Kaya agad kong binalik ang tingin ko kay irik at aakmang mag sasalita sana ako pero pag tingin ko sa kanya ay bigla nalang siyang nawala.
"May tinuro kaya siya? O tinatakot lang niya ako?" Sabi ko sa isip ko.
Tiningnan ko ulit ang likuran ko pero wala naman akong nakikita.
Hindi ko nalang ininda yun at binuksan ko ang tv.
Pag bukas ay tumambad sa balita ang aksidenteng nangyare kanina.
Reporter: "FLASH REPORT!!... Kanina lang ay naganap ang kalunus-lunos na pangyayari, isang bus ang nawalan ng control at bumangga sa karenderya ni aling tibang. Pat4y ang driver at ang sakay nitong tatlong tao, isang babaeng bata at dalawang kinikilalang si edwin at lara. Sugatan naman ang..."
Nagpatuloy pa sa pagsasalita ang reporter pero iniba ko na ang channel, dahil nang makita ko ang mukha ng bata sa tv ay parang kinikilabutan ako.
"Condolences sa inyong tatlo." Sabi ko sa isip at nanood ng blockbuster.
Nanood lang ako ng tv dahil wala naman akong gagawin dito sa bahay.
Napakasaya ko dahil romance yung genre, habang nanonood ako ay bigla kung naramdaman na parang may gumapang sa likod ng sofa. Kaya napatingin ako sa likod.
Wala akong nakita, kaya bumalik nalang ako sa panonood ng teleserye.
Habang nanonood ako ay may naramdaman nanaman akong gumagapang kaya tiningnan ko ulit sa pangalawang pagkakaon pero wala talaga akong nakitang tao.
Di ko alam kung pinaglaruan ba ako ni irik, pero bakit siya lang? I mean, may dalawa pa kasi siyang kapatid pero hindi naman nag papakita.
Pumikit ako at huminga ng malalim, nag relax ako at dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at nag babakasakaling gumana yung third eye ko.
Pero nang tumingin ako sa paligid ay wala akong nakikitang kaluluwa.
Napaupo nalang ako sa sofa, parang kailangan pa yata to ng practice.
Nanood ako ulit ng pelikula, pero may gumapang nanaman sa likod ko sa pangatlong pagkakataon kaya medyo na irita na ako, bigla akong lumingon sa likod pero wala akong nakita.
Tumayo ako at umupo, tiningnan ko ang ilalim ng sofa at sa pag tingin ko ay dito ko nakita si irik na nakangiting nakatingin sakin habang ginagaya niya ang posisyon ko. Natatawa siya habang yung mga mata ay kulay itim, ang bibig niya ay may mga laway na nagsilabasan.
Sa gulat ko ay agad akong napaatras.
"AAHH!!.." sigaw ko at naupo sa sahig.
"HAHAHA!!... PAPAT4YIN DAW KITA SABI NIYA..." ika pa ni irik at dito nga ay lumabas siya sa ilalim ng sofa na ikinagulat ko.
"S-siya!?... Sinong siya!!??.." sagot ko.
Natawa nanaman si irik at nagsalita.
"HAHAHA!!... SIYA PO!!.." Ika pa ni irik at may tinuro nanaman si irik sa likod ko.
Tiningnan ko ang tinuro niya sa likod pero wala talaga akong nakikita, kaya binalik ko ang tingin ko kay irik at dito nga ay bigla nanaman siyang nawala.
Napabugtong hininga nalang ako at napahawak sa dibdib dahil sobrang kinabahan ako noong nakita ko ang hitsura ni irik, hindi naman siya ganyan dati.
Agad akong lumabas dahil baka bigla nanamang magsara ang pinto, kaya agad akong tumakbo palabas pero nasa pinto palang ako ay bigla nalang lumakas ang hangin.
Nang makalabas na ako ay dali dali kong tinawagan sila Jennifer at buti nalang sinagot nila agad ang tawag ko.
"Rosa? Napata-..."
Naputol ang pagsasalita ni jen dahil agad akong nagsalita.
