Tumingin ako kay randolf at james at hindi nga ako nagkamali, dahil nakanganga silang nakatingin kay maria at halatang hindi makakapaniwala sa tinataglay na ganda ni maria.
Nang makalapit na si maria ay agad itong nagsalita.
"Pakiusap, wag n'yong saktan ang mga anak ko." Sabi niya.
Tumitig si randolf kay maria at sumagot.
"A'ehh... A-ano kasi... M-may tanong lang kami s-sayo..." Nauutal niyang sabi at nakatitig kay maria.
Ngumiti lang si maria, at kahit na ganun ay halata parin sa mukha niya ang lungkot.
"Bakit kayo nananakot ng tao?" Pagsisimula pa ni james.
Tumingin naman si maria kay james at sumagot.
"Sa amin itong bahay, kaya kayong mga taga labas ay walang karapatan para pumasok dito sa pamamahay ko." Sagot niya.
Agad akong sumagot sa sinasabi ni maria, dahil wala na siyang karapatan pa sa bahay na ito.
"Pero pat4y na kayo maria, dapat nasa paraiso na kayo ng mga anak mo." Ika ko pa.
Tumingin sakin si maria at parang nag pipigil siyang umiyak.
"Pero hindi pwede... Hinihintay pa namin si romel, sabi kasi niya na babalikan niya daw kami." Dagdag pa ni maria.
Dahil dun ay na-curious nanaman ako.
"Sino si romel?" Tanong ko.
Huminga siya ng malalim at sumagot.
"Ang asawa ko, siya ang bukod tanging lalaki na nagbibigay sakin ng ngiti dahil gagawin niya ang lahat para lang mapasaya ako." Sabi niya at dito nga ay hindi na niya mapigilan ang pag iyak at tumulo na nga ang mga luha niya tsaka siya nagsalita pa.
"Pero ngayon ay hinahanap na siya ng mga pulis, kaya hinihintay namin siya ng mga anak namin dahil bago pa siya umalis at tumakbo ay sinasabi niya sa'min na dito lang daw kami sa loob ng bahay at babalikan niya kami." Pag kikwento pa ni maria.
Parang tungkol ito sa pag ibig, siguro first love niya si Romel.
"Kung ganun, paano ka pala namat4y?" Tanong ko.
Nang marinig ni maria ang sinabi ko ay biglang sumeryoso ang mukha niya at tumitig siya sakin.
"Dahil sa bruhang yun!..." Sagot niya.
"Bruha? Sinong bruha?" Tanong ko ulit.
"Walang iba kundi si Anna!!.." sabi niyang may galit.
Dahil dun ay na curious nanaman ako, sino nanaman kaya si anna?
"Ganun ba, ano ba ang ginawa ni anna sayo?" Tanong ko pa.
Huminga siya ng malalim at sumagot.
"PINATA4AYYY!!... NIYA ANG PAMILYA KO!!!...." sigaw niyang sabi at nagsimula nang humangin sa loob ng kwarto.
Dahil dun ay pinakalma ni randolf si maria at dito nga ay medyo nahirapan siyang pakalmahin si maria kaya ginamit nanaman ni randolf ang mga anak ni maria para kumalma siya.
"Pakiusap, kumalma ka. Paano ka namin matutulungan kung palagi kang galit." Sabi ko.
Kumalma naman si maria at dito nga ay natuloy ang aming pag uusap.
"Paano kayo pinat4y ni anna?" Dagdag ko pa.
Hindi nagdalawang isip si maria at sinabi niya samin kung paano sila pinat4y.
"Pinag sa-saks4k niya kami sa dibdib kung saan siya bin4ril ni romel." Ika pa niya.
Dahil dun ay lumaki ang mga mata ko, di ko masasabi na gantihan ito ng mga pat4y dahil nanatili lang naman sila sa bahay para hintayin si romel na bumalik.
"Ganun ba maria, kaya pala palagi mo kaming tinatakot kasi gusto mong umalis kami sa bahay mo?" Tanong ko.
