
DELIVER US FROM EVIL
HorrorAng storyang ito ay tungkol sa pamilyang lumipat sa bagong bili nilang bahay at doon ay napansin nila na parang hindi lang sila ang nakatira sa loob ng bahay. Dahil halos oras-oras ay may nagpaparamdam sa kanila na mga kaluluwang hindi matatahimik a...