Napatingin kami sa harap ng pintuan at dito nga ay naganap ang hindi ko inaasahan, dahil nakita ko yung babae na kasama ang tatlo pa niyang anak at parehas silang may sàks4k sa puso.
"WE WILL DELIVER YOU TO EVIL!!.." Sigaw ng ina nila.
Agad kaming mapaatras at sa sobrang takot ay nagtago kami sa likod ni father joseph, nang makita ni father ang apat na multo ay nabigla rin siya at nabitawan niya ang holy water na dala dala niya tsaka siya nagsalita.
"ALMIGHTY GOD!!... KEEP US AWAY FROM EVIL SPIRITS!!... MAY THE GO-..."
Naputol ang pag sasalita ni father nang biglang tumakbo ang batang babae at kinuha niya ang holy water tsaka ininom.
Dahil dun ay walang masabi ni father.
"HAHAHA!!... WALANG PANGINOON SA LOOB NG BAHAY NA'TO!!...." Sigaw ng babaeng multo.
Bigla niyang tinaas ang kanyang kamay at dito nga ay naulit nanaman yung eksena, biglang humangin ng malakas at yung mga sirang salamin at gamit ay biglang nasiliparan.
Nang makita ni father joseph ang ginawa ng babae ay agad siyang humarap at kinuha ang cruz na kwentas tsaka siya nagsasalita.
"PANGINOON!!.. PATAWARIN MO SILA!!.. SAPAGKAT HINDI NILA ALAM ANG KANILANG GINA-..."
Naputol ang pag sasalita ni father nang biglang tumama sa kanyang mukha ang unan.
Pilit niyang kinuha ang unan sa kanyang mukha pero hindi ito makuhakuha, dahil dun ay naisipan ni james na lapitan si father at tinulungan niyang kunin ang unan sa mukha pero tila ba'y ayaw umalis sa mukha ni father ang unan, parang may balak itong pat4yin si father.
"SA PAGKAT HINDI NAMIN ALAM ANG AMING GINAGAWA!!?? HAHAHA!! NAGPAPATAWA KABA!!.." sigaw ng babaeng multo.
Di ko alam kung ano ang gagawin ko, tiningnan ko si james na halos maubos na ang lakas makuha lang ang unan sa mukha ni father. Tsaka yung babaeng multo ay natatawa lang habang nag aagaw buhay si father at ang mga anak niya ay nakatingin lang.
"WE WILL DELIVER YOU TO EVIL!!..." Sigaw ng babae at dito nga ay lumutang siya sa ere at sumigaw.
Nang sumigaw siya ay dito na ako nabigla, dahil biglang lumipad si james at tumama sa pader.
"James!!..." Sigaw ko at aakmang tutulungan ko si james pero nang nagtangka akong lapitan siya ay biglang nagsiliparan yung mga maliliit na basag na salamin papunta sakin.
Kung di ako huminto sa kakalad kay malamang matamaan ang buo kong katawan ng mga maliliit na salamin.
"AAHHH!!... TULONGG!!.." sigaw ni father joseph.
"TULUNGAN MO SIYA ROSA!!... OKAY LANG KO!!.." sigaw rin ni james.
Dahil dun ay tumakbo ako palapit kay father at aakmang kukunin ko sana ang unan pero biglang nawala yung hangin at lahat ng nagsiliparan ay biglang bumagsak, pati na rin ang unan at si James ay bumagsak rin.
Napatigil ako at di ko alam kung sino sa kanila ang uunahin ko.
Nakita ko si father na nakabawi na ng hininga at si james naman ay nakatayo na, napaupo nalang ako sa kama kasabay nun ay guminhawa ako ng malalim.
Lumapit sakin si james at nagsalita.
"Okay kalang?" Tanong niya.
Tumango lang ako at nilapitan kami ni father.
"Sobrang sama ng kaluluwa niya, dapat sa kanya dinasalan araw-araw para palaging dadalawin ng panginoon ang kanyang kaluluwa." Ika pa niya at naupo sa kama.