Sinadya ko talagang ibahin ang tanong dahil parang napakalaki ng galit niya kung pag usapan pa namin kung paano at ano ang rason kung bakit sila pinag sasaks4k ni anna.
Tumango naman si maria, at dito ko napagtanto na walang masamang balak si maria. Gusto lang niyang umalis kami sa pamamahay niya.
"Pero pat4y kana maria, kami na ang bagong nagmamay ari nitong bahay."sabi ko.
Dahil dun ay biglang lumipad ang lotion ko at tumama ito sa noo ko.
"AKIN LANG ANG PAMAMAHAY NA'TO!!.." sigaw niya.
Napahawak ako sa noo, si james naman ay nakayakap sakin sa likod.
"Okay kalang?" Tanong niya.
Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagtatanong.
"Maria, paano ka namin matutulongan?" Sabi ko.
Kumalma naman siya at sumagot.
"Dalhin ninyo ang asawa ko dito sa bahay namin." Sabi niya.
Agad na lumaki ang aming mga mata.
"Ha? Paano naman?" Sabi ni randolf.
"Di ko alam, basta dahil ninyo ang asawa ko dito pabalik." Sabi niya.
Dahil dun ay napag pasyahan na naming tulungan si maria, tumango na kami pero bilang kapalit ng pag dala namin sa asawa niya ay dapat mananahimik na siya at hindi na muli pang mangambala ng ibang tao.
Sumang ayon naman si maria, kaya may deal na kami.
Kasabay nun ay ngumiti si maria at bigla nang naglaho.
Dahil dun ay natapos ang pakikipag usap namin sa multong si maria, pinakawalan ni randolf ang tatlong bata at agad naman silang ngumiti at biglang naglaho nang malaman nilang makikita na nila ulit ang kanilang ama.
Agad na binura ni randolf ang triangle at binuhat si Jennifer, dinala namin siya sa sala at doon ay pinahiga.
Ilang minuto lang ay nagkamalay na siya.
Bumangon siya sa sofa na nakahawak sa noo.
"Magandang hapon haha, gising kana." Sabi ni randolf.
Natawa naman kami sa bati ni randolf.
Tumingin samin si Jennifer at nagsalita.
"Kamusta? Anong balita sa multo?" Sabi niya.
Ngumiti naman kami at sumagot ako.
"Ito, nakipag deal kami na kapag madala namin ang asawa niya ay mananahimik na siya at hindi na manggugulo pa." Sabi ko.
Ngumiti naman si Jennifer at nagsalita.
"Mabuti naman." Sabi niya.
"Ang tanong ko nalang, paano natin hahanapin ang lalaki?" Sabi ko.
Dahil dun ay biglang nagpakita si jessa at aakmang lalapit sana samin nang biglang lumitaw si maria at kinuha si jessa tsaka sila agad na naglaho.
Dahil dun ay agad na nagtaka si Jennifer, tumingin siya sakin at nag tanong.
"Ano daw ang dahilan ng pagkamat4y nila?" Sabi niya.
Ngumiti ako at nagsalita.
"Si anna raw ang pumat4y sa kanila, pinat4y daw sila ng babaeng pinat4y rin ng asawa niya. Baka gumanti si anna sa kanila." Sabi ko.
Doon ay biglang lumaki ang mga mata ni Jennifer.
"Woyy, panong si anna ang pumat4y sa kanila? Diba nga sabi ni jessa na si papa daw niya ang may gawa nung saks4k niya sa dibdib?" Tanong ni Jennifer.
To Be Continue...
SenyoritongAnel
Author's Note:
Dont forget to vote before you leave.
And please FOLLOW me.Thanks for reading!
BINABASA MO ANG
DELIVER US FROM EVIL
HorrorAng storyang ito ay tungkol sa pamilyang lumipat sa bagong bili nilang bahay at doon ay napansin nila na parang hindi lang sila ang nakatira sa loob ng bahay. Dahil halos oras-oras ay may nagpaparamdam sa kanila na mga kaluluwang hindi matatahimik a...