CHAPTER 7

1.3K 40 11
                                    

Nang makampati na ako ay tumingin ako ulit sa bahay at dito ko napansin ang isang babaeng nakatayo sa bintana na tumitingin rin sakin.

Nakangiti siya habang pinagmasdan ang mga kapit bahay naming ginamot si james.

Ilang minutong pananatili sa labas ay biglang lumapit sakin ang babaeng kapitbahay at nagsalita.

"Magtawag kayo ng pari, mas mabuting pabasbasan nyo muna ang bahay nyo dahil naulit nanaman ang nangyare sa naunang bumili niyan. Kaya nila binenta ng mura." Sabi ng ali.

Dahil dun ay nabigla ako sa sinabi niya, at nakita ko si james na naguguluhan pa sa mga nangyayare.

"Bakit? Ano ba ang issue ng bahay na yan?" Tanong ni james habang hawak hawak ang balikat na kakatapos lang linisan.

Huminga ng malalim ang ali at sumagot.

"Noon kasi, may isang pamilya ang nakatira jan at lahat sila ay binulabog ng hindi matahimik na kaluluwa. Walang araw na hindi magpaparamdam ang mga multo kaya napilitan nalang ang may ari na ibenta yan sa mas mura na halaga." Sabi ng ali.

Sa sinabi ng ali ay malamang tama nga siya, dahil wala pa kaming isang araw sa bahay pero nagparamdam na ang sinasabing multo.

"Ganun ba, salamat po." Sabi ko at umalis na ang ali dahil nagamot na ng mister niya si james.

Lumapit ako sa asawa ko at nag nagsalita.

"Kamusta hon?" Sabi ko.

"Okay lang naman, pero totoo kaya yung sinabi ng kapit bahay natin?" Tanong niya sakin.

"Iwan ko hon, pero sa nangyare sayo at sa nakita natin kanina ay malamang totoo yun." Sagot ko.

Umiling nalang si james at dito nga ay napagpasyahan naming pabasbasan ang bahay.

Agad kaming sumakay sa van at nagtungo sa simbahan, naghanap kami ng pari at dito namin nakilala si father joseph.

Kwenento namin sa kanya ang lahat, pati ang nangyare sa balikat ng asawa ko.

"Kaya ayun, lumapit kami sayo para sana magpabasbas ng bahay." Sabi ko.

Ngumiti naman ang pari at sumagot.

"Sumalangit na'wa ang kaluluwa ng mga taong nasa loob ng bahay ninyo." Ika pa niya at nag sign of the cross.

Dinala namin si father joseph sa bahay namin at dito nga ay nakita niyang napakaluma na ng design.

Bago kami pumasok ay nag sign of the cross muna si father at nag hugas ng kamay gamit ang holy water, pagkatapos nun ay agad na kaming pumasok sa loob.

Pagpasok namin ay may kinuha siyang parang lumang style ng plantsa na may tali pero ang kaibahan lang ay kulay ginto ito, tsaka niya sinindihan at umusok.

"Sabayan ninyo ako." Sabi ni father.

Tumango lang kami ni james at dito nga ay nagsimula na si father.

"Sa ngalan ng ama, ng anak, ng spirito santo." Ika pa niya sabay sign of the cross.

Agad naman kaming sumagot ni james.

"AMEN." Magkasabay naming sabi at nag sign of the cross.

Agad na naglakad si father ng dahan dahan at ini-swing niya ang dala niyang umuusok tsaka siya nag salita.

"Panginoon, ipasa mo ang iyong awa (sabay yugyug para kumalat ang usok) at ang iyong pagpapala sa pamilyang ito at sa bahay na'to." Ika pa niya at nakasunod lang kami sa likod.

Bago kami nagtungo sa kusina ay binasbasan ni father Joseph ng holy water ang mga pader na madadaanan namin.

"Nawa'y bantayan ito ng iyong anghel ng awa at panatilihing ligtas ang lahat ng naninirahan dito sa anumang kasamaan." Dagdag pa niya at nagtungo sa kusina.

Pinausukan namin ang kusina tsaka nibasbasan niya ng holy water ang mga mesa o ano mang nandoon.

"Nawa'y patnubayan nyo sila sa katuparan ng iyong banal na kalooban, na turuan silang sundin ang itinuro sa amin ni Kristo." Ika pa niya at aakmang lalabas ng kusina dahil pupunta sana sa kwarto pero pag talikod namin ay biglang nahulog yung baso.

Agad kaming napahinto at magkasabay na tumingin sa likoran.

"Mag ingat ka nga rosa." Sabi ni james.

Agad akong nagulat.

"Ha? Wala naman akong nabangga." Sabi ko.

Hindi nalang namin yun ininda at nagpatuloy na kami sa ginagawa.

"O Panginoon, bigyan mo sila ng kalusugan at haba ng mga araw." Sabi ng pari at naglakad kami papunta sa sala.

"Ibigay mo sa kanila ang iyong mapagbigay na kamay ang lahat ng kailangan nila upang mabuhay sila nang maayos at mapayapa." Dagdag pa ng pari at binasbasan ang mga upuan, mesa, at mga gamit ng holy water.

"Iligtas ang lahat ng nangangailangan o anumang uri ng problema." Sabi ng father at nagtungo kami sa hagdan para pumunta sa kwarto.

"Nawa'y kilalanin ang bahay na ito bilang isang lugar ng kagalakan at awa." Dagdag pa ng pari at naglakad kami sa hagdan.

Nang makarating na kami sa second floor ay dito na ako nakaramdam ng kilabot, dahil biglang tumayo ang mga balahibo ko.

"Kung saan ang kabaitan ni Kristo ay nagiging totoo para sa lahat ng naninirahan dito at bumibisita." Sabi ng pari at nagtungo sa kwarto ni Andrea.

Binasbasan niya ng holy water at inuusokan, tsaka kami lumabas at nagtungo sa kwarto nila marisa at kael.

"Maawa ka sa kanila, Panginoon." Sabay lakad at nang makarating na kami sa kabilang kwarto ay nagsalita pa si father.

"Sapagkat ikaw ay maawaing Diyos, na umiibig sa sangkatauhan, at sa iyo namin ibinibigay ang kaluwalhatian." Dagdag ng pari at dito nga ay pinasuokan namin ang kwarto at binasbasan ng holy water.

"Sa ngalan  ng Ama!!..." Sabi ng pari at lumabas kami sa kwarto.

"At sa Anak!!.." sabay basbas sa mga pader ng holy water.

"At sa Espiritu Santo!!..." Dito nga ay nakarating na kami sa pintuan ng ikatlong kwarto kung saan sinubukan kaming pat4yin ng babaeng multo.

"Ngayon at magpakailanman!!.." sigaw ni father joseph at pumasok kami sa loob ng kwarto.

"AMENN!!.." dagdag pa ni father at aakmang babasbasan niya ang kama kung saan lumabas ang multo pero biglang nagsara yung pintuan at na trap kami sa loob.

Dahil sa gulat ay napatingin kami sa harap ng pintuan at dito nga ay bumulagta ang hindi ko inaasahan, dahil nakita ko yung babae na kasama ang tatlo pa niyang anak at parehas silang may sàks4k sa puso.

To be Continue...

SenyoritongAnel

Author's Note:
Dont forget to vote before you leave.
And please FOLLOW me.

Thanks for reading!

DELIVER US FROM EVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon