Simula

1.3K 25 7
                                    

"matagal ka pa ba?" antok nyang tanong.

Ngumuso ako at pagod na tumango. "naiinip kana ba?"

Umiling sya at hinaplos ang pisngi ko. "may klase ako ng four"

Tumango ako. “Mauna kana lang kaya?”

Umiling sya at sinilip ang phone nya muna bago bumalik sa hawak nyang libro.

Hinahabol ko ang deadline ng submission ng research subject ko para hindi ako mahirapan at mastress sa field trip namin. Gusto kong maipasa na ito bago kami aalis.

Nilingon ko si Kazi at nakatutok parin sa hawak nyang libro. Buhat kaninang umaga pa ako nandito sa library, habang sya in and out rin.

"babe pwede ka nang mauna baka malate ka" pagod akong ngumiti.

Umiling sya. "ihahatid kita sa dorm bago ako papasok" ani nya.

Nakangiti akong tumango at niligpit ang mga librong hiniram ko. Tinulungan ako ni Kazi na ibalik yon sa lagayan ng return books. May mga student assistants na babalik sa mga bookshelves.

Bumalik ako sa mesa at binuhat ang bag ko. Si Kazi ang may hawak ng laptop bag ko. Habang sya isang balikat nya ang leather tote bag nya.

Hawak ni Kazi ang kamay ko habang tinatahak namin ang pathway sa indoor garden palabas ng library. Basta magkasama kami, hindi nahihiwalay ang mga kamay namin.

Hindi kami PDA, pero hindi rin kasi minsan mapigilan ang maging sweet kami sa isa't isa.

"Hi pres" bati ng ilang students na nakakasalubong namin.

Tipid na ngumingiti si Kazi sa kanila habang ako nakayuko at nahihiya parin hanggang ngayon.

Nahihiya ako kasi very popular si Kazi, very high and already a complete package para maging boyfriend. Samantalang ako, plain, boring and masikap lang sa pag-aaral. Ganda at kinis lang ang meron ako, pero hindi naman ako nakahanay sa mga boba ng University, I can consider myself as an ordinary student.

Pinisil ni Kazi ang kamay ko nang mapansin nyang yumuko na naman ako. Ayaw nya kasi ibaba ko ang sarili ko, ayaw nyang yumuko ako kasi para sa kanya wala akong dapat ikahiya, nasa tamang edad naman kami at mahal namin ang isa't isa. Proud syang girlfriend nya ako. Kahit 4 na taon ang agwat namin. Yan ang lagi nyang sinasabi sa akin.

"Zia!"

Lumingon ako sa paligid at hinanap ang pamilyar na boses.

Sa isang study area sa ilalim ng mga malalaking puno naroon ang mga kaibigan ko.

"babe, sasabay nalang ako sa kanila" nakangiti kong sabi.

Napakunot ang noo nya na para bang pinag-aaralan ang susunod na mangyayari sa akin kung papayag sya. Ganun ka weird minsan si Kazi. Pakiramdam nya, nag-iibang anyo ako ng tao kung wala ako sa mga paningin nya.

Napatawa ako at pinindot ang noo nya. "wala akong plano magpasaway babe, marami akong hinahabol na Requirements, chill"

Napataas ang isang daku ng kilay nya. "reply ka" habilin nya.

Tumango ako at nakangiting kinuha ang laptop bag ko. Kahit nakatakong ako dahil sa suot kong pormal na puniporme, excited akong lumapit sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko. Sila ang college berks ko. Blockmates mula fresh to ripe.

Nilingon ko si Kaz na hinahatid ako ng tingin hanggang makalapit ako sa mga kaibigan ko.

Nagtaas ako ng kamay bago sya p9 umalis. Sweet.

"iba basta bossy ang boyfriend, may limitations" si Champ. Ang nag-iisang bading sa grupo namin. "anong feeling ng kabado ka sa galawan mo araw-araw?"

"ssshhh!" saway ko. Maraming mata ang nasa paligid. Maraming nakaabang na magkamali ako. Masyadong perpekto si Kazi para madungisan ang pangalan nya.

Crossing Boundaries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon