CHAPTER 2

1.1K 44 0
                                    

"MAMAA!!!.... MAY BATA SA LOOB NG APARADOR!!!...." sigaw ng anak kong lalaki doon sa itaas.

Agad akong umakyat at dali daling nagtungo sa lugar kung saan ko narinig ang ingay, at pagdating ko dun ay nakita ko siyang nakaharap sa aparador.

Bigla akong kinabahan, aakmang lalapitan ko sana pero biglang kumalabog ang aparador na ikinagulat ko ng husto.

"Sino ang nanjan!" Sigaw ko.

Walang sumagot sa tanong ko kaya dahan dahan akong lumapit, nang makalapit na ako ay dahan dahan kong hinawakan ang pinto at binuksan.

Nang mabuksan ko na ay halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may tumalon na batang babae at nakasuot siya ng puti sabay sabing...

"BULAGAA!!.." sigaw niya at tumakbo kasabay ni kael habang tumatawa silang dalawa.

Agad akong napahawak sa dibdib at huminga ng malalim, si andrea lang pala. Mga batang to oo.

Hindi ko nalang sila ininda at nagtungo ako sa kusina para tingnan ang mga gamit doon, as always ay napakaluma ng style ng kitchen.

Tiningnan ko yung mga kutsara at tinidor, parang pang 1980's pa. May plato pang may prutas sa gitna, halatang pang 1999 - 2005 pa nauso.

Pagkatapos nun ay agad na akong umakyat sa second floor para tulungan ko si james sa mga gamit namin.

Masaya naman ang lahat, parehas kami ni james na kampanti sa bago naming bahay. Tsaka yung mga anak namin ay masayang maglalaro sa loob, mapapasabi ka talaga na worth it yung pag a abroad ni james sa US para makakuha ng pera at makapagpatayo ng small internet cafe para sa passive income namin.

Lumipas ang ilang oras na pag aayos ay natapos na rin kami, pati sa kwarto ng mga anak namin ay wala nang problema.

"Hon, aalis muna ako ha? Aasikasuhin ko lang yung internet cafe total wala na akong gagawin dito sa bahay." Sabi ni james.

Ngumiti ako at sumagot.

"Sge hon (sabay halik sa labi) mag ingat ka." Nakangiti kong sagot.

Umalis na si james at ako nalang tsaka yung mga bata ang naiwan, pumunta ako sa sala at naupo sa sofa. Nagpapahinga ako dahil sobrang dami ng ginawa ko ngayon.

I think normal lang to lalo na't kalilipat lang ng bahay, pumikit ako at niramdam ko yung aircon, napakaginaw at presko yung amoy.

Habang nagpapahinga ako ay biglang bumukas yung TV kaya agad akong napamulat.

Tumingin ako sa paligid ngunit wala namang tao.

"Andrea!? Kael!? Kayo ba ang nag bukas ng tv!?" Sigaw ko.

Walang sumagot sa kanila, kaya medyo kinabahan ako. Hinanap ko yung remote at nakita ko ito sa sofa, katabi ko lang.

Matatakot na sana ako nang bigla kong narinig ang mahinang tawa ni andrea at kael na nagtatago sa pader. Napabugtong hininga ako at kinuha ang remote, pinat4y ko agad ang tv at naglakad papunta sa kanila habang nag sasalita, dahil kailangan ko silang pagsabihan.

"Kayong dalawa!! Puro nalang paglalaro ang inaatu-.."

Naputol ang pag sasalita ko nang marinig ko ang mga foot step nila na nag uunahan sa pag takbo habang natatawa ng mahina.

"Mga batang to." Sabi ko sabay hawak sa noo.

Bumalik na ako sa sofa, at doon ay nagpahinga.

Habang nakaupo ako ay narinig ko nanaman ang foot step ng mga anak ko na palapit sakin at natatawa sila ng mahina.

"Andrea!! Kael!! Tumigil na kayo!! Pagod ako okay!? Magpapahinga muna si mama!!" Sigaw ko habang nakapikit.

Narinig ko silang tumatawa lang, medyo pasaway talaga ang mga batang yan kaya minsan ay mapapatawag ako sa skwelahan dahil sa tigas ng ulo nila.

Hindi ko nalang sila ininda at pumikit ako ng mata para makaidlip, pero hindi pa ako nakatulog ay bumukas nanaman ang TV.

At dahil napakatigas ng ulo nila ay hinayaan ko nalang yung tv na nakabukas at umidlip ako.

Makakatulog na sana ako nang biglang may bumulong sakin.

"Mama, may bata sa aparador." boses ni kael.

Agad akong napamulat dahil bigla akong kinabahan sa sinabi niya, tumingin ako sa gilid ngunit wala si kael.

Doon ay biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.

Di ko maintindihan kung bakit siya biglang nawala, dapat makita ko siyang tumatakbo palayo o kaya marinig ko man lang ang foot step niya na tumatakbo.

Agad akong napatayo at tiningnan ang likod ng sofa, pero wala akong nakita, tiningnan ko rin yung ilalim baka nandoon pero wala talaga akong nakitang bata.

Nagsimula na akong mangamba, parang may kakaiba sa bahay na'to.

Agad kong kinuha ang remote at pinat4y ko yung tv, naupo ako sa sofa nang hindi mapakali, nilagay ko yung remote ulit sa sofa at pumikit.

Dito ko narinig si kael at andrea na natatawang tumakbo palayo.

"Sabi na nga'ba, ang galing nilang mag tago ahh.", Sabi ko sa isip.

Iidlip na sana ako ulit nang bigla nanaman bumukas yung tv, doon ay nabigla nanaman ako.

At dahil dun ay medyo naiinis na ako, agad akong tumayo at nagtungo sa kitchen kung saan sila tumakbo.

"Andrea!! Kael!! Gusto nyo bang makakitim ng palo ha!?" Sigaw kong sabi sabay tingin sa paligid.

Hindi ko sila makita kaya hinanap ko, tiningnan ko ang mga posibleng lugar na pagtataguan nila pero wala akong nakitang bata.

"Andrea!! Kael!! Ayaw nyo talagang lumabas!? Isa!!" Sigaw ko.

Hindi talaga sila lumabas at nagpatuloy lang sa pag tago.

"Dalawa!! Sinasabi ko sa inyo!! Di ako nag bibiro!!" Dagdag ko pa.

Hindi parin talaga sila lumabas, kaya kinuha ko yung walis at hinampas ko sa mesa.

"Tatlo!!"sigaw ko.

Hindi talaga sila lumabas kaya napupuno na ako sa katigasan ng ulo nila, aakmang ihahampas ko nanaman sana yung walis nang biglang may nagsalita sa likod.

"Ma? Pinag sasabi mo?" Kaboses ni marisa.

Tumingin ako sa kanya na may galit at nagsalita.

"Palabasin mo nga ang mga kapatid mo marisa!! Malilintikan talaga sila sakin!!." Sigaw ko.

Agad namang nagtaka si Marisa at nagsalita.

"Po? anong pinagsasabi mo e nasa labas naman kaming tatlo at nag tatakbuhan?" Sabi niya.

Biglang lumaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinasabi ni marisa.

"Kung ganun, sino yung kanina pa nangungulit sakin dito sa loob?" Tanong ko.

To Be Continue...

SenyoritongAnel

Author's Note:
Dont forget to vote before you leave.
And please FOLLOW me.

Thanks for reading!

DELIVER US FROM EVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon