"Po? anong pinagsasabi mo e nasa labas naman kaming tatlo at nag tatakbuhan?" Sabi niya.
Biglang lumaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinasabi ni marisa.
"Kung ganun, sino yung kanina pa nangungulit sakin dito sa loob?" Tanong ko.
Tinitigan lang ako ni marisa at nagtaka lang rin siya sakin.
"Ma, pagod kalang." sabi niya.
Ngumiti nalang ako, baka dahil lang ito sa pagod.
Bumalik ako sa sofa at doon ay kinuha ko ang remote at pinat4y ko ang tv, pagkatapos nun ay agad na akong nakatulog.
*MARISA's POV.*
Habang nag lalaro kaming tatlo sa labas ay parang may sinisigawan si mama, kaya pumasok ako sa loob at tiningnan siya.
Hindi nga ako nagkamali at may senermonan nga siya, agad ko siyang tinanong kung ano ang nangyari pero base sa sinasabi ni mama ay parang may iba pang bata na nangungulit sa kanya.
Kaya pinahiga ko muna siya sa sofa at ngayon ay nakatulog na.
Bumalik ako sa kusina para tingnan ang mga paligid, pero wala namang sign na may bata sa loob na nag tatago.
"Well, baka pagod nga'lang sya." Sabi ko sa isip at agad na akong lumabas para makipaghabulan sa mga kapatid ko.
Habang nag lalaro kami ay syempre ako ang palaging hindi magiging taya dahil ako ang panganay, takbo kami ng takbo at dahil ako nga ang panganay ay palagi silang nag rereklamo.
"Ano ba naman yan!! Wag kanalang kaya sumali!!." Sigaw ni kael.
"Hahaha, pikon ka bunso." Sagot ko.
Tinarayan niya ako at nagsalita.
"Bahala ka, di kita hahabulin." Sabi niya at hinabol si andrea.
Tinawanan lang ako ni andrea habang tumatakbo siya, kaya wala na akong ibang magawa kundi ang magpunta sa gilid at maupo, habang masaya akong nanonood sa kanila na nagtatakbuhan ay biglang hagip ng aking mga mata ang bintana ng sala kung saan si mama natulog, at doon nga ay nabigla ako nang makita ko siyang nakahiga habang nakalutang sa ere.
Dahil dun ay agad akong kinabahan, dali dali akong tumayo at tumakbo papasok, pag bukas ko ng pintuan ay nakita ko si mama na natutulog lang sa sofa.
Bigla nanaman akong naguluhan, nakalutang siya kanina noong tiningnan ko sa bintana pero ngayong nilapitan ko ay nakahiga lang siya sa sofa.
Lumapit pa ako sa kanya at tinitigan ang mukha niya, pero parang normal naman ang lahat.
"Siguro pagod lang ako kakalaro " sabi ko sa isip at aakmang lalabas ng biglang nagsara yung pintuan na ikinagulat ko.
"AAHHHH!!!.." sigaw ko sa bigla.
Agad na nagising si mama at tumingin sakin na may pagtataka.
"Marisa ang ingay mo!" Sabi niya.
Agad akong lumapit kay mama at nagsalita.
"Mama, biglang nagsara yung pintuan!." Sigaw kong sabi.
Tinarayan lang ako ni mama at sumagot.
"Nako marisa ha, tigil tigilan mo ako jan, pagod kalang kakalaro kaya magpahinga ka muna." Sabi niya.
Guminhawa ako ng malalim, baka pagod nga'lang ako.
Agad akong tumabi sa kanya at dito nga ay nanood kami ng palabas.
*MILAGROSA's POV*
Bigla akong nagising dahil sa lakas ng pag kakasara ng pintuan, agad akong bumangon at tiningnan ko si marisa na sumigaw dahil sa sobrang gulat niya.
"Marisa ang ingay mo!" Sabi ko.
Tumingin siya sakin na takot na takot at sumagot.
"Mama, biglang nagsara yung pintuan!." Sigaw niya.
"Oo anak, alam ko." Sabi ko sa isip.
Ayokong matakot siya sa bagong bahay namin dahil 349k ang bili namin sa bahay nato, kaya tinarayan ko nalang siya at nag kukunwari akong walang nalaman.
"Nako marisa ha, tigil tigilan mo ako jan, pagod kalang kakalaro kaya magpahinga ka muna." Sabi ko.
Pero deep inside, kinabahan na talaga ako dahil parang may kakaiba nga sa bahay na'to. Feeling ko hindi lang kami ang nakatira.
Agad akong nilapitan ni marisa at dito nga ay nanood kami ng palabas sa tv.
Lumipas ang isang oras at natapos na ang pinanood naming movie, sakto lang na pumasok na rin sila andrea at kael.
Tumingin ako sa labas at saktong magdidilim na, maya maya ay uuwi na si james kaya agad akong nagpunta sa kusina para mag handa ng haponan.
Buti nalang talaga at huminto kami sa palengke kanina kaya nakabili ako ng mga gulay at meat.
Agad akong nagluto ng haponan, si andrea, kael, at marisa ay nasa sala at masaya silang nanood ng cartoon sa TV.
Agad kong kinuha ang 1 kilong manok, 3 tablespoon cooking oil, at apat na pisnging bawang, tsaka ½ na sibuyas, toyo, suka, paminta.
Masaya akong kinuha ang manok para hiwain, pero nabigla nalang ako nang lumapit sakin si kael.
"Ma, pwede mo ba akong samahan papunta sa kwarto ko?" Tanong niya.
Ngumiti ako at nagsalita
"Bakit naman kael?" Kunti kong sagot.
"Nalilito kasi ako ehh." Sabi niya.
Hininto ko muna ang pag hihiwa tsaka ko siya sinamahan sa kwarto niya, nang makarating na kami ay agad siyang tumakbo at humiga sa kama.
"Jan ang kwarto mo kael, wag mo yang kakalimutan ah? Magkasama kayo ni ate andrea mo." Panermon ko pa.
Hindi niya ako sinagot at nag lalaro lang siya sa kama.
Ngumiti nalang ako at naglakad pabalik.
Habang naglalakad ako palapit sa hagdan ay aakmang bababa na sana ako para magpatuloy sa pag hihiwa ng manok, pero nabigla nalang ako nang makita ko si kael na papaakyat palang sa hagdanan.
"K-kael? Anong ginawa mo dito?" Gulat kong sabi.
Tumingin siya sakin at nagsalita.
"Ma! Nauna ka naman eh! Di moko hinintay!" Sabi niya at nag tampo.
Tumakbo siya sa hagdan at pumasok sa kwarto ni marisa.
Wala akong maisip na isasagot, kakahatid ko palang sa kanya sa kwarto niya pero ngayon ay nakita ko siyang umakyat ng hagdan.
Agad ko siyang sinundan dahil mali ang napasukan niyang kwarto, nang makarating na ako sa kwarto ni marisa ay agad kong binuksan ang pinto. At doon nga ay lumaki ang aking mga mata dahil pag tingin ko sa loob ay wala si kael.
Ang wierd, parang pinaglaruan ako ng di matahimik na kaluluwa.
Hindi ko nalang ininda yun at agad kong sinira ang pintuan, bumalik ako sa hagdan at bumaba, pero bago ako mag punta sa kusina ay sinilip ko muna ang sala.
At dito nga ay lumaki ang aking mga mata, dahil nakita ko silang tatlo na masaya at nagtatawanan habang nanonood ng palabas.
So confirm, may ibang bata nga ang nakatira pa sa bahay na'to.
To Be Continue...
SenyoritongAnel
Author's Note:
Dont forget to vote before you leave.
And please FOLLOW me.Thanks for reading!
BINABASA MO ANG
DELIVER US FROM EVIL
TerrorAng storyang ito ay tungkol sa pamilyang lumipat sa bagong bili nilang bahay at doon ay napansin nila na parang hindi lang sila ang nakatira sa loob ng bahay. Dahil halos oras-oras ay may nagpaparamdam sa kanila na mga kaluluwang hindi matatahimik a...