14

407 23 12
                                    

Kasing tulin ng gulong ng sasakyan ang mga araw at buwan ang lumipas. 4th year na ako, last year in college at ganun rin sya.

Naiiyak ako habang hawak ang maleta ko. Ilang linggo pa lang ang nakalipas mula nang magkasama kami ulit dahil sa break at sunod-sunod na mga training at seminars. Ngayon, ito na naman aalis na naman ako para sa praticum ko sa Macau kung saan nandon si Mama. Tinulungan nya akong makakuha ng visa at makahanap ng magandang hotel kung saan ako pwedeng magpracticum habang kasama ko sya. Sa isang engrandeng hotel kami ni Champ papasok.

Tumutulo ang mga luha ko kasi 5 buwan akong malalayo sa kanya. Pagbalik ko, thesis nalang ang kulang ko at gagraduate na ako.

Sa Maynila pinadala ng school for practicum ang sampung best law student para don sa house of the representative mag-observe at maglend ng services. Kasali si Kazi, Timmy at Melon sa sampu. Si Ona mas pinili ang manatili sa malapit para kay Faith.

Sabay kaming lumipad papuntang maynila, sa eroplano palang di ko na matigil ang mga luha ko. Natatakot ako na baka wala na akong babalikan. Baka maagaw sya ng iba lalo na't parang dagat ang Maynila na may sari-saring lahi, maraming magagandang babae at maraming pwedeng maging temptasyon.

Binalot nya ako ng braso nya at ginulo ang buhok ko. "kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isipan mo" bulong nya.

"baka mawala ka sa akin?" ngumuso ako.

Napatawa sya. "Baka ikaw ang ayaw nang umuwi ha" mas hinigpitan nya ang yakap nya sa akin.

Pinalo ko ang braso nya. "imposible yan, sabay tayong gagraduate"

"champ, sumbong mo sa akin kung may nireto na ang mom nito sa kanya, at kung nagpapacute to don" bulong nya.

Mabilis tumango si Champ sabay tawa.

"baka nga ikaw eh" saway ko.

Napailing sya at tinitigan ako. Yumuko sya at may binulong sa akin. "i cant lose you babe, kahit sino pa ang tatayo sa harap ko" ngumiti sya. "ikaw lang ang laman nito" namumula nyang tinuro ang puso nya. "huwag kanang umiyak, namumula na ang ilong mo" saway nya.

Mabilis tumulo ang mga luha ko sa mga mata ko. Parang ang two years namin may apelyido nang forever sa mga sinabi nya.

Pagdating ng Maynila. Susunduin sila ng Mom at Ate ni Kazi na kasalukuyang nandito para asikasuhin ang mga negosyo nila.

Ipapakilala ako ni Kazi sa kanila kaya kanina pa ako kabado.

Napangiti si Kazi at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit habang palabas kami ng departure area. "dont worry  gusto kalang talaga makilala ng Mommy ko. Gusto ka na rin mameet ng ate ko"

Alanganin akong ngumiti sa kanya habang tumatango.

Nakuha na namin ang mga gamit namin. Mananatili kami sa hotel ng tatlong araw ni Champ para sa finalization ng mga papeles namin. Okay na ang lahat pero kailangan namin ang final appearance, medical certificate at peperma ng mga dukomento.

"sa amin ka nalang kaya muna magstay, total tatlong araw lang naman" bulong nya.

Umiling ako. Si Mama ang nagbook ng hotel, ayokong masayang ang pera nya para sa personal kong kalandian.

Nakatayo ang Mommy nya at ate nya malapit sa pintuan. Nakangiti at halatang maangat nga sa buhay. Mula sa puting damit na suot nya at halatang Hermès na bag, idagdag mo pa ang kumikinang na diamanté nyang suot.

Kumaway si Kazi sa kanila, nakangiti sya habang tinutulak ang cart na may mga maleta namin.

Ihahatid nila kami sa hotel kung saan malapit sa terminal 1.

Crossing Boundaries Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon