"MA!"
Tumakbo akong naiiyak. Biglang nawala ang lahat ng lungkot ko nang makita si Mama.
Nakangiti syang umiiling habang nakabukas ang mga braso nya para salubungin ako.
Niyakap nya ko sya ng mahigpit. Sobrang higpit.
"you're finally here!" ani nya.
"oo nga ma, ang saya saya ko" tumatalon kong sabi sa galak.
Napatawa si Champ. "masaya ka, iniwan mo ang maleta mo?" tinulak nya sa akin ang maleta ko at binati si Mama. "tita, nice to see you again" sabay yakap.
Ngumuso ako. "arte"
Napatawa si Mama. "ikaw talaga" saway ni Mama sa akin. "pasalamat ka kay Champ, nakumbinse nya ang Mama nyang dito na sya magpracticum at hindi sa Amerika"
Napatingin ako kay Champ. Sabagay, pasado naman kaming dalawa sa Amerika pero mas pinili kong dito magpracticum para makasama si Mama, sinali ko lang si Champ kasi sa lahat ng kaibigan ko, sya ang naging saksi ng lahat sa buhay ko.
Inuwi muna namin ang mga gamit namin sa nirentahan ni mama na maliit na apartment para sa amin. May bahay kasi silang nirentahan ng mga kasama nya, hindi kami pwede don kasi magkakaiba ang oras ng trabaho at bed spacer lang rin si Mama.
Tig-isa kami ng kwarto ni Champ may maliit na kusina at dining area.
"ganito talaga dito. Maliliit ang space kasi ang mga tao rito minimalist ang style. Tsaka itutulog nyo lang rin naman ang bakanteng oras nyo kaya okay na to" si Mama.
"ano ka ba tita, buti nga may tig-isang kwarto pa kami ni Zia. Mas mastress ako kung magsasama ka sa isang kwarto" umirap si Champ. "may call center company kasi yan"
Napatawa ako habang si Mama naman napapailing.
"mabait ba ang boyfriend ni Zia?" si Mama.
"naku tita, hindi lang mabait, 5M pa" pabaklang sabi ni Champ na kinasaya naman ni Mama. "matalino, macho, mayaman, maalaga at magandang lalaki"
Kinilig ako don. Kanina nong palabas kami sa departure area, nagsend na ako ng message sa IG nya.
Siguro tulog pa yon, kaninang umaga, nakatatlong rounds pa kami bago ako naligo at naghanda. Kaya kanina sa eroplano, natulog lang ako sa buong byahe. Talagang sinulit nya na ang lahat. Limang buwan rin bago kami ulit magkikita.
Kumain kami sa labas at namasyal. Maliit lang ang Macau. Pwede mo nang maikot ng dalawang araw lang pero bawat sulok Instagramable ang dating.
Pagsapit ng gabi, duty na ni Mama. Hinatid nya muna kami sa apartment namin tsaka sya dumiretso sa hospital.
Kakalabas ko lang ng banyo at nagpupunas pa ako ng buhok ko nang tumawag sya. "babe" masaya akong kumaway.
Nakangiti syang kumaway habang naglalakad. Nasa bahay nila. Nakasando at magulo ang buhok, halatang bagong gising.
Mayaman sina Kazi, may negosyo silang pabango at ilang gasolinahan, Ambassador ng Israel ang Lolo nya dito sa Pilipinas, nakaasawa ng Pinay. Ang Dad nya naman isang comissioner noon bago nagkasakit.
"kagigising mo lang?"
Umupo sya at uminat. (pinagod mo kasi ako buong gabi) biro nya.
Ngumuso ako. "ako kaya ang pinagod mo babe" mabilis akong labasan. Kung hindi lang talaga kami gumagamit ng calendar method at withdrawal, siguro matagal na akong buntis. Marami at sagana ang katas ni Kazi.
(i miss you na agad babe) antok nyang sabi sabay pikit.
Umirap ako.
Napakunot ang noo nya, (yan ba ang room mo?)
BINABASA MO ANG
Crossing Boundaries
RomanceNaging.... #1 apartment #1 heartrob #1 myromance #1 dormitory #1 paasa Hindi lahat ng "bagay kayo"... suportado ng lahat. Mas marami ang aayaw at magiging hadlang keysa sa bilang ng mga suusporta at magiging masaya para sa inyong dalawa. Pero h...