Halos hindi maalis sa labi ko ang ngiti kahit buong araw akong pagod at parang binugbog sa trabaho dahil sa presensya ni Kazi. Pakiramdam ko naglalakad ako sa kalawakan sa sobrang saya at gaan ng pakiramdam ko.
Hindi ko maikubling iba ang sayang naibibigay ni Kazi sa akin. Nakayakap ako sa braso nya habang naglalakad kami at umiikot malapit sa hotel. Namimiss ko ang bango nya, ang bigat ng braso nyang nasa balikat ko at ang kamay nyang laging nakasalikop sa mga daliri ko.
"i miss you so much babe" bulong ko.
Napatawa sya. "i know, kaya nga ako narito kasi alam kong namimiss na ako ng girlfriend kong maganda" ani nya. Hinalikan nya ako sa bunbunan ng ulo ko sabay yakap sa akin. "i hope you behave here habang nasa malayo ako" bulong nya.
"ako pa ba ang pagdududahan mo Kazimierz?" nanlaki ang mga mata ko. "seriously?"
Napataas ang isang daku ng kilay nya habang tinititigan ako.
Napatawa ako at siniko sya. "ang kapal mo"
"im jealous now" umiling sya. "i envy every boys in your hotel, they can see your beautiful face everyday habang ako, hanggang picture at video call nalang" ngumuso sya.
Napatawa ako lalo. Hindi ko na inisip kong ang tawa ko ba masyadong malakas pero dahil kinikilig ako, afpra akong batang nanalo ng laruan.
Niyakap nya ako lalo sa mga braso nya nang marating namin ang malawak na crossroad papunta ng venetian bridge.
Magkahawak ang kamay namin. Nagpapakuha kami ng litrato sa kung sino ang mapagkakatiwalaan ang mukha.
Masaya kahit simply lang ang date namin. Masaya na ako sa ganito. Ramdam ko nang espesyal ako kay Kazi.
Pumasok kami sa Hotel, nagulat ang iba sa presensya ko habang ang iba naman nagtataka bakit kami magkasama ni Kazi.
Ngumiti ako sa supervisor ko sa frontdesk nong graveyard ako.
"hello maam, this is my fiancée Kazi" pinakilala ko si Kazi para hindi ako pagmulan ng tsimis. Yumuko si Kazi bilang paggalang, "she is our supervisor here babe"
Halatang kinikilig si Miss Xin sa gwapong mukha ni Kazi.
"are you going to stay here tonight?" tanong nya.
Tumango kami, "we already have our room with some of our friends who are here also" paliwanag ko.
Tumango sya sabay ngiti. "so you are our guest tonight"
Napangiti ako at tumango.
Napansin ko ang ibang nakaduty na may sinisilip sa mga phone nila. Siguro sinilip nila ang IG ko. Kampante naman ako kasi marami kaming pictures don ni Kazi na magkasama kaya okay narin yon para maniwala sila.
Umakayat kami ni Kazi. Panay kuha namin ng picture habang nasa hallway kami, umikot din muna kami para mamasyal sa buong hotel. Bukas magleave muna kami ni Champ para naman masulit ko ang bisita ni Kazi at nang makasama syang mamasyal.
Hawak ko ang kamay nya nang kumatok kami sa unit nina Lemon at Tim.
Binuksan kami ni Lemon pero nakabalot pa ito ng kumot. "bro were sleepy, you two should go the hell out of here" at sinara ang pintuan.
Napatawa ako.
"Pasensya kana, wala kasi silang tamang tulog. Si Lemon galing Pilipinas pa yan straight ang flight nya mula Davao to Manila, then papuntang Hongkong at maaga pang umalis don, si Tim naman wala ring tulog lately sa kakahabol ng mga requirements nya" ngumiti sya.
Tumango ako at napakibit balikat nalang. "bukas na talaga kami makakapagkwentuhan"
Hinila ako ni Kazi papunta sa nakuha nyang room.
BINABASA MO ANG
Crossing Boundaries
RomanceNaging.... #1 apartment #1 heartrob #1 myromance #1 dormitory #1 paasa Hindi lahat ng "bagay kayo"... suportado ng lahat. Mas marami ang aayaw at magiging hadlang keysa sa bilang ng mga suusporta at magiging masaya para sa inyong dalawa. Pero h...