"Please pumunta kayo dito ulit sa bahay ko!!.. nagpakita si irik, ang lalaking anak ni maria!!.. sasabihin ko sa inyo ang lahat ng detalye pag nakarating na kayo dito!!." Sabi ko habang kinakabahan.
"Okay, hintayin mo kami jan." Sagot niya at pinat4y ang phone.
Hindi ako mapakali, nagpabalik-balik ako sa kakalakad dito sa labas.
Tiningnan ko ang oras at malapit na ito mag 2pm.
Habang hinihintay ko sila Jennifer ay tumingin ako sa bintana at tiningnan ko ang loob ng bahay, pero wala namang kakaiba.
Hanggang sa dumating na nga sila Jennifer nang 2pm at dali-dali nila akong nilapitan.
"Anong nangyare!? Okay kalang!?" Pag aalalang tanong ni jen at niyakap niya ako.
"Oo jen, okay na ako dahil nandito na kayo. Kanina lang ay hindi ako mapakali dahil nagpakita ang batang kaluluwang si irik at papat4yin daw niya ako." Sabi ko.
Dahil dun ay agad namang nagulat si Jennifer.
"At bakit naman niya gagawin yan?" Tanong ni jen.
Huminga ako ng malalim at sumagot.
"Iwan, sabi kasi niya ay papat4yin daw niya ako at may tinuro siya sa likod ko at yun daw ang nag utos sa kanya." Sabi ko at nagsalita pa.
"Pero noong tiningnan ko ang likod ko ay wala naman akong nakikitang multo o kaluluwa." Dagdag ko pa.
Agad namang lumapit si randolf at nagtanong.
"D'kaya si maria yun?" Tanong niya.
"Imposible naman yun dolfy." Sagot ni jen.
"Oo nga, di naman siguro niya magagawang utusan ang sarili niyang anak para pumat4y ng tao." Sabi ko.
Napahawak nalang si Randolf sa panga at nag isip.
"Kung ganun, sino nanaman yang multo sa bahay mo?" Sabi niya.
Umiling lang ako at dito nga ay napag pasyahan naming pumasok sa loob, may dala silang holy water as always dahil yun lang naman ang panguntra sa mga multo.
Pero iwan ko lang kung tatalab ba yan this time, kasi kung babalikan ko ang mga pangyayari ay sumagip bigla sa isip ko ang kaluluwa ng batang uminom ng holy water.
Pero may ritwal naman daw yan at basbas ng panginoon kaya magtitiwala nalang kami jan.
Nang nakarating na kami sa pinto ay naninibago ako kay randolf dahil wala siyang dalang ghost tracker.
Sa bagay, alam na namin na may multo dito sa loob kaya bat pa niya dadalhin yun.
Nang makapasok na kami sa loob ay nagsimula nanaman akong kinabahan, dahil ang hilig mag laro ni irik. Di parehas kay maria na pat4yan na agad.
Si irik kasi ay mamamat4y ka nalang sa takot bago ka pa niya pag tangkaang pat4yin, kagaya nalang ng ginawa niya sakin kanina. Puro siya paramdam habang nanonood ako ng tv. At mananakot lang siya pag nakita mo na kung saan siya nag tatago.
Habang nakatayo kami sa sala ay aakmang ituturo ko sana ang sofa kung saan ako pinaglaruan ni irik, pero hindi ko pa naitaas ang kamay ko ay bigla nalang may isang batang tumatawa sa ilalim ng sofa.
To be continue...
SenyoritongAnel
Author's Note:
Dont forget to vote before you leave.
And please FOLLOW me.Thanks for reading!
BINABASA MO ANG
DELIVER US FROM EVIL
HorrorAng storyang ito ay tungkol sa pamilyang lumipat sa bagong bili nilang bahay at doon ay napansin nila na parang hindi lang sila ang nakatira sa loob ng bahay. Dahil halos oras-oras ay may nagpaparamdam sa kanila na mga kaluluwang hindi matatahimik a...