My whole life was a lie, ang akala ko ay magkaparehas lang silang dalawa.
Akala ko talaga ang paranormal ay pinoy version at ang supernatural ay american version.
Hindi pala, kaya natawa nalang ako sa sarili ko.
Pagkatapos nun ay napagpasyahan na naming bumalik sa basement, pero bago pa kami nag punta don ay lumabas muna si Jennifer at kumuha pa ng holy water.
Nang makabalik na siya ay agad na kaming nag tungo dun.
Habang nasa hagdan palang kami ay ramdam na ramdam ko ang negatibong enerhiya, at nang makababa na kami ay dito na ako nagulat, dahil hindi pa nga kami nagsimulang gumawa ng hakbang pero nagpakita na ang kaluluwa nang batang babae na si jessa.
"Umalis na kayo dito!" Sabi niya.
Agad kaming nagtaka, dahil hindi niya kami tinakot. Di kagaya ni irik at maria.
"Ha? Bakit naman?" Tanong ni randolf.
"Dahil nag simula na silang magkita." Dagdag pa ni jessa.
Nagtataka tuloy ako sa sinasabi niya.
Aakmang magsasalita sana ako pero bigla nalang siyang naglaho.
Tumingin ako kay Jennifer at nagsalita.
"Si maria kaya at si anna ang tinutukoy ng bata?" Tanong ko.
Umiling lang silang dalawa at dito nga ay may biglang narinig kaming ingay sa itaas.
Agad namang tiningnan ni jennifer at nakita niya si james na pababa.
Oo nga pala, pumasok na kami dito sa basement ng hindi siya kasama.
"Anong balita?" Sabi ni james.
Dahil sa pagbanta ni jessa ay agad akong nagsalita.
"Mas mabuti pang bukas nalang natin to itutuloy." Sabi ko.
Tiningnan ni randolf ang oras at alas 7:21pm palang ng gabi, kaya nagsalita siya.
"Ahmm.. pwede namang kami nalang ang magpapatuloy, kayong dalawa ay doon na muna kayo sa bahay ng kapitbahay ninyo, dahil kami lang naman ni Jennifer ang may maraming karanasan pag dating sa ganitong trabaho." Sabi ni randolf.
Tumingin ako kay james at tumango naman siya.
"Well, hindi ko kayo mapipilit kung ayaw nyong umatras. Pero parang kakaiba kasi ang pakiramdam ko paglapag palang natin doon sa hagdan. Tapos nagpakita pa si jessa at nag banta." Sabi ko.
Ngumiti lang si randolf at may kinuhang kútsíly0, na kakaiba.
"Ano naman yan?" Tanong ko.
Tinarayan niya ako at nagsalita.
"Isa itong Angel Blade, ito ang sandata na dala ng karamihan sa mga anghel. Ang mga angel blade ay may pagkahaba na maaaring gamitin upang pumat4y ng mga anghel, nephilim, hellhounds, demonyo, werewolves at iba pang supernatural na nilalang. At kasama na jan ang ghost." Ika pa niya.
"Well, as expected sa mga kagaya niya." Sabi ko sa isip.
"Ahh.." kunti kong sabi at nagsalita pa.
"Since sanay kana pala sa ganitong eksena ay ipinagkatiwala ko na sa inyo ang bahay namin." Sabi ko at tumingin kay james.
Ngumiti rin naman si james at dito nga ay magkasabay kaming pumunta sa itaas ng hagdan at dito nga ay iniwan namin silang dalawa sa loob ng basement.
Habang naglalakad kami palabas ay tinanong ako ni james.
BINABASA MO ANG
DELIVER US FROM EVIL
HorrorAng storyang ito ay tungkol sa pamilyang lumipat sa bagong bili nilang bahay at doon ay napansin nila na parang hindi lang sila ang nakatira sa loob ng bahay. Dahil halos oras-oras ay may nagpaparamdam sa kanila na mga kaluluwang hindi matatahimik a...