Napaupo nalang rin sa kama si james, at aakmang hihiga nang biglang lumipad ang kumot palayo sa kama.
Agad kaming napatayo at dito nga ay nagsalita si father joseph.
"Bakit ka hindi matatahimik kaluluwa!!??" Sigaw niya at tumingin tingin sa paligid.
Walang sumagot sa kanya at nagulat nalang kami dahil yung kumot ay bigla nalang lumutang at bigla ring bumaksak, pero nung pag bagsak ay parang nagiging form ito ng tao.
Dahil dun ay napaatras kaming tatlo sa takot at si james ay dali daling tumakbo papuntang pintuan at sinubukan niyang buksan ang pinto ngunit hindi ito mabuksan.
Agad na lumutang ulit ang kumot at napunta sa kama, kasabay nun ay biglang bumukas ang pinto.
Dahil dun ay dali dali kaming lumabas at pag dating namin sa hagdan ay bababa na sana kami pero biglang nasira yung mga painting sa gilid at lumipad papunta samin ang mga baling kahoy.
Napaatras kaming tatlo, at kitang kita ko na natatakot si father dahil nakatago siya sa likod ni james.
"Ano na ang gagawin natin!?" Sabi ni james.
Sumagot naman si father.
"Huwag kang matakot, sapagkat kasama natin ang panginoon. Hinding hindi niya tayo pababayaan." Sabi niya.
Dahil dun ay sinubukang humakbang ni james at dito nga ay biglang lumutang yung ibang kahoy na maliliit at tumutok kay james.
Pero dahil sa sinabi ni father na kasama namin ang panginoon ay sinubukan pa rin niyang humakbang at dito nga ay nagsiliparan ang mga maliliit na kahoy papunta sa kanya, pero ang ipinagtataka namin ay hindi ito tumama sa kanyang katawan.
Kaya nagpatuloy si james sa paghakbang papunta sa baba ng hagdan habang yung mga kahoy ay nagsiliparan papunta sa kanya.
Hanggang sa nakarating na nga kami sa ibaba at dito napatunayan ni father nga totoo nga ang sinabi niya, dahil hindi nga kami pinapabayaan ng panginoon.
Magkasabay kaming naglakad palabas ngunit pagdating namin sa sala ay biglang lumutang yung babaeng multo at nakatitig siya samin.
"MATAKOT KA SA DYOS!!.." sigaw ni father.
Natawa lang yung babae pero hindi siya gumalaw kaya nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa nakarating na kami sa pintuan.
Dali-daling binuksan ni james ang pinto ngunit hindi niya mabuksan.
"HAHAHA!!!... MATAKOT KAYO SAKIN!!!... HUWAG SA DYOS!!...." Sigaw pa niya at biglang lumutang yung sofa at lumipad papunta samin.
"ILAAGG!!.." sigaw ni james.
Agad akong umupo samantalang silang dalawa ay umilag papunta sa gilid.
Dahil dun ay nabagsakan ako ng sofa at nahiga, naipit ang katawan ko.
Halos di ako makahinga dahil sa bigat, at saktong nasa tyanan ko pa talaga bumagsak kaya masakit dahil naiipit ang ribs ko.
Napakasakit sa tuwing gagalaw ako o kaya magsalita.
Tumingin ako kay james at aakmang tutulungan niya ako nang biglang lumitaw ang bata sa harap niya at sumigaw.
"WAAAAAHH!!..." sigaw ng bata kasabay nun ay biglang lumutang yung TV at lumipad papunta sa kanya.
To be Continue...
SenyoritongAnel
Author's Note:
Dont forget to vote before you leave.
And please FOLLOW me.Thanks for reading!
BINABASA MO ANG
DELIVER US FROM EVIL
HorrorAng storyang ito ay tungkol sa pamilyang lumipat sa bagong bili nilang bahay at doon ay napansin nila na parang hindi lang sila ang nakatira sa loob ng bahay. Dahil halos oras-oras ay may nagpaparamdam sa kanila na mga kaluluwang hindi matatahimik a...